picnic

106 7 6
                                        


Kabanata 3

picnic


Hindi ko alam kung ano ba itong kakaibang pakiramdam na unti-unting pumupukaw sa aking atensyon. Pinilig ko ang aking ulo at napaangat ng tingin nang marinig ang malakas na sigaw ni Mikael mula sa itaas.

"Elle!"Nakita ko ang malaking ngisi sa kanyang labi ngunit hindi nakatakas sa aking mga mata ang inis na nasa kanyang mata. Kinagat ko ang aking ibabang labi at hinintay ang gagawin niya.

Narinig ko ang pagnguso ng lalaking ito sa aking tabi ngunit inignora ko na lang. Pinanood ko ang pagtanggal ni Mikael sa kanyang t-shirt saka mabilis na tumalon.

Bahagya pa akong napahiyaw dahil tumalsik ang tubig sa mukha ko. Maging si Philix na nasa malapit ko lang ay natalsikan.

"Gusto mo bang libutin natin ang falls?"  tanong sa akin ni Mikael pagkaangat ng kanyang ulo mula sa tubig. Hindi ko alam kung maganda bang ideya iyon.

Luminga ako sa paligid at hinanap ng mga mata si Kali at Abi. 

"Ah, makihalubilo na lang muna tayo sa mga kaibigan natin," kiming utas ko at nauna ng lumangoy papunta sa gawi nina Kali.

Nakita ko silang nagkakasayahan sa  gilid ng falls. Napangiti ako nang makita siLuis na malapit kay Abi. I wonder kung may namumuong something.

"Ang hot talaga ni Philix!" Hindi ko na alam kung pang ilang sabi na iyon sa akin ni Kali. 

"Lagi ba siyang sumasama sa inyo?" curious na tanong ko sa kanya. Natigilan siya.

"Oo, minsan. Kapag hindi busy sa planta at farm," aniya.

Tumango-tango ako. Nakapagtataka lang. May trabaho na pala siya...

"Hindi na siya nag-aaral?" painosenteng tanong ko.

"Graduated na siya..." Natigilan ako at napatingin kay Philix. Sumikdo nang kaunti ang aking dibdib ng magtama ang mga mata namin.

Graduated?

Hindi na ako nakapagtanong pang muli dahil nagyaya ng mag-ikot si Luis at Mikael. Malawak ang falls at sobrang linaw ng tubig. Malamig iyon at presko sa balat. Kasabay ko lumangoy si Kali at sa kanyang gilid ay si Philix. Kanina pa sila usap nang usap...hindi ko nga lang masundan kung saan.

Parang na-a-out-of-place tuloy ako.

"Feeling cold?" Napalingon ako kay Mikael na biglang sumulpot sa aking gilid. I just weakly smiled at him. He seems nice but I know his tactics though. Wala akong panahon na makipaglaro. Lalo na kung para lamang sa larong pag-ibig.

It is just a waste of time.  Lalo na sa katulad ko na may pangakong kailangang tuparin.

"You okay? You seem bothered?" nakangiting utas niya.

"Yes. I'm not just used to this, I guess..." tamad na utas ko at muling sinulyapan ang nakangising si Philix sa di-kalayuan. Ano kayang pinag-uusapan nila ni Kali at mukhang aliw na aliw siya?

Teka. Bakit ba ako nakikiusyoso?

Pinilig ko ang aking ulo at tinignan ang gwapong mukha ni Mikael sa aking harapan. Nakailang hagod na siya sa kanyang basang buhok ngunit ni kaunting atraksyon ay wala akong maramdaman. 

Napabuntong-hininga ako.

Nang matapos ang paglangoy namin sa falls ay napagpasyahan na namin umahon. Tinulungan ako ni Mikael na makaahon sa falls at agad akong binigyan ng towel. 

"M-Manghihiram na lang ako kay Kali, Mikael. Thank you na lang," ani ko sa kanya at hinanap na ng mata si Kali.

"Fine," narinig ko pang utas niya ngunit hindi ko na lang pinansin. 

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon