gustung-gusto

42 6 25
                                    


Kabanata 9

gustung-gusto


Maingay at nagkakasayahan lahat habang sabay-sabay kaming kumakain kasama ang mga iba pang trabahador. Ako naman ay walang kausap doon at nakikinig lang sa kanilang mga usapan. Syempre si Philix lang naman ang gaanong kakilala ko roon.

Napatingin ako kay Fariyah na nasa tapat lang ni Philix. Ako ang katabi ni Philix habang sa aking isang gilid ay si Tay Ino.

Panaka-naka ay kinakausap ako ni Tay Ino at ni Nay Ising. Nagpapasalamat na lang talaga ako dahil sensitive ang dalawang matanda at napapansin ang pagka-awkward ko.

Pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang nakahaing pagkain. I never tried to eat in a boddle fight. Plus, I don't even know how to eat using only my hands without any utensils!

"Halata talaga ang pagiging laking Amerika nitong si Elle," utas ni Fariyah ng mapansin niya na hirap na hirap akong subuin yung kanin galing sa kamay ko. 

Nag-init ang aking pisngi ng lingunin ako ni Philix. Siya ay tila bihasa sa pagkain gamit lamang ang kamay! Is he always doing this?

"Are you okay?" mataman ang tinig na utas niya sa akin. Hindi maalis ang kanyang titig sa aking mukha. 

Ngumiti ako at nilingon pa si Fariyah. "Oo naman! Sisiw yata 'to!" utas ko sa pinaka-aroganteng tinig. I won't ever let anyone look down on me! I am an Evelina!

This thing called eating with my hands without any utensils is easy! 

Narinig ko ang hagikgik sa paligid. Obvious na pinakikinggan nila talaga ako!

Nag init lalo ang aking pisngi ngunit inignora ko iyon. Nag focus ako sa pagpapakitang gilas ngunit tumatapos lang iyong mga kanin sa kamay ko sa tuwing akmang isusubo ko na. Ang what the heck is this fish?

"Hindi yata kumakain si ma'am ng tuyo, ser," untag ni Julio ng mapansin ang pagtigil ko ng makita ang tuyo sa kanin na nasa harapan ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Fariyah na walang pakialam at kuntodo kain lang. Sarap na sarap pa siya sa tuyo! 

"I can't believe you've never eaten tuyo, Elle...what a miss!" may pang-aasar sa tono ng pananalita ng dalaga ng mag-angat ng tingin sa akin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Why do I feel like I really don't belong here?

Pakiramdam ko ay binubully ako sa isang lugar na hindi ko kilala...Pakiramdam ko ay wala akong kakampi. Pakiramdam ko ay lahat sila hinihintay lang ang pagbagsak ko.

Binaba ko ang tingin sa aking kamay na may butil butil ng kanin. I can't even eat...and I feel so hungry!

Gusto ko na lamang pumalahaw ng iyak ngunit ayokong makita nila! I don't like it when people pity me. I don't need anyone's pity!

"I can eat yours..." Napaigtad ako ng marinig ang mababang tinig ni Philix sa aking tabi. Lumapit pa siya sa akin hanggang sa magtama ang balikat namin. Pinanood ko siya ng kuhain nya yung tuyo saka kinain habang nakatingin sa akin.

Nag init ang aking pisngi. "Do you want me to feed you?' mahina ang tinig na utas niya, kasabay noon ang pagpungay ng kanyang mga mata.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tila biglang may kung init ang humaplos sa aking dibdib dahil sa ginawa niya.

Maybe...just maybe, I have an ally in this strange, unknown place...

Sinundan ko ng tingin ang kanyang kamay ng kumuha siya ng kanin at iaakmang isubo sa akin. "P-Philix..." halos hindi iyon makalabas sa aking bibig. Halo-halo ang nararamdaman ko.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon