Kabanata 42

127 13 0
                                    

Mabilis akong pinagbuksan ng kawal na sinabing sundan ko ito patungo sa kung saan naroroon si Antonious. Alam kong maaaring mapahamak ako sa aking gagawin ngunit sa ganitong paraan lamang ako makakaalis sa pagkakatali kay Mattias. Walang alam dito si Augustus at wala akong planong dumagdag sa kanyang mga inaalala kaya't matapos makausap si Antonious ay aalis ako malayong-malayo sa syudad. Malayo sa mga galamay nina Mattias at Sara.










Nang pagbuksan ako ng pinto ng kawal ay unang bumungad sa akin ang napakaraming dugo na nagkalat sa sahig. Sa gitna nito ay ang isang nakayukong bangkay na halos hindi na makilala. Mas lalong nagpalakas ng aking kaba ng padabog na sumara ang pinto sa aking likuran at dahan-dahan akong hinahatak ng kawal kanina patungo sa kumpulan ng taong di kalayuan sa bangkay ng lalaki.







Nang marating ang kumpulan ay nakangiting mukha ng matandang Sullivan ang bumungad sa akin. Sa pag-ikot ng aking tingin ay seryosong nakatitig ang lahat maliban nalang kay Antonious. Habang si Augustus ay naguguluhang nakatingin sa akin. Alam kong hindi nito nagustuhan ang aking pagsuway sa kanyang huling bilin.











"Ano nga palang gusto mong sabihin sa aking manugang, binibini?"









Agad umurong ang aking dila ng makita ang matatalim na titig ng matandang Sullivan. Ngunit ng hindi marinig ang aking sasabihin ay agad lumapit ang isang kawal at itinulak ako kaya ay agad ako napaupo sa sahig na puno ng dugo. Agad tumulo ang ilang butil ng aking luha ngunit pinilit kong tumayo at nang makatayo nama'y muli na naman akong itinulak ng lalaki na agad kong ikinasalampak sa sahig.









Nang akmang tatayo si Augustus ay pabalya itong pinaupo ng ilang kawal na ngayon ay nakahawak na sa kanyang mga balikat.






"Ano ang kailangan mo kay Antonious, binibini?" Muling tanong ng matandang Sullivan na ngayon ay unti-unti nang lumalapit sa aking kinauupuan ngunit bago pa ito makalapit ay agad akong itinayo ni Antonious na bahagyang ikinagaan ng aking loob.






Alam kong sa oras na ito'y ako na ang pinipili niya...









Isang sampal ang natanggap ko sa lalaki na agad nagpatulo ng aking luha. Siguro nga'y hindi parin pala ako ang pinipili niya. Hawak-hawak ang aking pisngi ay marahas nitong hinawakan ang aking balikat. Batid ko namang bumalik sa pagkakaupo ang matandang Sullivan at bahagyang tumatawa pa sa kanyang mga nasaksihan.







"Bakit ka pa nagpunta dito? Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na kung ano man ang namagitan sa atin ay tawag lamang iyon ng laman at ikaw ang unang nang-aakit sa akin. GUMISING KA CLAUDETTE!! SINO KA BA AT ANONG KLASENG BABAE KA BA PARA MAGUSTUHAN NG ISANG KAGAYA KO?"







Pinilit kong hindi umiyak dahil alam kong hindi naman talaga totoo ang mga pinagsasabi niya. Ngunit kahit na anong pilit ay kusang tumulo ang aking luha hindi lang para sa matinding awa sa sarili kundi pati na rin sa aking magiging supling.










"Nagdadalang-tao ang aking asawa, binibini. Maawa ka sa sarili mo. Umalis ka na dahil kahit ni katiting na pagtingin ay hindi mo makukuha mula sa akin. Kung ang inaasahan mo'y paninindigan ko ang mga nangyari sa atin ay dapat mahiya kaya kasi ni katiting na pagmamahal ay wala kang mahihita sa akin!"











At nang tumalikod na ito'y tuluyan na ngang bumagsak ang pag-ibig na minsan ko nang isinuko, at muling ipinaglaban. Alam ko sa sarili kong pawang kasinungalingan ang sinasabi nito ngunit ganoon ba talaga ka importante sa kanya ang kanyang tungkulin sa mundong pinagmulan para kahit ang pagmamahalan namin ay hindi nito kayang maipaglaban.













At sa tingin ko'y ang pagtalikod nito'y ang pinaka mas masakit.











Ngunit sabay sa pagtalikod nito ay siya namang paghampas ng isang matigas na bagay sa likod ng aking likod na agarang nagpataob sa aking katawan sa mismong aking kinatatayuan. Nang hawakan ang aking namamanhid sa balikat ay puno na ng dugo ang aking mga kamay. Malamang ang paghampas na ginamit nito'y may mga









Ngunit sa kabila ng sakit ay kita ko pa rin ang mabilisang pagbalik ni Antonious sa aking kinalalagyan na agarang pinigilan ng mga kawal.










Masakit man ngunit bahagya akong napangiti sa mga salitang namuo sa aking isipan. Mahal talaga ako ng taong ito, mahal na mahal.









"Bakit ka nagkakaganyan, Antonious? Hindi ba't wala kang pakialam sa bayarang ito? HINDI BA'T WALA KANG PAKIALAM SA ESPEYA NA ITO?!"








Sabay sa pagsigaw ng matandang Sullivan ay ang agad na pagsipa ng isang kawal sa aking likuran na bahagya ko na lamang ipinagpasalamat lalo na't agad kong naipwesto ang aking likuran bago nito masipa ang aking tiyan. Nang mapansin ito ni Augustus ay pinilit nito akong lapitan habang isa-isang nakikipagbuno sa mga kawal na pilit siyang pinipigilan.








"HUWAG NA HUWAG NINYO SIYANG SASAKTAN!"








Agad akong napangiwi ng hatakin ng isang kawal ang aking buhok pataas. Bakas ang galit sa mukha ni Augustus na ngayon ay pinipigilan na ng ilang kawal na akmang makakatakas na sana ngunit ng mahampas ng pamalo sa ulo'y tuluyan ng nawalan ng malay.












Ngunit nang maglabas na ng punyal ang isang kawal at dahan-dahan itong inilalapit sa aking leeg ay doon na unti-unting nagbago ang kulay ng mata ni Antonious. Sa mga puntong ito ay ako pa lamang ang nakapapansin ng kanyang pagbabago kaya't hindi ko maisip ang kanilang magiging reaksyon pag nalaman ang totoong katauhan ni Antonious.










Ngunit bago pa makalapat ang punyal ay agad itong nagkapira-piraso sa ere na ikinagulat ng lahat. Sa isang maitim na usok lumabas ang iilang mga lalaking nakabalabal ng itim. Nasa pinakagitna ang nagwagayway ng kanyang kamay na agad ikinatumba ng iilang mga kawal na tinangkang pumalibot sa kanila. Ang kawal na nasa aking gilid nama'y lumipad sa ere.











Mabilis akong nilapitan ng isang nakabalabal at tinulungan akong tumayo kahit paika-ika. Nang mapadako ang aking tingin kay Antonious ay batid ko ang matindi nitong pagtataka sa kung paano ako napasama sa mga taong nagmumukhang aking mga tagapagtanggol ngunit siya pa lang mga kawal na nagkabantay sa aking kulungan.












"Ito ba ang pag-ibig na ipinaglalaban mo, Odette?" Tinig ni Kuya Remus ang nagpabalik sa aking ulirat habang seryoso itong napatingin sa mga sugat, dugo at pasa na natanggap ko mula sa kamay ng mga kawal.











"Alam ninyo kung ano ang kailangan namin! Ang huling angkan ng babae ng naunang Sullivan! Ibigay ninyo siya sa amin at sinisiguro namin ang pagpapatuloy ng inyong angkan sa panahon ng kasalukuyan."












Walang ni katiting na tinig ang maririnig matapos magsalita ang isang kasama ni Remus na may malalaking tinig. Nang mapadako ang tingin ni Remus kay Antonious ay agad itong natawa.










"Nakakatawang isipin na nagpakain pala kayo dito ng isang leon na siyang uubos sa lahi ng mga tupang nandirito ngayon." Saad nito na agad nakatawag pansin sa mga meyembro ng konseho kay Antonious.















"Maghunus-dili ka Remus." Matalim na saad ni Antonious na ngayon ay unti-unting nagbabago ang kulay ng mga mata. Kahit ang mga ugat nito sa braso at mukha'y nagsimula ng lumabas na agad ikinasindak ng mga kawal at iilang meyembro ng konseho, kahit pa ang matandang Sullivan.












"Ibigay ninyo sa akin si Odette! Wala siyang alam sa gulong ito at wala siyang kinalaman!" Nakalahad ang mga kamay ni Antonious sa ere na unti-unti kong nilalapitan kahit na pilit. Walang mga kamay ang pumigil sa aking maglakad patungo sa kanya. Ngunit ng malapit ko na itong maabot ay siya namang paghawak ng mga kamay sa aking bewang na agad kong ikinatigil.








"Ipagpatawad mo ngunit akin lamang ang aking reyna." Malademonyong saad ni Mattias na agad akong tinangay sa isang maitim na usok sa kung saan patungo. Sigaw ni Antonious ang aking huling narinig bago ako tinangay sa malalim na kadiliman.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon