forgive

99 7 0
                                        

(unedited)


Kabanata 35

forgive


Sa sobrang pagod na naramdaman, di ko namalayan na hinila na pala ako ng antok. Nagising ako ng maramdaman ang marahang paghaplos sa akin sa aking pisngi.

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at agad nabungaran ang gwapong mukha ni Philix. Ilang segundo pa akong nakatitig lang sa kanya ng saka ko maalala ang mga nangyari. Mabils akong bumalikwas ng upo at inayos ang aking buhok na nakaharang sa aking mukha.

"W-where are we?" utas ko at saka lang ginala ang tingin sa paligid. Napasinghap ako ng makitang nakahiga ako sa isang malambot na kama. Naguguluhan pa ako sa nangyayari ng unti-unti kong makilala ang silid na inookupa ko.

Natitigilang tinignan ko si Philix na nakaupo sa may gilid ng aking kama habang nakatitig lang din sa akin.

"W-Why did you...bring me here?" utas ko sa isang mahinang tinig.

"This is yours..." utas niya sa akin. We are at Evelina's mansion. Ang pinagbili namin ni tita na ngayon ay gusto ko ng bilhin pabalik.

"Why are we here? Baka mamaya kasuhan pa tayo ng may-ari for trespassing, Philix!" utas ko sa kanya at nagmamadaling tumayo. Agad naman siyang tumayo rin at hinuli ang aking braso.

"Philix!" mataas ang tinig na utas ko dahil tila pinaglalaruan niya na naman ako. E, bakit ba rito niya ako dinala? Marami akong iniisip, dumadagdag pa siya!

"Calm down, baby, please..." malambot ang tinig na utas niya sa akin.

Naiirita ko siyang tinignan. "Bakit mo ba ako dinala rito? I didn't mean to fall asleep while you were driving. Dapat talaga di ako pumayag eh!" utas ko at mas galit sa aking sarili kaysa sa kanya.

"You need to take a break," utas niya at itinaas ang aking baba.

"No! Kailangan kong mag-resign at maghanap ng panibagong trabaho. Mas kailangan ko pang magtrabaho ngayon para mabayaran sina Leo! At mas lalong kailangan kong magtrabaho para maibalik itong mansion sa amin, Philix, kaya wala akong panahon sa mga laro mo!" stressed na utas ko sa kanya at walang-sabi-sabing piniksi ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak.

Mabilis akong naglakad palabas ng aking kwarto. "Elle!" aniya at mabilis akong pinigilan sa akmang pagbaba ng hagdan. Malaki ang kanyang bulto kaya hindi ako makadaan.

Saka ko lang napansin na maayos pa rin ang mga gamit na naroon. Ang mga picture frames namin na nasa hallway ay nandoon pa rin. Halatang well-maintained ang aming mansion sa kamay ng bagong may-ari.

Pero hindi ko alam kung bakit nandoon pa rin ang iilan naming gamit.

"Bakit ka ba nandito? Bakit ba ang kulit mo? Di ba may fiancee ka na? Bakit hindi siya ang guluhin mo?" malakas ang tinig na utas ko dahil sobra na akong naiinis sa pagpigil niya sa akin.

Habang tumatagal ang oras na narito ako sa Fiasco ay mas kumokonti ang oras ko na magkaroon ng pera. I need to work! I need to work my ass off...

Ayokong tumanaw ng utang na loob sa bagong pamiya ni mommy. Ayokong tumanaw ng utang na loob sa pamilyang pinili niya kaysa sa amin ni dada!

I will never let that go!

Kaya wala na akong pakialam kung mamatay ako kakatrabaho para lang mabayaran ang utang na loob namin sa kanila, I will still do it anyway. Just to save me. Just to save my promise to myself.

Nag-init ang gilid ng aking mga mata sa sobrang frustration na nararamdaman. I can't believe Leo is her step-son. Dammit. I can't believe.

Bakit ba ako pinasasakitan ng ganito? Bakit ganito?

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon