Abot-abot ang aking hininga habang dahan-dahang napatingin sa aking likuran. Napakahina ko naman para lang mamatay ng ganito kadali.
At nang mapatingin ako sa kanyang kinalalagyan ay mas lalong lumakas ang pintig ng aking puso dahil sa matinding takot. Hindi pamilyar sa akin ang itsura ng lalaki. Maayos man ang kasuotan ay hindi maipagkakaila ang nakakatakot nitong awra.
"Si..sino ka?" Kahit na anong pilit kong magpakatatag ay mas inuunahan ako ng matinding takot, takot para sa aking buhay. Kung sana ay sinunod ko ang payo ni Mattias ay di sana ako malalagay sa sitwasyon na ito.
"Ikaw pa rin pala ang batang matatakutin sa bagay-bagay, Odette." Mahinahon ngunit malamig nitong saad na nagpakunot ng aking noo.
Odette? Alam niya ang totoong pagkatao ko,bakit? Paano?
"Paano?"
Isang mahinang tawa ang lumabas sa kanyang bibig bago bahagyang napabuntong-hininga. Agad itong may dinukot sa ilalim ng kanyang balabal. At nang ilahad nito sa aking harapan ang isang papel ay agad ko naman itong tinanggap.
- - - - -
Odette, kung nababasa mo ito'y alam kong matindi ang pagkakasuklam mo sa aking biglaang pagkawala. Alam kong dahil sa akin ay namatay si nanay kahit man ako'y nagluluksa sa kanyang paglisan, Odette. Wala man akong mukhang maiharap sa iyo ay sana'y paniwalaan mo ako. Hindi ko ginustong mawala nalang bigla, Odette. Nalaman ko ang kanilang mga pinaggagawa sa syudad kaya ay tinangka nila akong patayin. Nagtagumpay sila, Odette! Nagtagumpay sila!
Ngunit nabuhay ako gamit ang kakaibang lakas na ngayon ko lamang nalaman. Odette, umalis ka sa lugar na iyan at mamuhay ng malayo sa gulo ng syudad. May digmaan na paparating at ayaw kong maipit ka! Sumama ka kay kuya at dadalhin ka niya sa isang ligtas na lugar.
Malayo sa syudad. Malayo sa gulo.
Gustuhin ko mang makipagkita sa iyo'y hindi pupwede. Sana'y maniwala ka ulit sa akin at sundin lahat ng aking sinabi. Mahal na mahal kita Odette. Mag-ingat ka.
-Sara-
- - - - -
Isang mahinang hikbi ang lumabas sa aking bibig matapos mabasa ang liham ni Sara. Buhay siya ngunit bakit siya hindi man lang nagpakita?
"Kuya Remus?"
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ko ang mga ngiti sa kanyang mukha. Siguro nga ay marami-rami na ring nagbago sa kanya sa mga taong nakalipas kaya't malaki na ang pagkakaiba ng kanyang itsura sa aking pagkakaalala.
"Kailangan na nating magmadali, Odette. Maaaring sa ngayon ay alam na nila ang aking pagparito." Saad nito sabay hatak sa akin papalayo sa kagubatan patungo sa daang hindi pamilyar sa aking isipan.
"Teka lang! Teka lang!"
Ngunit hindi nito ako pinakinggan ang aking sinabi hanggang sa kalagitnaan ng aming pagtakbo ay biglang lumakas ang ihip ng hangin. Rumehistro sa tahimik na ang gabi ang isang panandaliang sinag na sinundan ng nakakabinging pagkulog. Agad kaming napahinto sa isang malawak na kapatagan na hindi ko na alam kong saan.
Sa pinakagitna ng kapatagan ay tanaw mula sa aming kinatatayuan ang isang bulto ng tao. Kung kanina ay siya ang may hawak sa aking kamay, ngayon ay ako naman ang mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Agad nitong pinantayan ang aking titig sa kanya at dahan-dahang kinalas ang aking pagkakahawak.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...