Kabanata 4
swerte
Matapos ang picnic na nangyari ay hindi na kami muling nagkita. Naging busy na rin naman kasi ako sa pag-aaral. May pangarap pa akong hinahabol. Paminsan-minsan ay nagkukunwari akong walang interes sa tuwing nag-uusap sina Abi at Kali patungkol kay Philix. Nalaman ko na lumuwas pala siya ng Maynila, mag-aasikaso bigla ng negosyo nila roon.
Since wala pa sa isipan ni Abi ang pag-handle sa kanilang negosyo kaya siguro wala rin itong makwentong kahit ano patungkol doon. Basta ang alam ko lang ay wala siya rito.
Pinilig ko ang aking ulo. Bakit ko nga ba siya iniisip?
"Siguro babalik iyon kapag summer na..." narinig ko pang utas ni Abi habang umiinom ko ng aking buko juice.
Summer? Ang tagal naman...
Mabilis lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Ganoon pa rin, nakabuntot pa rin sa akin si Mikael. Hindi ko alam kung bakit ang tagal-tagal na ay ako pa rin ang trip nito! I clearly told him that I don't want any relationship yet! Talagang matigas...
"Bwisit mga kagrupo ko sa research, walang mga ambag! Puro face powder at red lipstick!" Narinig kong malakas na utas ni Kali isang araw. Pabagsak siyang umupo sa may upuang rattan na nasa aking tabi.
Malapit na matapos ang semester. At ngayon ang week ng pasahan ng mga final copy ng research. Maging ako ay sumasakit na ang ulo dahil sa aking mga kagrupo! Hindi naman pupwede na ako lang ang gagalaw! Ano sila, sinuswerte?
Bumuga ako ng hangin. "Kapag talaga natapos 'to, gumala tayo, ha!" ani Kali at tinignan si Abi na nasa kanyang cellphone ang buong atensyon.
"Oo! Outing tayo!" segunda ni Mikael at inakbayan ang sandalan ng upuan ko. Napataas ang aking isang kilay at nilingon siya. Nginisihan niya lang ako. Hinahayaan ko na lang siya kapag ganyan. Sanay na sanay na ako. Ilang buwan ba naman.
"Sino ka-text mo, Abi? Si Luis?" nakangising untag ni Kali.
Umingos lang si Abi. "LQ na naman kayo?" di-makaniwalang dagdag ni Kali. Kinagat ko ang aking ibabang labi at napailing. Mula noong pasukan ay naging mag-on sina Abi at Luis. Tama nga ang naging assumption ko noong una na mayroong something sa kanilang dalawa. Pero habang tumatagal ay tila nagkakalabuan na sila.
Hindi na lamang umimik si Abi. Ganyan lagi. Tahimik lang. Si Kali at Mikael lang ang maingay ngayon dahil ako wala naman akong masabi.
"Aba! Lagot yang si Luis kapag bumalik si Philix!" Sumikdo ang aking dibdib ng biglaang marinig iyon mula kay Kali.
"Huwag mo na lang sabihin kay kuya..." ani Abi.
Umirap lang si Kali saka tinignan si Mikael na todo ang ngisi sa akin. "Mga lalaki talaga! Kapag nakuha na ang babae, nawawalan na ng interes! Anong tingin niyo sa amin? Sasakyan? Pagkatapos gamitin nang paulit-ulit, hindi na aalagaan at ipagpapalit na sa bagong labas?" litanya ni Kali. Napahagikgik ako sa tabil ng kanyang dila.
Maging si Mikael ay napailing. "Hindi naman lahat, Kali..." bulong sa akin ni Mikael. Nagtindigan ang balahibo ko sa aking batok. Hindi ko siya malingon dahil masyadong malapit.
"Tigilan mo ko, Mikael! Kahit si Philix ay ganyan, so lalo ka na!" Natigilan ako sa kanyang sinabi.
What?
Tila may kung anong malamig sa aking sikmura. Well, I knew it. Sa gwapo ba naman ni Philix, bakit hindi siya maging ganoon?
Of course, kayang-kaya niyang kuhain ang kung sinong babae na kanyang matipuhan. Siguro gamit lang ang kanyang itim na mga mata o di kaya ay pagngisi ng mapula niyang labi.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomancePeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...
