trust

85 6 0
                                        

(unedited)


Kabanata 34

trust


"Are you sure, hija? Kakayanin na ba natin na bilhin pabalik ang mansion sa valley?" utas ni tita habang bakas ang pag-alala sa kanyang mukha.

Matagal-tagal ko na ring pinag-isipan iyon ngunit mas malakas talaga sa akin ang isiping bilhin pabalik ang mansion ng mga Evelina. Hindi pwede na tuluyan iyong mawala sa mga Evelina dahil namana pa iyon mula sa aking mga lolo at lola.

I know it will be hard but I am too determined to not brush this off. I've made up my mind.

Ilang years din naman kasi akong nagpakahirap magtrabaho sa kompanya nina Leo. Umuusad na muli ang negosyo ni Uncle na lugmok noon. Kumikita na iyon nang maayos kaya't sa tingin ko ay kakayanin namin.

"Yes po, tita. I've thought about this enough. I really want to get back our mansion po," pormal ang tinig na utas ko at uminom ng tubig.

Kasalukuyan kaming naghahapunan. Kababalik lang ni Uncle John mula sa Fiasco para inspeksyonin ang mga pananim.

"Then you should do meet the owner, hija..." ani Uncle na hindi mapigilan ang saya sa tinig. Nakita ko rin kung paano kumislap ang mga mata ni tita. Of course, I want them to get back back to their home too.

It's their house ever since. Doon lumaki si tita at alam kong marami siyang iniingatang memories sa mansion na iyon. Labag sa kanyang kalooban ang pagpapalaya at pagbebenta ng mansion ngunit wala na kaming choice. 

Sana lang ay pagbilhin pa ng kasalukuyang may-ari. I need to talk to that person as soon as possible.

Kaya naman agad kong kinuha ang mga impormasyon tungkol sa bumili ng mansion namin noon ngunit piniling maging anonymous ng tao. May details ng kanyang kompanya at number kaya't iyon na lamang ang piangtuunan ko ng pansin.

Isang mahinhing sekretarya ang bumungad sa kabilang linya. Nagpa-schedule agad ako ng appointment para ma-meet ang owner ng mansion sa valley.

"Sorry po, ma'am but he's busy right now. I can't schedule a meeting," magalang na utas ng sekretarya.

Agad napakunot ang aking noo. "I thought it was fine already? Saturday this week?" ani ko dahi na-confirm niya na kanina.

"Something important came up, ma'am, emergency. I'm really sorry, ma'am," utas ng dalaga. Agad nanlumo ako.

"Then, let me try next week? Or just try to squeeze an hour for me from his schedule," desperada ang tinig na utas ko.

"Okay, ma'am. But you're needed to go to the said mansion, ma'am in order to meet my boss. He's currently planning to take a vacation there with his wife," utas ng dalaga.

Napabuga ako ng hangin. "Fine, fine. When?" medyo nauubusan na ng pasensyang utas ko. At least, I can still be able to persuade whoever the owner is.

"Next week, ma'am, Saturday." diretsang utas niya.

Agad kong tinignan ang kalendaryo sa aking desk at napakagat ng labi. That's my birthday.

"A-are there no other available days?" mahina ang tinig na utas ko.

"I'm sorry po, ma'am, but that is the only available day. Next available days will be next month," utas niya.

Huminga ako nang malalim at tumango-tango. "Fine. Let that be. What time then?" ani ko.

"Any time...but preferably around 5pm." Nagpasalamat na ako sa sekretarya at binaba na ang tawag.

It's okay,  I can still celebrate...maybe I'll just ride a plane to go back here in Manila.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon