Kabanata 12

176 13 0
                                    

Tahimik akong nakamasid sa mga bulaklak sa hardin ng bahay-aliwan. Matiwasay, maganda at payapa, bagay na hindi ko makita sa matinding kaguluhan sa taas.

Nakapikit ako habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Sa tingin ko ay hating-gabi na ngunit alam kong hanggang umaga ang kasiyahan ng mga parokyano sa loob ng bahay-aliwan, kung kasiyahan nga ba ang tawag doon.

"Hindi ka na bumalik."

Agad napamulat ang aking mata ng may biglang magsalita sa aking likuran. Ngunit hindi na ako lumingon dahil sa tingin ko ay papalapit na rin naman siya.

"Sumakit ang ulo ko sa loob, Mattias." Pag-amin ko sa katotohanan.

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang ginawa bago tahimik na umupo sa aking tabi. Kapwa kami nakatingin sa buwan habang walang ni isang nagsasalita.

"Kailangan mong masanay, Claudette." Mahina nitong saad sabay hawi sa ilang butil ng buhok na bahagyang tumakip sa aking mukha.


"Mahahanap ko pa kaya si Sara, Mattias?" Mahina kong saad na alam kong sapat lang para marinig naming dalawa.



Kasabay ng isang malalim na buntong-hininga ay biglang lumamig ang simoy ng hangin. Agad akong napayakap sa aking sarili dahil sa lamig lalo na at napakabulgar ang istilo ng aking pananamit ngayon.




"Lumalamig na dito, Claudette." Saad nito sabay mabilis na tumayo.

"Sina Senyor Bardough at Ginoong Alfonso?" Tanong ko sa kanya.

"Si Alfonso kanina pa lasing, si Senyor Bardough nama'y kanina pa umalis, magkasunod lang kayo." Sagot nito sabay tayo paalis.

Nakalahad ang kanyang kamay sa aking harapan na agad ko rin namang tinanggap. Sa tingin ko ay kailangan ko ng masanay kung gusto kong mahanap si Sara. Magkasabay kaming lumabas ng hardin habang tahimik na naglalakad patungo sa hagdan ng masalubong namin si Antonious ngunit hindi man lang ito nagbigay ng pansin bagkus ay mabilis nitong nilisan ang bahay-aliwan.


"Siguro ay hinahanap na siya ni Senyora Ingrid kaya nagmamadali." Saad ni Mattias habang magkasabay pa rin kaming naglalakad paakyat ng hagdan.



"Ikinasal na sila?"


Huli na ng mapagtanto ko ang paraan ng aking pagkakatanong kay Mattias ngunit mabuti nalang at hindi niya napansin ang aking bahayang pag-aalinlangan.


"Oo, ilang buwan na rin." Sagot ni Mattias habang magkasabay pa rin ang aming paglalakad.





Nang dahil sa malalim na iniisip ay hindi ko na namalayang nasa harap na pala kami ng aking silid. Seryoso lang na nakatingin sa akin si Mattias bago bumuntong-hininga.

"Magpakatatag ka Claudette. Maaaring maghinala si Alfonso kung araw-araw akong pupunta rito." Salaysay nito habang seryosong nakatingin sa akin.

"Huwag kang mag-alala, Mattias kaya ko ito." Paninigurado ko sa kanyang may mapupuntahan ang mga paghihirap naming dalawa.


Bahagya kaming natigilan ng walang anu-ano ay biglang may mga mabibigat na braso ang umakbay kay Mattias na katulad ko ay nagulat rin. Bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Alfonso na lasing na lasing at pilit na inaalalayan ng isang mananayaw ng bahay-aliwan at ni Rio na halatang nahihirapan lalo na at doble ang laki nito sa kanya.






"Palagi bang ganyan si Alfonso?" Hindi ko napigilang itanong kay Mattias.




"Ngayon lang iyan dahil may bagong tagapangasiwa ng bahay-aliwan. Bukas ay babalik na rin sa dati ang kalakaran ng bulwagan." Sagot nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa lalaking pinipilit ipasok sa kanyang silid ngunit nagpupumilit pa ring bumalik sa bulwagan.





"Maaaring hindi mo magustuhan ang ilang kalakaran ng bahay-aliwan pagsapit ng umaga Claudette ngunit tiisin mo dahil pag nagtagal ka dito sigurado akong matutunton natin ang kinaroroonan ni Sara. Buhay man o hindi kaya mag-ingat ka Claudette." Huling mga salitang sinabi nito bago tumalikod at walang lingon-lingon na lumakad paalis.



Nang umalis na si Mattias ay agad na rin akong pumasok ng silid. Sa tingin ko ay hindi pa naman ako kailangan sa bulwagan lalo na't marami pa akong dapat malaman sa mga pasikot-sikot ng buong bahay-aliwan. Alam kong hindi magiging madali ang aking pagpapanggap lalo na't maraming mata ang nakamasid ngunit dahil kailangan ay alam kong makakaya ko.


Dahan-dahan kong ibinabad ang aking katawan sa mainit-init na tubig sa loob ng paliguan. Hindi ko na namalayan ng tinangay na ako ng antok.


Isang kalabog sa pinto ang agad nagpabangon sa akin. Agad kong sinuot ang roba na nasa gilid lang ng paliguan sabay patakbong tinungo ang pinto sa labas. Sigurado akong na-ilock ko ang pinto kaya kung may magtangka man ay hindi nito agad mabubuksan maliban nalang kong may susi ng silid.



Nang marating ang pinto ay laki ng pasasalamat ko dahil nakasara naman ito. Naghintay ako ng ilang minuto kung may kakatok ba pero ng masigurong wala ay napagdesisyonan ko nalang na magpalit ng damit at magpahinga nalang lalo na't bukas na magsisimula ang aking dapat gampanan sa bahay-aliwan bilang isang tagapangasiwa.




TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon