"Hindi ba't sinabi mong gusto mong magbuntis, Odette?"
Gamit ang aking natitirang lakas ay tinulak ko palayo ang kanyang papalapit na katawan sa akin. Muling bumalik ang mga alaala ng kanyang puwersahang pakikipagtalik na nagbunga ng napakalayong agwat sa kung ano mang namumuong damdamin namin sa bawat isa. Nang makita ang matinding takot sa aking mata habang nakayakap sa sarili ay naibunton nito ang galit sa dingding ng silid na gawa lamang sa kahoy kaya't agarang nasira. Agad nitong nilisan ang silid na sinunod ko na lamang ng tingin.
Nang mga sumunod na dalawang araw ay bumalik ang napakalamig na pakikitungo namin sa isa't-isa. Kahit naman hindi nagugustuhan ang paraan ng kanyang malamig na pakikitungo ay pinilit ko na lamang huwag bigyan ng pansin lalo na't alam kong hindi lang ako ang naiirita sa mga kinikilos naming dalawa dahil batid ko ang pilit nitong pakikipag-usap sa akin ngunit kusa akong umaalis kaya't naiiwan itong may nakakuyom na palad.
Nasa kalagitnaan ng aking mahimbing na pagtulog ay bahagya akong naalimpungatan sa biglang malakas na tunog na nanggaling sa labas ng kubo. Gamit ang kumot na nakapalibot sa aking katawan ay tinahak ko ang may pintuan. Nakabukas ito kaya't dire-diretso ang tungo ko dito ngunit bahagyang nahinto ng nakasalampak na bulto ng tao ang aking nasilayan sa may hindi kalayuan.
Muli kong tinakbo daan patungo sa kubo at agarang tinungo ang silid. Gamit ang bintana ay muli kong sinilip ang kaganapan sa labas. Kita mula sa aking kinalalagyan ang mga kawal ng syudad na nakapalibot sa nakasalampak na katawan ng isang lalaki na sigurado akong si Antonious.
"Anong karapatan mong iwan ang iyong nagdadalang-taong asawa, Antonious!?" Malakas na sigaw ng isang tinig na sigurado akong ang nakakatandang Sullivan. Kahit na anong pambubugbog ay hindi ito gumanti bagkus ay hinayaan lang nitong pagsalitaan siya ng masama kasabay ng ilang pambubugbog ng mga kawal na nakapalibot dito.
Ganoon siguro ka importante sa kanya ang tiwala ng nakakatandang Sullivan.
Nang mamataan ang pagbaling ng tingin ng matandang Sullivan sa aking kinalalagyan ay agaran akong nagtago sa likod ng bintana. Ngunit alam kong alam na ng nakakatandang Sullivan na may kasama si Antonious sa kubo. Kaya't sa pagkumpas ng kamay nito'y agarang nagsitakbuhan ang mga kawal patungo sa pinto ng kubo ngunit bahagyang natigilan ng iharang ni Antonious ang kanyang katawan sa may pinto.
Alam kong nagtaka ang mga kawal, pati na rin ang matandang Sullivan na napakabilis na paglapit ni Antonious sa kabila ng kanyang pagkakabugbog. Alam kong sa isang pitik ng kanyang mga daliri ay maaaring mawala sa landas ang mga kawal pati na rin ang nakatatandang Sullivan sa isang nakapangingilabot na paraan. Ngunit dahil may kailangan si Antonious sa pamilyang tinitirahan ay kailangan nitong maging kaaya-aya ngunit sa aking nakikita ngayon ay nagsimula na itong madungisan.
"Sasama ako sa inyo pabalik ng syudad." Mahina nitong saad sa matandang Sullivan na ngayon ay nakalapit na sa kanyang kinalalagyan. Ngunit hindi nakinig ang matanda bagkus ay nakipagtagisan ng tingin kay Antonious at pabalyang hinawi ang lalaki sa bungad ng pinto.
Agad akong naghanap ng pupwedeng matakasan mula sa galit ng matandang Sullivan. Alam kong pagnakita ako ng matandang Sullivan dito'y maaaring bigyan nito ng rason ang aking pamamalagi kasama ang kanyang manugang. Agad kong binuksan ang isa pang bintana, nang makitang walang mga kawal na nakabantay sa kabilang banda ay mabilis kong tinalon ang bintana pababa.
Mabilis kong tinakpan ang aking bibig lalo na ng maramdaman kong may naging pilay ang aking kanang paa dahil sa hindi maayos na paglapag ko sa lupa. Pinilit kong walang ni katiting na tinig ang lumabas sa aking bibig kahit na sa matinding sakit na nagmumula sa aking kanang paa.
Hindi rin naging kalayuan ang aking pagtakbo lalo na't masakit ang aking pantapak kaya't rinig na rinig ko ang sigaw ng mga kawal na alam kong ilang metro nalang ang layo mula sa aking kinalalagyan.
"May gumagalaw doon! Bilisan ninyo!" Sigaw ng isa na mas lalong nagpakaba sa akin.
Nang mapalingon ay batid kong ilang hakbang nalang ay mahahanap nila ang aking kinalalagyan ngunit bago pa mangyari iyon ay isang malambot na kamay ang agarang humatak sa akin sa dilim sabay takip sa aking bibig. Nang bahagya akong magpumiglas ay inilapit nito ang bibig sa aking tenga at bumulong.
"Huwag kang maingay."
Agad nanlaki ang aking mga mata ng makilala ang tinig ng tumulong sa aking makawala sa mga naghahanap na kawal. Nang bumalik na ang mga kawal sa kubo ay agad akong nakahinga ng malalim ngunit ang panandaliang kaginhawaan ay napalitan ng kaba ng mga walang emosyon na titig ni Augustus ang aking naisilayan.
"Batid ko na ang mga espesyal na titig sa iyo ng asawa ng aking kapatid, binibini ngunit hindi ko alam na dadating sa puntong ito." Madiin niyang saad na alam kong nahihintay ng aking sagot na hindi makatingin sa akin. Siguro'y ganoon katindi ang galit ng lalaki sa kanyang nasaksihan, ngunit bakit pa ako niligtas nito sa kamatayan?
"Hindi ko maipagkakailang nagkaroon nga kami ng panandaliang relasyon ngunit hindi ko saklaw ang utak niya lalo na ng malaman kong buntis ang iyong kapatid ay nagpasya na akong putulin ang kung ano mang namamagitan sa aming dalawa." Sagot ko sa kanya na seryosong nakatitig sa akin ng bahagyang maitukod ang aking kanang paa ay agad akong napangiwi sa matinding sakit na agad ikinatingin ng lalaki dito.
Mabilis nitong dinala ang aking paa sa kanyang malalambot na palad at bahagya nitong sinuri ang naging pilay. Tahimik ito habang nakakunot ang noong sinusuri ang aking paa. Nang matapos ay bahagya itong umupo patalikod sa aking harapan.
"Hindi ka makapaglalakad ng maayos dahil sa iyong kalagayan. Huwag mo nang hintayin ang lalaking iyon, sa tingin ko'y dinala na iyon pabalik sa syudad ng mga kawal." Saad nito na agad ko na lamang tinalima lalo na't seryoso ito at hindi maipagkakaila ang malamig na turan nito sa akin dahil sa kanyang mga nalaman.
Ilang lakad palayo sa kubo habang tahimik akong nakasakay sa kanyang likod ay narating namin ang nakaparadang karwahe na tinabunan ng iilang mayayabong na dahon kasama ang kabayong mahinahon na naghihintay habang kumakain ng iilang nakahandang damo sa kanyang harapan.
Nang marating ang karwahe ay agad ako nitong ibinaba at dahan-dahang iginaya papasok ng karwahe. Tahimik nitong isinara ang pintuan, nang mapatingin ako sa kanya sa maliit na bintana ay nagkapagpalit na ito ng damit katulad ng ilang mga nag kukutsero sa bayan at syudad.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...