price

77 2 0
                                        

(unedited)


Kabanata 24

price



"John! Hindi pwede ito! Bawal mong ibenta ang mga properties natin rito sa Fiasco!" Narinig ko ang malakas at histerikal na tinig ni tita Stella kasabay noon ay ang pagkabasag ng kung ano.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata.

"Malaki na ang utang natin sa mga Mendres, Stella! Makukulong ako kung hindi natin mabayaran ang utang!" narinig kong pagod ang tinig na utas ni tito John. Kagagaling niya lamang sa Maynila at wala pang pahinga. Hindi ko alam kung bakit bigla ang pag-uwi niya rito sa valley ngunit mukhang alam ko na kung bakit.

Luging-lugi na ang negosyo nina tito John at mukhang malaki pa ang utang na kailangan nilang bayaran sa pamilyang Mendres.

Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi at patuloy na nakinig.

"Iyon ang matagal na iniingatang negosyo ng pamilya namin! Hindi pwedeng mawala iyon! Kailangan ay  maghanap pa tayo ng iba pang solusyon sa pambayad sa mga Mendres!" utas ni tita at narinig ko ang nginig sa kanyang tinig.

"Nagmakaawa na ako na bigyan pa tayo ng kaunti pang oras..." ani tito John at narinig ko ang mahina niyang pag alo kay tita na hindi na napigilan ang paghagulgol.

Nag iwas ako ng tingin at dahan-dahang naglakad palayo sa study room. Nakatulala akong napatingin kay Kali na nasa punong hagdan at kanina pa ako pinagmamasdan.

Mula ng bumalik kami mula sa bakasyon ay hindi ko akalain na magbabago ang lahat. Tito John's business feels like impossible to be saved. And worst, baka maging dahilan pa ang sangkaterbang utang nila para hilahin pa sila pababa. But since I am part of this household, malaki rin ang chance na mahila ako pababa. Sila na lang ang pamilyang inaasahan ko rito sa Pilipinas. 

My mom left us and since then I treated her as dead.

Wala na rin akong ina.

Wala na akong matatakbuhan kundi sina tita...at mukhang ngayon, ako naman ang kailangan nila.

Niyakap ako ni Kali ng akmang lalagpasan ko siya. Nang maramdaman ko ang mainit niyang yakap ay doon na pumatak ang sunod-sunod kong luha.

I don't know what to do anymore. Ever since dad left me, I feel like I am less strong...I am less powerful. Wala na akong dahilan pa para magpatuloy at lumaban. Parang mas masarap na lamang bumitaw at sumuko. Pagod na pagod na ako.

I thought I will be okay in tita's hands...but this tragedy happened. Ni hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy.

Hinayaan ko ang aking sarili na umiyak kay Kaliza. I need to let these all out. I need to regain myself and stand up again. My family needs me.

Tama si tita. Hindi lang ito para sa kanila, para rin ito sa akin. Para sa aming pamilya. Kinupkop nila ako ng wala ng magkukupkop sa akin. Sila lang ang nandyan...

It is just right to return the favor. To repay them by doing what I should do.

"I don't know, hija, if the Mendres will allow you to talk to them," bagsak ang balikat na utas ni tita sa akin ng sabihin ko ang aking plano.

I will beg the Mendres. I will do everything in my power to let them use me. Kahit ako na lang para lang maging maayos na ang lahat.

I'm sure if I will be able to give them a satisfying deal, they will all agree to me.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon