Kabanata 4

250 20 2
                                    

"Why the fuck are you wearing that?"

Agad napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

Ano daw?

"Ahh.."

Ngunit bago pa ako makapagpaliwanag na hindi ko rin alam kung paano dahil hindi ko rin naman naintindihan ang kanyang tanong ay agad na itong tumalikod paalis. Wala na rin ang atensyon ng mga tao sa akin ngunit sa pagtatanghal na nasa harapan. Kaya naisipan kong dahan-dahang umatras paalis sa liwasan para makauwi ng bahay. Sa tingin ko ay tama na ang isang nakakahiya na pangyayaring ito para hindi na ako kailanman magdadamit at mag-aastang marangya ni kahit minsan.

Binaba ko nalang ang aking balabal sabay tungo paalis sa liwasan. Dala-dala ang inilawang lampara ay tahimik ko uling tinahak ang madilim na daan. Kung gaano ako katagal nakarating sa lawasan ay ganoon naman ako kabilis nakarating sa bahay.

Ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng bahay ngunit parang hindi ko mabuhat ang sariling katawan papasok kaya naman ay naisipan ko munang pumunta sa aking paboritong tambayan sa buong syudad, ang paggawaan.

Nasa kalagitnaan palang ng aking paglalakbay patungong pagawaan ay biglang umihip ang malamig na hangin. Agad kong binalot ang aking sarili sa manipis na balabal na kahit papaano'y may pakinabang na rin pangontra sa lamig.

Nang marating ang pagagawaannay agad ko itong isinara dahil bigla akong kinakabahan na parang may nakamasid sa akinh bawat kilos. Unang bumungad sa aking ang kakatapos na sapatos ng mapapangasawa ni Binibining Ingrid.

Ngayon ang araw na sinabi kong pwede niyang kunin ang sapatos ngunit hindi ito dumating kaninang umaga. Hindi ko rin nasabi sa kanyang tapos na ang kanyang sapatos kanina dahil parang mainit ang ulo nito.

Sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako kinakabahan ng ganito sa kung ano ang sasabihin nito sa pagkakagawa ng kanyang sapatos. Kadalasan ay kampante akong magugustuhan ng aking mga parokyano ang pagkakagawa, ngayon lang.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iisip ng biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Sa lakas ng ulan sa tingin ko ay hindi ako makakuwi ngayong gabi. Mabilis kung sinigurong sirado ang lahat ng bintana ng may mahagip akong nakatayo sa may pinto. Abot-abot ang aking kaba habang hawak ang isang kutsilyo na una kung nahawakan sa lahat ng bagay na nakapatong sa mesa.

Wala pa akong narinig na kung anong balita ng karahasan sa loob ng syudad. Ngunit hindi ko maipagkakaila ang matinding kaba para sa sariling kaligtasan. Nakalapat na ang aking tenga sa pinto para marinig ang kahit na anong kaluskos mula sa labas ngunit mas lalong nagpakaba sa akin ang isang tinig mula sa likod ng pinto.

"Buksan mo ang pinto, Odette."

Mahina, malamig, maawtoridad at nakakatakot. Isang tao lang ang kilala kung parang walang kabuhay-buhay magsalita at anong ginagawa niya dito sa gitna ng gabi?

"Ipagpaumahin ho ninyo ngunit sirado na ang paggawaan kung gusto niyo hong kunin ang sapatos ay bukas nalang ho!"

Sa lakas ng ulan ay kailangan kong sumigaw para marinig ng tao sa labas ang aking gustong sabihin. Agad ko muling nilapat ang aking tenga sa pinto ngunit wala na akong marinig dahil mas lalong lumakas ang ulan. Nang paglingon ko ay halos ikahimatay ko matinding pagkagulat sa taong nakaupo sa isang silya habang nakadekwatrong nakatingin sa akin.

"Huwag kanang magtanong."

