Kabanata 32

125 9 0
                                    

Nang makalapit sa kanila'y agad akong yumuko para magbigay-galang.






"Malugod kong ipinapakilala sa iyo senyor, si Binibining Maria Claudette Cartajenas. Siya ang tagapangasiwa ng bahay-aliwan. Binibini, ito si Senyor Augustus Sullivan, panganay na kapatid ni Binibining Ingrid Sullivan." Pagpalakilala ni Alfonso ng may nakakalokong ngiti sa labi. Kaya pala sobrang alaga ni Alfonso ang bisita'y dugong Sullivan pala ang nananalantay sa mga ugat ng may itsurang lalaki sa aking harapan.



Hindi maipagkakailang isang Sullivan ang lalaki base na rin sa kanyang angking-kisig. Ngunit iba sa mga may katungkulan sa syudad, hindi ito masyadong nagdadamit base na rin sa kanyang mataas na estado ng pamumuhay. Simple lamang ngunit batid mo ang malayong agwat nito sa lahat ng naririto.




"Masaya akong makilala ka, binibini." Saad nito na sinagot ko na lamang ng isang ngiti.




"Bakit hindi mo kami sabayan dito, binibini." Saad ni Alfonso na agad itinaas ang kanyang kamay bilang pagtawag sa kawal na nasa malapit. Nang makarating ang kawal ay itinuro nito ang isang silya na kagaya ng kanilang inuupuan. Ilang segundo lang ay dala-dala na ng kawal ang isang silya at agad na inilagay ito sa tabi ng silya ng binatang Sullivan.





Nagpasalamat ako sa kawal at umupo sa tabi ng binatang Sullivan. Hindi maipagkakaila ang mga nakakalokong ngiti ng lalaking nasa aming harapan na sa tingin ko'y may hindi na naman magandang sasabihin.





"Kung mamarapatin ninyong dalawa, senyor. Sa tingin ko'y bagay na bagay kayo sa isa't-isa."




Nang marinig ang kanyang sinabi ay agad akong nabilaukan. Gamit ang aking kamay ay dahan-dahan kong hinilot ang aking dibdib na bahagyang sumikip. Mas lalo nga lang sumikip ang aking dibdib ng maramdaman ko ang kamay ni Augustus na bahagyang tinatapik ang aking likod.






"Ayos ka lang?" Saad nito habang pilit na pinapantayan ang aking mga titig. Agad kong inayos ang aking pagkakaupo at ngumiti lang sa kanya na parang walang nangyari.








"Ayos lang."






Nang marinig ang aking sinabi ay tumango lamang ito at bumalik ang tingin sa lalaking may mga malisyosong ngiti sa aming harapan. Ilang minutong pag-uusap hanggang sa hindi ko na namalayang kami nalang pala ang nag-uusap lalo na't ang aming kasama'y kanina pa nakikipag-usap sa kanyang sarili dahil sa sobrang kalasingan.








"Matagal-tagal rin kasi akong umalis sa syudad, binibini. Hindi naman talaga kasi ako nasanay sa karangyaan ng angkan na aking kinagisnan. Mas gusto kong mamuhay malayo sa mga bagay na kusang naging akin ng ako'y isinilang." Mahinahon na saad nito sabay inom ng bino na nasa kanyang baso.






"Kaya ang ibig sabihin nyo, senyor ay aalis rin kayo ng syudad?"










"Hindi na muna siguro dahil mahina na rin ang nakakatandang Sullivan at hindi kakayanin ng aking kapatid na pamunuan ang aming angkin lalo na't babae ito at inaasahan naming sana'y magdalang-tao na ito lalo na't matagal-tagal na rin itong kasal kay Senyor Bardough." Saad nito na bahagyang nagpasikip ng aking dibdib.








Nakakatawa dahil inaasahan ko na itong mangyari lalo na't may asawang tao ang lalaking aking minahal ngunit hindi pa rin pala talaga maiiwasang masaktan sa katotohanang nakatago lang kami sa dilim at ang pagmamahalan nami'y bawal.








Nang sumapit ang madaling-araw ay isa-isang nagsialisan ang mga parokyano. Ang iba nama'y nasa mga silid na kasama ang mga mananayaw na kanilang napili kanina sa pagtatanghal. Habang si Alfonso nama'y katulad ng dati ay akay-akay ng mga kawal patungo sa kanyang silid.









Tahimik naming binabaybay ang daan papalabas ng bahay-aliwan. Nang nasa may bungad na kami'y agad akong napahinto.









"Hanggang dito na lamang ako, senyor. Sana'y hindi ka magsawang magpabalik-balik dito." Saad ko habang may mga ngiti sa labi. Hindi man ako magaling sa pagkilatis ng tao ngunit sa tingin ko'y mabuting tao ang nasa aking harapan.









"Huwag kang mag-alala, binibini dahil dadalasan ko ang aking pagdalaw dito." Saad nito habang dahan-dahang inilalagay ang aking kamay sa kanyang bibig at bahagyang nilapatan ng pinong halik bago tuluyang umalis.








Buong umaga akong natulog hanggang sa tinanghali na ako ng bangon. Matapos ng mahabang tulog ay inayos ko muna ang aking sarili at kinain ang mga pagkain na dala ni Rio. Nang matapos na akong kumain ay tinahak ko ang daan patungo sa hardin. Ngunit agad akong napahinto ng makita ang lalaking nasa ibaba ng hagdan, nasisiguro kong patungo rin sana ito sa aking silid base na rin sa pagtapak nito sa unang baitang ng hagdan.









"Mattias!"









Hindi ko naiwasang takbuhin ang daan pababa ng hagdan ng masilayan ko ang mga ngiti nito sa kauna-unahang pagkakataon simula ng naglakbay ito patungong Guiñas. Nang malapitan siya'y agad kong itong niyakap ng mahigpit. Hindi ko maipagkakailang naging pamilya na rin ang turing ko sa kanya sa loob ng isang taon at higit naming pagsasama.











"Hindi halatang nangungulila ka sa aking kakisigan, Binibining Claudette. Hahaha"










Agad ko nalang siyang sinapak sa balikat bilang tugon sa kanyang sinabi. Marami akong gustong itanong sa kanyang paglalakbay ngunit hindi ko maiwasang mangamba sa kanyang pagdating. Malaki ang tiwala ko sa kanyang desisyon sa mga bagay-bagay subalit hindi ko kayang iwaksi ang posibilidad ng kanyang pagtutol sa pag-iibigan namin ni Antonious.









Kung nagawa ko mang itago sa kanya ang mga nilalang kung saan kasama si Antonious ay sa tingin ko'y kaya ko ring itago sa kanya ang relasyon naming dalawa. Ngunit hindi ko maipagkakailang gusto kong malaman nito ang estado ng aking buhay. Alam kong umaasa siyang hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng pruweba at iilang impormasyon sa totoong nangyari kay Sara at sa iilang babaeng hanggang ngayon ay nawawala.










Ngunit kaya ko bang sabihin sa kanya na hindi na ako maghahanap pa ng hustisya sa mga mananayaw na nawawala at pinagkaitan ng kalayaang mamuhay ng syudad dahil sa pinili kong magmahal at pag natapos na ang dapat gawin ni Antonious ay aalis kami sa mundong ito at mamumuhay malayo sa gulo.








Kaya ko nga bang sabihin sa kanyang, nagmahal lang naman ako at sariling kaligayahan ko muna ang uunahin ko. Kaya ko bang ipamukha sa kanya na mali siya sa pagbigay ng tiwala, oras at pangalawang buhay sa taong sariling kaligayahan lamang ang iniisip at iniintindi.










Kaya ko bang sabihin sa kanya para siya'y masaktan?

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon