tipo

65 7 10
                                    


Kabanata 5

tipo

Ramdam ko ang malamig na hampas ng hangin habang mabagal na pinatatakbo ni Philix ang kabayong sinasakyan namin. I couldn't help but to feel awkward and conscious every time I feel his body enclosing mine. 

I can feel his body heat and it is making me feel so uncomfortably giddy.

Ang tahimik naming dalawa pareho. Walang nangahas na basagin ang katahimikan. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa pagtingin sa mga malalawak na lupain na aming nadaraanan. Hindi ko rin alam kung bakit biglang nawala sina Kali.

Nanigas ako sa aking kinauupuan ng maramdaman ang pagsamyo niya sa aking mahabang buhok. What the heck is he doing?!

"Nice..." I heard him whisper. Umirap ako sa ere kahit na hindi niya makikita. "Napaka-manyak mo," naiinis na utas ko sa kanya.

Narinig ko ang manly niyang halakhak. Hindi ko alam kung bakit pinupuri ko pa rin siya!

"Ina-appreciate ko lang..." mahina ang tinig na utas niya. Appreciate your face! 

Hindi ko na lang siya pinansin. Kung bakit ba kasi sa kanya pa ako nasakay. Mas okay pa na kasama siguro si Mikael kaysa sa aroganteng lalaking ito! Akala yata madadala niya ako sa mga pag-ganyan niya! Seriously! Mas maraming gwapo sa States at wala akong pinatulan kahit isa sa kanila.

Lalo na rito!

Hindi ko alam kung bakit labis ang inis na nararamdaman ko ngayon habang nararamdaman ko rin ang mabilis na kabog ng aking dibdib. Naiirita ako sa lalaking kasama ko ngayon na kung makayakap sa akin akala mo hindi nawala ng matagal! Ang init ng katawan niya at naiinitan ako ng sobra sa posisyon namin!

"Nasaan na ba sina Kali?" sikmat ko sa kanya at pilit na lumilingon kahit na alam kong hindi ko siya makikita. Gusto ko lang malaman niya na naiinis na ako.

Nahigit ko ang aking hininga ng tumama ang pisngi ko sa pisngi niya. "I chose the shortcut..." paos ang tinig na utas niya. Nag-init ang pisngi ko at pinirmi ang ulo sa harapan.

Why in the world this man sounds and looks so sexy every time we see each other? How come!

Pinilit kong sumagap ng sariwang hangin para mawala ang mga agiw sa aking utak. Hindi!

Shortcut pa talaga. Oo ng matapos na!

Naging mabilis bigla ang takbo ng kabayo ng paakyat na kami sa isang matarik na daan. Kita ko ang kanilang malawak na farm sa di-kalayuan, mga hayop na naggagala, mga trabahador na busy sa kanilang mga ginagawa, mga nagtatayugang puno at marami pang iba. 

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng asungot na 'to.

"I really like this particular place..." Natigilan ako ng bigla kaming tumigil. Napakunot ang aking noo at sisinghalan na sana siya dahil sa pagtigil niya ng mapansin ko ang kanyang tinutukoy.

Isa iyong malaki at matandang puno na nakatayo sa isang malawak na lupain. Walang ibang puno bukod dito. Bumaba si Philix ng kabayo kaya't nalipat ang tingin ko sa kanya.

"You don't wanna go down?" untag niya sa akin. 

Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala sa lugar na 'to. Nang makita ko na tinalikuran niya na ako para lumapit sa may puno ay agad kong inagaw ang kanyang atensyon.

"Hey..." Agad siyang lumingon. Kitang-kita ko ang kislap sa kanyang itim na itim na mga mata.

Nag-iwas ako ng tingin. "Mainit dito kung maiiwan ako..." ani ko sa kanya. Naglakad siya palapit sa akin at nilahad ang kanyang kamay.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon