(unedited)
Kabanata 29
liar
Halos hindi na ako makahinga sa sobrang antisipasyong nararamdaman ng unti-unti siyang maglakad palapit sa akin.
Tila ako naugat sa aking kinatatayuan at hindi ko magalaw ang aking mga paa kahit na gustung-gusto ko ng tumakbo at takasan na lamang siya. Nahigit ko ang aking hininga ng tuluyan na siyang makalapit sa akin. Ang kanyang itim na itim na mga mata ay nasa akin lang, tutok na tutok. Na kung kukurap man siya ay baka mawala akong bigla sa kanyang harapan.
Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga habang hindi ko mabasa ang kung anumang nasa kanyang isip. Blangko lamang ang kanyang ekspresyon.
Magulo ang kanyang buhok at tila kulang siya sa tulog. Naka itim lamang siyang hoodie jacket, ripped jeans at puting sneakers.
"W-what are you doing here?" Sa wakas ay utas ko ng ilang segundo nang ganoong lamang kami.
"And you? What are you doing?" mahina ngunit puno ng tigas ang kanyang tinig. May sumungaw na di ko mapangalanang emosyon sa kanyang mga mata ng sabihin iyon.
Hindi ko ito napaghandaan. Hindi man lamang sumagi sa isip ko na baka puntahan ako ni Philix dito sa Maynila. At di ko alam kung ano ba dapat ang kahantungan ng lahat.
Kinagat ko nang mariin ang aking labi. "Why did you leave just like that, Elle?" puno ng hinanakit na utas niya sa akin at hinuli ang aking braso na nakatengga lamang sa ere.
Gusto ko iyong ipiksi at tumakbo na lamang papasok sa loob ng bahay ngunit nanghina ako ng marinig ang kanyang tinig. He sound so hurt...fuck.
"W-Why did you disappear like that? Without even telling me anything? Huh, baby?" sunud-sunod na tanong niya at tinaas nang bahagya ang aking baba upang magtama ang aming mga mata. Hindi ko rin naman makayanan ang intensidad at emosyong nababasa ko sa kanyang mga mata kaya't napaiwas din agad ako ng tingin.
"Why didn't you tell me that you need my help? I can provide to you, dammit!" medyo tumaas ang tinig na utas niya at muling nag igting ang mga panga.
Nang marinig ko iyon ay agad nanlaki ang mga mata ko. "H-how did you know?" halos hindi ko iyon maibulalas sa sobrang gulat na naramdaman. I assured to myself that there's no way he'll know about our situation! Dahil alam kong magkakaganyan siya!
Nagsalubong ang kanyang kilay habang nakatingin pa rin sa akin.
"And you really planned not to tell me, huh?" puno ng hinanakit na utas niya. Pinasadahan niya ang kanyang buhok sa sobrang frustration ng makita ang aking reaksyon. Nanginig ang aking labi habang di na matigil ang aking utak sa pag isip kung paano niya nalaman!
"Answer me!" mataas ang tinig na utas ko sa kanya ng wala siyang balak sagutin iyon.
"It doesn't matter--"
"Just tell me, Philix! Paano mo nalaman?" marahas ang tinig na utas ko habang di ko mapigilan ang unti-unting galit na nararamdaman ko.
Damn. I won't ever go that way. I won't ever let him be used by us. Kaya kong resolbahin 'to ng hindi nagagaya sa nanay ko!
"Madame Evelina begged me to...marry you...to save your company, Elle," mahina ang tinig na utas niya sa akin dahilan para unti-unting lumagapak ang puso ko ng tuluyan.
Nanginig ang aking labi habang pilit nilalabanan ang luhang sumusungaw na sa aking mga mata. Kinuyom ko ang aking kamay sa sobrang galit na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomancePeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...
