(unedited)
Kabanata 1
weird
Tulala akong nakatunghay sa aking wineglass ng bigla akong mapakislot sa tapik ni Kali sa aking balikat.
"Kasal na ni Abi next week..." utas niya sa akin at ngumisi nang nakakaloko. Umirap agad ako at bumuntong-hininga.
"Please, Kaliza," pagod ang tinig na utas ko at nagsalin ng panibagong wine sa wala ng lamang wineglass.
Narinig ko ang nakakairita niyang halakhak sa may gilid ko.
"Don't tell me you're still so damn scared, Elle? It's been six years..." utas niya sa akin at medyo gumalaw pa sa sofa na kinauupuan namin.
Agad akong nakaramdam ng inis ngunit mas nangibabaw ang mabilis na pagsikdo ng aking dibdib. Sa tuwing naalala ko ang mga nangyari 6 years ago ay halo-halo talaga ang nararamdaman ko. Unang-una na ang lungkot...
"Don't tell me hindi ka a-attend sa kasal ng kaibigan natin, Elle? Ang tagal mo na ngang hindi nagparamdam kay Abi! Talagang magtatampo na 'yan kapag hindi ka pa um-attend sa kasal nila ni Iñigo."
Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam! Hindi ko na alam. May pangamba sa aking puso na baka...baka...
"Give it up, Elle. Ang tagal na walang balita kay Philix. For sure, nag-asawa na 'yon sa Paris," utas nya pa at nginisihan ako.
Bumuntong-hininga ako kahit na ramdam ko ang pagkirot ng aking puso sa kanyang sinabi. It's been six long years since I last saw him. Hindi ko alam kung ano na nga ba talagang nangyari. Ang huli kong balita ay noong...
May pait na sumigid sa aking kaibuturan kaya't mabilis kong inisang-lagok ang laman ng aking wineglass. Dammit.
"Cheers to the love that we can't have..." narinig kong bulong niya saka uminom sa kanyang wineglass. Indeed.
Kahit maingay at masaya ang kapaligiran ay hindi ko kayang magsaya. Lalo pa't ilang araw na lang ay baka makita kong muli siya...kasama ang babaeng nagmamay-ari na ng kanyang puso.
Muli kong tinititigan ang aking wineglass. It's been six damn years but still here I am, stuck and haunted by his memories. His presence. Every single thing about him. I'm still into him. All these damn years.
Pinigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha at muling binalikan ang mga nangyari anim na taon na ang nakalilipas. Ang pinakamasasayang taon at pinakamapait na nangyari noon...
"I've already enrolled you, Elle, in Fiasco State University. Sasamahan ka ni Kaliza bukas," pormal ang tinig na utas ni tita habang tahimik kaming kumakain ng hapunan. Napaangat ako ng tingin kay Kali Elizabeth Ajib, anak ng close friend ni tita Maristella. I don't know why she's here. Ang alam ko lang ay tinuturuan 'daw' ng leksyon ng parents niya ang dalaga kaya ipinatapon sa malayong probinsiya.
Nginisihan niya ako kaya't lumitaw ang malalim niyang dimples. Ngumiti lamang ako ng kimi sa kanya at muli nang pinagtuunan ng pansin ang aking pagkain.
I suck at having close friends. Simula kasi noong manirahan kami sa US ay kami lang ni dada ang magkasama. Siya lang ang naging kaibigan ko roon. I never sought comfort to anyone since dada is more than enough to me.
Nakabibinging-katahimikan ang naghari sa mahabang komedor. Wala si Uncle John dahil nanatili muna sa Manila dahil sa inaasikasong negosyo nila. Balak yatang i-expand ang kanilang negosyo na rito rin nakadestino sa Fiasco.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomancePeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...