(unedited)
Kabanata 31
if only
"Kailan ka dumating, kuya?" Narinig kong tanong ni Abi kay Philix kinaumagahan ng nasa garden kami at kumakain ng breakfast. Balak ko sanang huwag silang sabayan sa pag kain ngunit ang impaktang si Kali ay mapilit. Huling-huli ako lagi!
Sa huli ay nandito ako ngayon at awkward na nakaupo sa tapat ng seryosong si Philix. Si Kali naman ay nasa tabi ko at tahimik akong inaasar gamit ang kanyang di mapuknat na ngisi. Si Abi ay nasa gilid ni Philix habang katabi ni Vrent si Abi. Si Mikael ang nasa kabilang gilid ni Kali at busy sa paglalaro ng PUBG.
"Kagabi lang," tipid na utas ni Philix at tahimik na naglagay ng strawberry jam sa kanyang toasted bread.
Buong akala ko ay may kasama siya ng pumunta rito. Siya lang pala. Nasaan ang girlfriend niya? Ang balita ko ay engaged na sila?
Ang daming nagkakagulong tanong sa aking isipan ngunit pilit ko iyong sinasantabi. It's not important right now. Matagal na kaming tapos...obviously naka-move on na nga siya at ako lamang itong masyadong naghahangad na parehas kaming hindi pa.
Kinastigo ko ang aking sarili at tinuon na lamang ang atensyon sa pagkagat sa aking tuna sandwich. Marami pa silang pinag usapan ngunit di na lamang ako nakisali. Paminsan-minsan ay nagtatanong sila sa akin at sinasagot ko naman. Minsan ay di ko maiwasang di mapasulyap kay Philix na busy sa pagtipa sa kanyang cellphone. For sure ay ka-text niya ang kanyang fiancee.
Di ko namalayan na napadami ang inom ko sa mainit na kape. Muntik ko ng maibuga ang kape na nasa bibig ko, buti na lamang ay napigilan ko ang aking sarili. Tiniis ko na lang na masaktan ako kaysa mabugahan ko si Philix na agad napatingin sa akin.
Nagtama ang mga mata namin ngunit agad ko ring tinuon ang pansin sa may tubig na nasa harapan ko. Baka iniisip niyang sinadya ko iyon para magpapansin. Gusto kong kutongan ang sarili.
Mabilis akong uminom ng tubig at kinagat ang aking ibabang labi. Mukhang walang nakapansin kina Kali dahil busy na rin si Kali sa pakikipaglaro kay Mikael. Ni hindi ko alam na besties na pala sila ni Mikael dahil sa PUBG na yan. Masyado na nga yata akong naging busy sa pagtatrabaho at pagpapalago ng aming negosyo.
Parang napag iwanan na ako. Si Abi, ikakasal na, habang ako wala man lang naging boyfriend these past six years...
Bumuntong hininga na lamang ako.
Hindi ko maiwasang maging teary-eyed habang pinagmamasdan si Abi at Vrent sa may altar. They look so happy and in love. Kitang kita ko ang kinang sa kanilang mga mata lalo na ng dahan-dahang bumaba ang labi ni Vrent kay Abi. Kinagat ko ang ibabang labi at lumipad ang tingin kay Philix na diretso lamang ang tingin sa dalawa. Nag iwas ako ng tingin at muling itinuon ang tingin sa dalawa.
I should really stop hoping for something that is not possible to happen.
"Congratulations!" sabay-sabay na utas namin at itinaas ang hawak-hawak na wineglass. Nakita ko ang malalaking ngiti kina Abi at Vrent habang nagto-toast kami. Marami-rami rin ang mga bisita, puro kamag-anak ng mga Montecillo, iilang mga malalapit na kaibigan, at iilang business associates ng mga Montecillo.
Bongga ang kasal maging ang reception. Exclusive ang kasal nila Abi dahil ayaw ng dalawa sa press. Masyado lamang daw magiging complicated ang kanilang buhay kung pati media ay sasawsaw. Si Vrent kasi ay kilala sa real estate world at talagang hinihintay na matapos ang bachelorhood niya. Masaya ako kasi after years, sila rin talaga ang nakatuluyan.
"One week ka rito sa valley, ha! Kahit wala ako, dapat mag-stay ka pa rin. Magliwaliw kayo nina kuya at Kali," ani Abi ng binisita niya ang aming table. Wala si Philix doon dahil nakaupo siya sa family table nila. Of course, roon siya sasama at hindi rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/206221741-288-k447982.jpg)
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomancePeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...