Siyam na araw na naming hinahanap si Sara. Halos walang tulog at walang pahinga kaming naghahanap ni Nana Maria kay Sara sa buong syudad. Nang lumipas ang ikalawang araw na hindi na nakauwi si Sara ay agad namin siyang hinanap sa bahay-aliwan lalo na't hindi nakagawian nito ang pag-alis ng walang pasabi. Kahit labag sa loob ni Nana Maria at hindi ito payagan sa pagtatanghal sa labas ng syudad ay nagpapaalam pa rin ito kahit papaano kaya ang biglaang pagkawala nito ay isang malaking palaisipan para sa amin.
"Nana, sa tingin ko'y kailangan na muna ninyong magpahinga. Ako nalang ho ang pupunta sa lehislador para sa pagbalita sa kanyang pagkawala."
Nagsimula ng umiyak si Nana na halos ikadurog ng aking puso. May katandaan na ito kaya alam ko ang hirap nito sa paghahanap lalo na at kahit tanghaling-tapat ito'y hindi tumitigil sa pagtatanong sa mga mamamayan na maaring nakakita kay Sara.
Patakbo kong tinungo ang matayog na gusali ng syudad. Malaki ang buong gusali na may limang palapag. Dito pumupunta ang mamamayan na humihingi ng tulong o payo sa mga lehislador, na siyang gumagawa ng batas. Habang sa tapat naman ng gusali ay isang matayog na gusali rin ang nakatayo na inuukupahan ng mga nangangasiwa sa mga kaguluhan sa buong nasasakupan kabilang sa kanilang mga hanay ay ang mga gwardyang nagbabantay sa pader ng syudad araw man o gabi.
Nang marating ang gusali ng lehislador ay agad akong nakahinga ng maluwag ng makitang hindi ganoon kadami ang mga tao sa loob. Nang makita ang isang pila ng mga sa tingin ko ay humihingin rin ng payo o tulong ay agad rin akong nakipila.
Naging mabilis ang pagtugon ng mga lehislador sa mga katanungan ng taong aking sinusundan sa linya kaya naman ilang minuto lang ay ako na ang naupo sa harap ng lalaking lehislador na sa tingin ko ay kasing-edad ko lamang.
"Anong maitutulong ko sa iyo, binibini?"
"Gusto ko ho sanang iulat ang biglaang pagkawala ng aking kaibigan."
Nang marinig ang aking salaysay ay agad itong kumuha ng papel at lapis para magdeklara na nawawala si Sara. Sa tulong ng lehislador at mga guwardya ng syudad sa tingin ko'y mas madaling mahanap si Sara kesa kung kami lang dalawa ni Nana ang maghahanap.
"Anong pangalan ng iyong kaibigan at saan siya nagtatrabaho?"
"Sara ho, sa may bahay-aliwan siya namamasukan bilang isang mananayaw."
Nang marinig ang aking sinabi ay biglang bumagsak ang kanyang lapis na naglikha ng isang tunog na sa tingin ko ay kami lang dalawa ang nakarinig. Ngunit bago ko pa siya matanong kung ano ang problema ay mabilis niyang ibinasura ang papel na kanyang sinulat sabay lagay nito sa kanyang bulsa.
"Sa tingin ko'y hindi tayo dito dapat nag-uusap."
Agad napakunot ang aking noo sa narinig mula sa lehislador na kanina pa lingon ng lingon kung saan-saan na parang natatakot sa kung sino man ang makarinig sa aming usapan.
"Bakit napakalaking bagay ang pagkawala...?"
Bago ko pa maituloy ang aking sasabihin ay agad nagbago ang timpla ng kanyang mukha na bahagya kong ikinatigil. Sa tingin ko ay gusto niyang huwag kung ipagpatuloy ang aking sasabihin dito.
"Magkita tayo mamayang hapon sa kung saan mas pabor para sa iyo."
Agad akong napaisip ng lugar na magandang mag-usap na walang mga mata at tenga sa paligid.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...