"Ano ba naman yan! Ang babagal ng mga kilos!" Malalakas na sigaw ni Alfonso ang namayani sa pasilyo ng maabutan ko ngayong araw.
Ngunit ang mas nakakapangilabot ay ang bangkay na nakabalot ng puting tela na nakalapag lamang sa sahig ng bahay-aliwan. Maraming mga mananayaw ang tahimik lamang na nakatingin sa bangkay ngunit walang may nagpangahas na lumapit dito. Nang mapansing nasa may gilid lamang si Heros na katulad ng iba ay tahimik na nakamasid sa kaganapan ay mabilis ko itong nilapitan.
"Anong nangyari? Sino yan?"
"Si Jessa ho binibini. Ilang araw na rin ho palang patay si Jessa sa kulungan. Ngayon lang napansin dahil buong akala ng kawal ay wala lang talagang ganang kumain kaya hindi ginagalaw ang pagkain." Mahaba nitong salaysay na aking matinding ikinagulat.
Nang magpang-abot ang aming tingin ni Alfonso ay magkasulubong na kilay at kunot na noo ang naging tugon nito sa aking pagyuko bilang pag-bigay galang sa kanyang presensiya.
"Andito na ho, ginoo ang tagapangasiwa ng bahay-pagamutan." Saad ng kawal kay Alfonso na agad lang napatango sabay lakad papalayo sa aming kinalalagyan.
"Bakit kailangan pa ng tagapangasiwa ng bahay-pagamutan?" Kunot-noong tanong ko kay Heros.
"Kasi ho, may mga senyales na pinatay si Jessa." Sagot nito na agad napatingin sa aking kinalalagyan.
"Mauna na ho ako binibini."
Ngunit hindi na ako nakatugon sa pagpapaalam ni Heros lalo na't napuno ng katanungan ang aking isipan. Kung may pumatay man kay Jessa maaaring balikan nila ang mga panahong buhay pa ito sa kulungan at lahat ng mga bumibisita dito na sa pagkakaalam ko'y wala namang nakakapasok dahil sa higpit ng mga kawal na siyang nagbabantay.
"Maliban nalang sa akin." Abot-abot ang aking kaba ng maisip ang mga katagang iyon. Kahit na anong isip ko man sa posibilidad na hindi lang ako ang may kakayahang pumuslit ay maaaring madiin pa rin ang pag-utos ko sa kawal na siyang tagabantay ng kanyang kulungan noong mga nakaraang araw.
Nang matapos ang pagsisiyasat ng tagapangasiwa ay agad itong sumunod kay Alfonso sa loob ng tanggapan nito. Maaaring may alam na ito kung pinatay ba talaga o namatay lang sa sakit si Jessa at iyon ang dapat kong malaman.
Dalawang naka-unipormeng mga lalaki na sigurado akong nagtatrabaho sa bahay-pagamutan ang mabilis na naglagay sa bangkay ni Jessa sa isang langkayan. Nang makaalis na ito'y humupa na rin ang mga bulong-bulungan ng iilang mga nakasaksi rin sa kaganapan ngayong araw.
"Magsialisan na kayo!"
Nang marinig ang aking sigaw ay ilang segundo lang ay walang ni katiting na senyales ng tao ang makikita sa mahabang pasilyo ng bahay-aliwan. Tahimik kong tinanaw ang malaking pinto na siyang nagdudugtong sa loob at labas ng bahay. Sa kung anong dahilan ay nais kong malaman ang totoong nangyari kay Jessa dahil alam kong kung sino man ang may pakana sa pagkasawi nito'y parte ito ng grupo o di kaya'y ito ang maaaring sagot sa aking mga katanungan.
Nang marinig ang bahagyang pagbukas ng pinto sa tanggapan ni Alfonso ay patago kong tinungo ang may kadiliman na sulok na ilang metro lang ang layo mula sa kanila na rinig pa rin kong ano mang pag-uusan nila kung sakali.
"Katulad pa rin ng dati, Ginoo. Ako na ang bahala sa bangkay." Mahinang saad ng tagapangasiwa bago ito yumuko paraan ng pagbigay-galang sabay lakad palabas ng pinto.
Nang muling isara ni Alfonso ang kanyang tanggapan ay siya namang paglabas ko ng aking pinagtataguan. Sa paraan ng pagkakasabi ng tagapangasiwa ay hindi ito ang kauna-unahang beses na nangyari ito sa loob ng bahay-aliwan at kung saan man niya dadalhin ang bangkay ay maaaring nandoon din ang iilang nawawala.
"Sara."
Agad kong pinahid ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Alam kong kailangan kong magpakatatag sa kong ano mang bubungad sa akin kung sakali. Alam kong pagnahanap ko man si Sara ay hindi matatapos doon ang kagustuhan kong malaman kung ano ang nangyari at sino ang may pakana ng lahat ng ito.
"Oo, sabi sa akin halimaw daw ang pumatay kay Isang. Nakita niyo bang halos wala ng dugo sa katawan yung tao tas putlang-putla na." Mahinang saad ng isang mananayaw sa kanyang mga kasama.
"Ano ka ba? Malamang putlang-putla dahil naubusan na ng dugo, tungek talaga to!" Sagot naman ng isa na inirapan na lang ng babaeng nagbalita tungkol sa kanyang mga nasaksihan.
Dahil sa tingin ko ay hindi nila napansin ang aking pagdating dahil sa kanilang pinag-uusapan ay tahimik kong tinungo ang ilang pulgadang kanilang kinalalagyan. Bago padabog na sinipa ang isang silyang malapit-lapit sa aking kinatatayuan na naglikha ng malakas na tunog sa buong bulwagan.
Nang sa wakas ay napansin na ako ng mga mananayaw ay mabilis silang yumuko para magbigay-galang.
"May mga mata at tenga ang bawat sulok ng silid na ito. Huwag ninyong kalimutan."
Matapos ang naging insedente kaninang umaga ay hindi makabiyak-pinggan ang mga tao sa loob ng bahay-aliwan. Lahat ay tahimik at pilit tinitimbang kung ano ang susunod na mangyayari.
Ngunit ng gumabi ay muling nanumbalik ang enerhiya ng bahay-aliwan. Punuan ang lahat ng silya sa bulwagan na halatang ikinagalak ng namamahalang si Alfonso. Sa may hindi kalayuan ay natanaw ko ang pagpasok ng grupo ni Mattias, kaya ay agaran kong tinapos ang iniinom na bino at lumapit sa kinatatayuan nito kasama ang iilang nagtatrabaho sa bahay ng lehislador.
Nang mapansin nito ang aking paglapit ay agad napalitan ng ngiti ang kanyang labi na agad ikinalingon ng iilan nitong mga kasama.
"Magandang gabi mga ginoo, maaari ko bang mahiram muna ang inyong kasama?" Nakangiti kong saad na sinang-ayunan rin naman ng kaniyang mga kasama.
Nakasunod sa akin si Mattias na halatang naguguluhan rin sa aking kinikilos. Nang marating ang isang pasilyo patungo sa aking silid ay agad akong napahinto ng sa may hindi kalayuan ay matatalim na titig ni Antonious ang bumungad sa akin. Nang mapansin ni Mattias ang bahagya kong pagtigil ay agad rin nabaling ang tingin nito sa lalaking may nakakamatay na titig sa may hindi kalayuan.
Sa kalagitnaan ng mga titigan ay malalambot na kamay ang agad pumulupot sa aking bewang. Nang mapatingin ako kay Mattias ay nakangiting mukha ang sumalubong sa akin. Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa bago siya hinayaang hawakan ang aking bewang patungo sa aking silid.
Matatalim na titig ang aking huling nasilayan mula sa kanya bago kami nakapasok sa loob ng aking silid. Nang tuluyang makapasok ay agad akong binitawan ni Mattias sabay dumeretso sa pinto para masigurong nakasirado ito.
"Anong balita?" Tanong nito ng makalapit sa aking kinalalagyan.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...