Isang kumpol ng damit ang biglang inihagis niya na mabilis ko namang nasalo. Nang tingnan ko ito'y isa itong damit na kagayang-kagaya sa kadalasan kung isinusuot, sa klase ng tela, sa kulay, sa...

"Ipagpaumanhin ho ninyo ang aking pagtatanong ngunit bakit parang damit ko ito? Paano ho kayo nakapasok sa bahay? Paano kayo nakapasok dito?"

Nang biglang kumunot ang kanyang noo ay agad akong natahimik. Hindi ko na sinayang ang ilang minuto para makapagpalit ng damit dahil kahit ako ay naaalibadbaran sa aking suot.

Ilang minuto lang ay binalikan ko siya sa kanyang kinauupuan habang hawak-hawak ang sapatos habang maingat na dimadama sa kanyang mga palad ang bawat sulok ng sapatos.

"Paano mo natutunan ang paggawa ng sapatos?"

Sa tapat ng kanyang upuan ay may isang upuan ring nakaharap kaya doon na rin ako pumwesto para sumagot sa kanyang tanong. Sa tingin ko naman ay napakawalang-galang ko naman kong ipagtataboyan ko ang isang tao sa lakas ng ulan.

"Ulila na ako sa mga magulang ng maliit palang ako. Si Mama Rosa ang tumulong sa aking mabuhay hanggang sa tinuruan niya ako kung paano gumawa ng sapatos. Nang pumanaw siya ay ako ang naiwan sa paggawaan na siyang pinagkukunan ko ng panggastos sa pang araw-araw."

Sa tingin ko ay wala namang masama kung isalaysay ko ang buhay ko sa iba bukod kina Sara at Nana Maria na saksi sa aking mga pinagdadaanan. Nang hindi makatanggap ng salita mula sa kanya ay bahagya akong napatingin sa kanyang gawi sa buong pag-aakala na tulog na siya ngunit biglang nagkasalubong ang aming tingin na biglang kong ikinagulat.

"Bakit ni minsan hindi mo tinanong ang aking pangalan?"

Nang magsalita siya'y bigla akong napaisip. Bakit nga ba hindi ko ni minsan naitanong sa kanya ang kanyang pangalan?

"Siguro ay katulad ng ibang parokyano ng pagawaan ay wala akong karapatang magtanong ng pangalan dahil hindi naman pangalan nila at pangalan ko ang pinunta nila dito."

Nang mapadako ang tingin ko sa panauhin ay mas lalong ikinagulat ko ang mga ngisi na nakapaskil sa kanyang mukha. Mas lalong lumitaw ang kagandahang taglay niyo, isang kagandahang hinahangad ng nakararami. Kaya nga siguro at nabighani sa kanya ang anak ng isang Sullivan.

Ingrid Sullivan?

Nang maalala ang pangalang iyon biglang sumiksik sa akin ang katotohanan na kasama ko sa isang gusali ang isang taong malapit ng ikasal. Ano nalang ang sasabihin ng mga taong makakakita sa kanya paglabas ng paggawaan?

Nang mapansin ang dahan-dahang pagtila ng ulan ay agad akong napatayo mula sa aking pagkakaupo na ikinataas ng kanyang kilay. Dala ang lampara ay agad kung binuksan ang pinto sa labas ng paggawaan.

"Ipagpatawad ninyo ang aking kapangahasan ngunit kailangan na ho ninyong umalis. Hindi maganda para sa isang babae at isang lalaking malapit ng ikasal ang magkasama sa isang lugar."

Walang anu-ano ay tumayo na ito sabay lakad palabas ng paggawaan. Nang nasa labas na ito ay bigla itong lumingon sa aking kinatatayuan.

"Von Antonious Bardough." Saad nito sabay talikod nito paalis ngunit bahagya rin itong natigilan at tumingin pabalik sa aking kinatatayuan.

"Fuck!"

Nang masabi ang mga salita ay mabilis itong lumakad paalis. Hindi gaya kanina mas mabilis ang lakad nito at hindi na ulit lumingon.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon