not a kid

82 6 0
                                        

UNEDITED


Kabanata 10

not a kid


Matapos iyon ay hindi ko na alam kung paano ako nakabalik sa mansion. Buong durasyon ng biyahe namin pabalik ay walang umiimik sa amin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kanyang isiniwalat. Hanggang sa maggabi ay hindi man lang iyon nawaglit sa aking isipan.

Nang makababa ako pagkagising ko sa sumunod na araw ay agad kong napansin ang mapanuring mga tingin ni Kaliza. Agad akong napasimangot.

"What?" utas ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa may sofa para humilatang muli.

Boring! Inaantok akong humikab at inignora ang mga tingin ni Kaliza sa akin. Siguro ay may nasagap siyang balita kay tita kaya ganyan makatingin.

"Saan kayo kahapon ni Philix?" nakataas ang isang kilay na utas niya sa akin. Kinuha niya ang apple na nasa may center table at saka umupo sa may tabi ko.  Inusog niya pa ang kanyang pwet para lamang makausog ako at mabigyan siya ng space. Napailing-iling na lamang ako at tinutok ang aking mga mata sa flat TV screen,

"Sa farm..." tipid na utas ko.

"Tita Stella told me he will teach you how to ride a horse?" untag niya pa. Napabuntong hininga ako.

"Yes," ani ko at lihim na nagdasal na wag niya na akong kausapin tungkol kay Philix.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking shorts at binuksan yon. Might as well distract myself.

"You like him, don't you?" Natigagal ako at muntik ko ng mabitawan ang aking cell phone sa kanyang biglaang sinabi.

Gulat at nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa maganda niyang mukha na kuntodo ang ngisi ngayon.

"You're nuts, Kali..." ani ko at natatawang inilingan siya.

Pinilit kong ibalik ang aking focus sa mga messages sa akin sa phone ng mga naging friends ko sa States.

"You can deny it all you want but I know deep inside it is true," nakangising pang-aalaska niya pa sa akin at kumagat nang malakas sa kanyang apple.

Napairap ako at di na lamang siya pinagtuunan ng pansin.

Seriously? Does she really think I like that playboy?! Oh no! Pwes, nagkakamali ka, Kali! Because I don't like Philix at all! I am just playing with him.

Natigilan ako ng makita ang text message ng isang unknown number.

From 092981190**

Good morning. Did you sleep well?

Napakunot ang aking noo at nag isip kung sino maaari iyon ngunit walang pumapasok sa aking utak. Baka na-wrong send lang.

Nagkibit na lamang ako ng aking balikat at nagdesisyon na sa bahay manatili ngayong araw. I don't like to go out today because of what happened yesterday.

"Si tita nga pala, Kal?" untag ko kay Kali na todo kunot ang noo sa kanyang cellphone.

"Kali!" medyo tinaas ko ang aking tinig dahil di man lang siya natinag sa pagtawag ko kanina. Napakislot siya at agad napaangat ng tingin sa kin.

"Sorry, nairita lang ako bigla may nagtetext sa akin ng hindi ko kilala e!" may bahid pa ng inis na utas nito.

"Sa akin nga rin e..." utas ko at pinilig ang aking ulo. "Anyway, nasaan si tita?" 

"Di ko alam. May pinunta raw na mahalagang meeting," aniya sa akin. Napakunot noo ako. Alas-nuwebe palang ng umaga, ano yon breakfast meeting?

"Hey! Hey!" pigil niya sa akin ng makita na paakyat uli ako ng hagdan. Napalingon ako sa kanya.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon