(unedited)
Kabanata 27
lamig
Muling bumalik sa akin ang lahat matapos ang isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko...
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata ng may maramdamang malambot na bagay na dumadampi sa aking pisngi. Hindi pa gaanong nagfo-focus ang aking mga mata sa kung ano iyon kaya't ilang beses pa akong kumurap-kurap.
"Good morning, baby..." Awtomatikong sumilay ang isang kontentong ngiti sa aking mga labi ng marinig ang pamilyar na paos na tinig na iyon.
Agad dumiretso ang mga mata ko sa itim na itim niyang mga mata na sa akin lang nakapokus. Nakatungko ang kanyang isang siko sa may malambot na kama habang ang isang kamay ay pinaglalaruan ang iilang hibla ng aking buhok. Nakasandal ang kanyang isang hita sa akin at tila ako kinukubabawan ng kaunti.
Nag init ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kagabi.
"G-Good morning," nahihiyang utas ko dahil nakita niya ang hitsura ko sa umaga. Pumungay ang kanyang mga mata at marahan akong dinampian ng masuyong halik sa noo...pababa sa aking ilong.
"How are you?" puno ng pag-iingat ang kanyang tinig. Tila may kung anong humaplos sa aking tiyan ng marinig ang kanyang tinig.
"Hmm...I'm so happy," mahina ang tinig na utas ko at dinirekta ang aking mga mata sa kanyang gwapong mukha. Nakita ko kung paano niya kinagat ang kanyang pang ibabang labi para pigilan ang isang ngiti.
"Me too...you don't know how much happiness my heart is feeling right now," mahina ang tinig na utas niya at masuyong hinaplos ang aking pisngi.
Ilang segundo pa niya akong pinakatitigan habang ang araw ay tumatama sa aking mga mata.
Hinayaan kong magtagal kami sa ganoong posisyon. Tanging mga ibon at paghinga lamang namin ang aming naririnig. God, I badly want this...I don't want this to end...
Napaawang ang aking bibig ng dahan-dahan niyang haplusin ang aking ibabang labi habang titig na titig pa rin sa aking mukha.
"Baby...I..." paos ang tinig na utas niya at mapungay ang mga matang tinignan ako. Nag init ang gilid ng aking mga mata ng maramdaman ang nais niyang sabihin.
"L-let's go back, Philix..." nanghihina ang tinig na utas ko sa kanya para hindi ko mismo marinig ang tatlong salitang iyon galing sa kanya. Kasi...baka kapag narinig ko ay di ko na magawa ang dapat kong gawin.
Last night made me realize something. I realized how much feelings I have for him. I begged him to do it with me. I begged him...to own me. To mark me as his. Because deep inside, I am so in love with him. I am so madly in love with him...
It is so scary. To want a person so much...lalo na kung marami ka pang problemang kailangang i-prioritize. Napakahirap isipin, napakahirap pakiramdaman. And I think, it is fair to feel him just this once. To be one with him just this once...
"Ano nangyari, hija?" histerikal na si tita ng makapag-usap kami. Naiwan si Uncle John sa Maynila to settle things with Leondreo Mendres. Hindi pa rin nawawala ang galit sa aking puso dahil sa ginawa ni Uncle.
"Did you know about it, tita? That I will be engaged to that Mendres?" may rahas at pait sa aking tinig ng komprontahin ko siya. I really don't fucking get it why they want me to get engaged with just everyone!
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Of course not! What the hell are you saying?!" lalong tumaas ang kanyang tinig ng marinig ang aking akusasyon.
Medyo nakaramdam ako ng relief ng malamang walang kinalaman si tita, dahil kung meron man, I will feel so betrayed in this family.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomansPeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...
