unedited
Kabanata 18
date
Nagising ako ng maramdaman ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at napakurap-kurap ng ilang beses. Medyo nagtaka pa ako kung nasaan ako ngunit ng maalala ang lahat ng nangyari ay agad akong napabalikwas ng bangon.
Napatalon ako sa gulat ng magkasalubong ang tingin namin ni Philix. What the hell is he doing here!?
Hindi pa ako nakakahuma sa pagkabigla ng umupo siya sa tabi ko, may tipid na ngiti sa kanyang mga labi.
"Bakit dito ka natulog..." mahina ang tinig na utas niya sa akin. Agad akong nailang ng mapansin ang paninitig niya sa bagong gising kong mukha. Nag-iwas ako ng tingin at umusog palayo sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" sikmat ko sa kanya at mabilis na tumayo.
Nagkibit lamang siya ng balikat. Nakaramdam ako ng inis. Hindi ko alam, baka kanina niya pa pinapanood ang pagtulog ko!
Nang maisip iyon ay pinamulahan ako ng mukha at akmang bababa na ng mabilis niya akong hilahin pabalik.
Naguguluhan ko siyang tinignan at agad kong nakita ang kislap sa kanyang itim na itim na mga mata.
"I won't give up on you, Elle...just so you know," seryoso ang tinig na utas niya dahilan para mapasinghap ako. Nagsalubong ang aking kilay at magagalit na sana sa kanya ng tumayo siya at hilahin na ako palabas.
"Before you..." bulong niya sa tainga ko ng bababa na kami ng treehouse. Lalo akong nainis ng makaramdam ng pag iinit sa aking mukha.
In-snob ko na lang siya at mabilis ng bumaba. Narinig ko ang aliw at mahina niyang halakhak habang bumababa. Isang kabayo lamang ang nakatali sa may puno. For sure na kay Philix iyon kaya inignora ko na lamang iyon. I'm going to walk!
"Ride with me," narinig kong utas niya mula sa aking likuran.
"No thanks," tipid na utas ko at nagsimula ng maglakad. Malayo pa naman ang daan pabalik sa mansion at may parte na mabato ngunit di ko aaminin na gusto ko talagang makisakay sa kanyang kabayo!
Bakit ba kasi umagang-umaga napunta sya sa treehouse? Kung alam ko lang, edi sana hindi na ako naglagi riyan kagabi!
Nakarinig ako ng palapit at mabagal na paglakad ng kabayo sa aking gilid. Hindi ako nangahas na lumingon man lang at pinanatili ang aking mga mata sa harap. I know he's watching me...and it is making me so conscious!
Ni hindi pa ako naghihilamos...or nagto-toothbrush! Ugh. So embarrassing!
Marahan kong sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri habang naglalakad.
"Elle, sakay na...mapapagod ka." Kinagat ko ang aking labi at iniwas ang aking ulo sa kanyang direksyon ng marinig ang lambing sa tinig niya.
This man is so impossible! How can I avoid him if he is so persistent?
"Elle," muli niyang tawag sa pangalan ko ngunit sa masuyo pa ring tinig. Get mad at me! Get mad! Don't use that tone to me!
Lalo ko na lang binilisan ang paglalakad. Nang wala na akong naririnig ng pagtawag nya at ng paglakad ng kabayo ay medyo bumagal ang paglalakad ko.
What? Is he gone already?
Gusto ko sanang tumigil sa paglalakad at lingunin siya ngunit ayoko namang mapahiya. Baka sabihin niya gusto ko rin siya kasabay.
Pinilig ko ang aking ulo at pilit siyang inialis sa aking isip. Napabuntong-hininga ako ng makita ang dadaanan ko. I should have agree to him...
Tumigil ako sa paglalakad ng hindi na ako makapagpigil. Dahan-dahan kong nilingon ang aking likuran at napaigtad ako sa gulat ng makita siyang nandoon sa di-kalayuan at nakatunghay sa akin.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomantikPeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...
