moment

56 4 0
                                    

(unedited)

**


Kabanata 22

moment


Marami-rami na ang mga taong nagliliwaliw sa tubig ng makarating kami roon. Agad kong napansin ang iilang pares ng mga matang napapatitig sa lalaking kasama ko. Sumama ang pakiramdam ko at matalim na tinignan si Philix na sa akin lang ang mga mata.

Nag iwas ako ng tingin ng pagtaasan niya ako ng isang kilay. Nandoon na ang mga pinsan niya ng abutan namin. Ang iba ay nasa di-kalayuan na at nagliliwaliw na rin sa may malawak at asul na dagat. Nakita ko si Abi na tumatakbo na papunta sa may dalampasigan at kumakaway sa amin.

Kahit na hindi ganoon katirik ang araw ay conscious pa rin ako sa aking balat. Umupo ako sa may buhanginan at sinisi ang sarili na hindi nagdala ng sunblock. 

"Hey, what's up, baby?" Nanindig ang aking balahibo ng umupo sa tabi ko si Philix at inangat ang baba ko para magtama ang mga mata namin. Napakurap-kurap ako.

"I-I wanna apply some sunblock but I forgot to pick it up earlier," nag-stammer na utas ko at lumabi. 

"C'mon, I'm gonna apply on you some," utas niya at hinila na ako patayo. May mga iilang buhangin ang dumikit sa aking legs at agad niyang pinalis ang mga iyon. Nakiliti pa ako sa kanyang ginawa ngunit di ko pinahalata.

"I told you, I don't have my sunblock," hirit ko sa kanya. "Mad has it for sure, don't worry," malambot ang tinig na utas niya. 

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at hinayaan na lamang siya. Sinenyasan niya ako na maging komportable na roon sa may sun lounger habang in-approach niya si Madelaine sa di-kalayuan.

Pinagmasdan ko kung paano nagflex ang kanyang muscles ng abutin ang sunblock mula sa pinsan. Sinamaan ko ng tingin ang mga babaeng nasa malapit na hindi mapigtas ang malalagkit na tingin kay Philix!

Bago pa tuluyang makabalik sa pwesto ko si Philix ay pinili ko ng hubarin ang kanyang shirt. Nakita ko kung paano kami panoorin ng mga tsismosa sa paligid. 

"Where do you wanna put it?" mababa ang tinig na utas niya sa akin. Ramdam ko ang muling pag-init ng aking pisngi ng makita ang paghagod ng kanyang mga mata sa katawan ko at muling bumalik sa aking mukha.

Inabot ko sa kanya ang kanyang shirt. "Put this on," utas ko at dumapa na.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ngunit sinunod din ako. Lihim akong napangiti at inirapan ang mga babaeng kuntodo ang taas ng kilay dahil sa ginawa ni Philix.

Huh! He's mine!

Al my thoughts drifted away when I felt his hand on my back. It sent shivers down my spine especially when it started caressing me.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at mariing pinikit ang aking mga mata. His palm feels rough and hot against my skin.

"When is your cousin's wedding?" basag ko sa katahimikan. Gusto kong magkaroon kami ng pag-uusapan para doon mapunta ang buo kong atensyon ngunit di ko pa rin mapigilang ma-distract sa kanyang kamay.

"Three days from now," matigas ang tinig na utas niya. Nang matapos siyang lagyan ang aking likod ay sa legs ko naman. Inayos ko ang aking pagkakaupo at dinirekta ang mga mata sa asul na asul na dagat.

People are enjoying their time. Marami akong nakikitang couples na naghaharutan sa di-kalayuan, ang iba naman ay pamilya.

Napaigtad ako ng marahan niyang haplusin ang hita ko sa unang pagkakataon. Nag-init ang aking pisngi ngunit pinilit kong mag focus.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon