prey

56 4 0
                                    

(unedited)


Kabanata 26

prey


Hindi ko maiwasang paulit-ulit na sulyapan ang aking mukha sa salamin at magnakaw ng iilang buntong hininga. I can feel my heart beating so fast. Damn. I've never been this nervous my whole life.

Napakislot ako ng biglang mag-ring ang aking cellphone. Kaliza is calling.

Lihim kong minura ang kaibigan at agad sinagot ang tawag.

"Where the hell are you? Nandito na kami!" Kahit di ko nakikita ang mukha ni Kali at ay alam kong kuntodo na ang kunot sa kanyang noo.

"I finished my remaining paperwork pa kasi...Leo might scold me if I didn't do that," mahina ang tinig na utas ko sa kanya at inayos ang aking buhok.

Narinig ko ang pagtawa niya nang pagak sa kabilang linya. 

"Gaga ka, Elle! Leo will never scold you!" aliw na aliw na utas niya saka humalakhak pa lalo.

Naiinis na umirap ako kahit na di niya naman makikita. "Shut up. I'm gonna drive papunta riyan so don't call me again," masungit na utas ko.

"Maybe you're just buying time kamo...." tudyo niya pa na lalong nagpainit ng pisngi ko.

Hindi ko na siya hinintay na loko-lokohin pa ako at pinatay na ang tawag.

I-o-off ko na sana ang phone ko para walang mang istorbo sa akin ng makita ko ang kararating na message ni Leo.

From Leo

Do you want me to drive you?

Humugot ako nang malalim na hininga at nag type ng reply.

To Leo

No, don't worry. I can handle myself. Two days lang naman kami roon, I will be back soon. :) And you have an important deal to make this afternoon, right. Good luck.

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at sumandal sa driver's seat. Leondreo Mendres has been so good with me. Has been very patient. After that so-called engagement ay naging mabuti kaming magkaibigan sa isa't isa. He insisted on the help...

Habang naalala ko ang mga nangyari anim na taon na ang nakalilipas ay tila kay sakit pa rin. Tila kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin lahat ng sugat.

Lahat ng mga maling desisyon na nagawa ko...

Pinilig ko ang aking ulo at binuhay na ang makina ng aking sasakyan. This will be a long drive to Fiasco Valley.

Ayaw ko man na bumalik sa lugar na iyon, ayaw ko rin namang ma-disappoint pang lalo sa akin si Abigail. Mula ng mangyari ang nangyari six years ago ay di na ako muli pang umapak sa valley. Ngayon  na lamang ulit...

I can't miss her wedding. She's one of my closest friends. At totoong naghihinampo na siya sa akin for these past six years. Nagkikita lang kami once a year at siya pa talaga ang pumupunta rito sa Maynila para lang magkapag-bond kaming tatlo nila Kali.

She's so patient with me too. Alam niya na hindi ko pa kaya, na natatakot pa ako na baka makita ko ang kuya niya.

I feel so embarrassed with myself. Sa lahat ng ginawa ko noon...and I'm still glad that Abi stays with me despite the hurt I gave to Philix.

Bumuga ako ng hangin at mabilis ng pinaandar ang sasakyan palayo roon.

"Elle!" Hindi pa ako tuluyang nakababa ng aking Montero ay agad ko ng narinig ang masayang sigaw ni Abi.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon