wakas

75 9 0
                                    

(unedited)

Wakas

"Philix!" Narinig ko ang ilang beses na pagtawag sa akin ni daddy habang mabilis akong tumatakbo palabas ng aming mansion. Inignora ko iyon at nagpatuloy hanggang sa makarating ako sa aming kwadra.

Agad napatigil si Manong Ino sa paghaplos sa isang kulay-kahoy na kabayo at napatingin sa akin. Hinihingal akong nagpunas ng pawis sa aking noo at tinuro ang kabayo.

"Manong, pahiram po ng kabayo," ani ko at bago pa siya makahuma ay kinalagan ko na iyong isa.

"Baka pagalitan na naman ako ni Señor, señorito Philippe..." medyo kabadong utas niya sa akin ngunit di ako nagpatinag. Luluwas ako sa Maynila para roon daw mag-aral ng hayskul. Ayoko nga!

Mabilis kong sinakyan si Elliot hanggang sa maramdaman kong malaya ako. Marahan kong pinikit ang aking mga mata ng maramdaman ang marahang hampas ng hangin sa aking morenong balat.

Ayaw ni daddy na pasaway ako. He always wants me to follow his orders. I already said that I don't wanna study in Manila. I want to be here in Fiasco Valley.

Matigas na ang ulo kung matigas. I just want to follow what I think is right for me. And staying here is right for me. I love it here. The beautiful view of valley, the clear air, the horses, the farms...

I know that I will forever be in valley.

Ramdam ko ang mainit na sikat ng araw sa aking balat ngunit di ko iyon pinagtuunan ng pansin. Tinignan ko ang matayog na gate ng mga Evelina at dahan-dahang tinigil ang pagpapatakbo.

Kinagat ko ang aking ibabang labi ng makitang lumabas ang isang batang babae. May malaking pulang ribbon sa kanyang buhok at babaeng-babaeng tignan sa suot niyang pink dress. May mahaba siyang puting medyas na hanggang tuhod at naka-takong.

She looks so pretty.

Pinapayungan siya ng isang maid habang maarte siyang naglalakad sa kanilang garden. Hindi ba lumalabas ang isang 'to?

"Philix! Anong ginagawa mo rito?" untag sa akin ng kanilang guardia ng mapansin ang pagtagal ko roon sa tapat ng gate. 

"Hindi ba lumalabas iyang pamangkin ni Madame Stella?" kuryosong utas ko habang pinanonood ang babae.

"Ang alam ko, tuwing Sabado ay nag-gagala siya..." utas ng guard at nginisihan ako.

"Crush mo 'no?" tudyo sa akin ni Mang Efren. Natawa ako at pinasadahan ang maiksi kong buhok.

"Pwede na..." nakangising utas ko at lumabi bago nagpaalam na aalis na. Mabilis kong pinatakbo si Elliot ng may ngiti sa aking labi.

"Saan ka pupunta, kuya? Language class natin today..." maliit ang tinig na utas sa akin ni Abi ng makitang mabilis akong naglalakad palabas ng mansion.

Agad ko siyang inagapan na huwag taasan ang kanyang boses at luminga-linga pa sa paligid.

"Sandali lang ako, Abi. Babalik din ako agad, wag kang maingay kina mom at dad," bulong na utas ko sa kanya. Nakita ko ang pagbusangot ng kanyang mukha ngunit ginulo ko lamang ang kanyang buhok at mabilis na sumakay na kay Elliot.

Kapag Sabado ay maraming gawain sa mansion. Iyon din ang araw na kailangan naming mag-aral ng French, badtrip at masungit si ma'am Kaye at panigurado patay ako kay daddy pero bahala na nga.

Labis labis ang tuwa ko ng makita ang batang babae na palabas ng gate ngunit agad nawala iyon ng makitang may kasama siyang maid. Anak ng pating!

"Magandang umaga!" masiglang utas ko at agad dumiretso ang mga mata sa magandang batang babae. 

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon