Kabanata 21

175 13 0
                                    

Ngunit alam kong kahit anong pilit ko'y hindi ko kayang maitanong sa kanilang dalawa ang mga bagay na sadyang bumabagabag sa aking isipan. Sa paraan ng pagtitig pa lamang ni Ginoong Antonious ay alam kong kahit ni katiting na tinig ay walang makalalabas sa aking bibig. Mga titig na nagpapahiwatig na parang ako pa ang may kasalanan sa kung anong mga bagay ang aking natuklasan.




Ikaw ang may kasalanan Odette! Kung di ka sana sumunod sa kanila'y mapayapa sana ang pag-iisip mo ngayon!







Agad nalang akong napabuntong-hininga. Kahit nga ang aking sariling pag-iisip ay nakikiayon sa katotohanang kasalanan ko rin naman.





"Bakit ba palagi nalang ako?"






Sabay sa pagtakip ng aking bibig ay ang paglaki ng aking mga mata habang nakatitig sa nakakunot na noo ng dalawa. Siguro nga'y napasobra ang aking pag-iisip na hindi ko na namamalayang nasasabi ko na ang iba. Nang akmang tatalikod na sana ako dahil sa matinding kahihiyan ay siya namang pagdaan ng isang napakabilis na bagay sa aking gilid na bahagyang ikinumpas ng ilang hibla ng aking buhok sa iba't ibang direksyon. Tila sumasabay sa malakas na kumpas ng hangin sa kung ano o saan nanggaling.






Ngunit ang mga sumunod na nangyari ay mas lalong nagpamangha sa akin. Ilang magkakasunod na hangin pa ang dumaan sa aking gilid na nang makalapit sa kanilang dalawa ay naging pigura ng limang tao na nakasuot ng itim na balabal.





"Antonious, Casius." Magalang na saad ng lalaking nasa gitna ng mga nakatalukbong ng itim.






"Di ba kakasabi ko lang na naiinip na sila sa magiging resulta. Oh, Lucas, napadalaw ka ata!" Natatawang saad ni Enoc na halatang nasasayahan sa mga pangyayari.






"Lucas." Malamig na saad ni Antonious na kitang kita ang pagkadisgusto nito sa mga panauhin na nasa kanyang harapan.






"Masama bang mapadpad sa isang napakagandang paraiso, Casius? Lalo na't may nakapagsabi sa akin na magaganda ang dilag na naririto." Saad nito na agad napadako ang tingin sa aking kinalalagyan sa kanyang huling sinabi.



Nang magpang-abot ang aming mga titig ay mabilis na kumabog ang aking dibdib. Hindi sa pagkamangha ngunit sa matinding takot lalo na't ang lalaki na ilang pulgada lang ang layo mula sa akin ay may mga kulay gintong mata.






"Bituin." Hindi ko mapigilang ibulalas lalo na't ang lalaking kausap ni Antonious ay ang kauna-unahang lalaki na aking nasaksihan na may kulay gintong mata. Nang marinig ang aking sinabi ay isang nakabibighaning ngiti ang lumabas sa kanyang maamong mukha. Ngunit ang mga ngiting iyon ay hindi abot sa kanyang mga mata, isang paraan ng pag-ngiti na halatang natuwa pero panandalian lamang at hindi iyong may galak sa puso o dahil sa matinding kasiyahan.







"Just like Agnes."






Nang marinig iyon ni Antonious ay agad itong nakalapit sa aking kinatatayuan ng hindi namamalayan. Katulad ng mga lalaki kanina ang bilis ni Antonious na mas lalong nagpagulo ng aking pag-iisip. Hindi kaya sila ang mga halimaw na sinasabi ng mga bata? Mga halimaw na umaaligid sa bahay-aliwan tuwing kabilugan ng buwan? Pero bakit kasama si Enoc?








"She's not Agnes! And I'll do what you want me to, Lucas. Just give me some time. I'll find the girl."







Nang marinig ng lalaki ang sinabi ni Antonious na kahit ni katiting na bahagi ay wala akong maintindihan ay agad itong napapalakpak.







"Good." Saad ng lalaking may gintong mata habang dahan-dahang papalapit sa aming kinalalagyan. Nang makalapit sa aming pwesto ay mabilis na iniharang ni Antonious ang kanyang katawan mula sa paglapit ng estrangherong nagngangalang Lucas.











"Magkikita ulit tayo, magandang binibini." Saad nito na agad ikinakuyom ng kamao ni Antonious na ikinatawa lamang ng lalaki at kanyang mga kasama. Kung gaano kabilis ang kanilang pagdating ay ganoon rin sila kabilis nakaalis. Tanging malakas na simoy ng hangin ang natitirang katunayan na nanggaling sila dito at hindi iyon isang kathang-isip lamang.







"Aalis na rin ako, Senyor Antonious, Clau...dette." Saad ni Casius o Enoc na sinadya pa talagang ibitin ang pagkakabanggit sa aking pangalan.






Naguguluhan man ako sa lahat-lahat. Isa lang ang aking nasisiguro, hindi Enoc ang pangalan niya at may kung sa anong klase ng halimaw ang totoong nagpapagala-gala sa syudad na katulad ni Antonious. Nang mapagtanto ang mga katibayan na aking nasaksihan ay agad akong napatakip sa aking bibig.








"Isa kang halimaw?"









Kahit anong pilit kong tingnan ang sitwasyon at bigyan ng maayos na pagkakakilanlan ang mga bagay-bagay ay halimaw talaga ang una at huling salita na pumapasok sa aking isipan.











Tsk.







Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Tanging tunog lamang na likha ng kanyang bibig na nagpapahiwatig ng kanyang pagkakadisgusto sa paraan ng aking pagtatanong. Maaaring matanggal ako sa pagiging tagapangasiwa o hindi kaya'y maparusahan pagkatapos nito ngunit hindi ko kayang ipasabukas na lamang ang mga bagay na aking nalaman.








"Kung hindi mo mamasamain, Ginoo ngunit hindi ko ho kayang isawalang-bahala na lamang ang aking mga nasaksihan. Anong mundong isinumpa? Anong eklipse ang pinagsasabi ni Enoc? Sino ang mga panauhin kanina at bakit hindi sila normal kung kumilos na parang may mga kapangyarihan sila na nababasa ko sa ilang aklatan ng syudad? At bakit kasama ka nila? Ha..halimaw ka rin b..a?"












Ngunit hindi ito sinagot ni Antonious bagkus ay tahimik lamang itong naglakad paalis sa aming kinalalagyan, papasok sa madilim na kagubatan. Patakbo kong sinundan ang kanyang mga yapak ng mahabol na siya'y mabilis kong hinablot ang kanyang braso na panandaliang nagpatigil sa kanyang kinatatayuan.









"Bakit mo hinarangan ang paglapit ng estranghero ka..kanina?"











Pilit kong pinatatag ang aking pagkakatayo lalo na ng humarap na sa akin ang mala-toreng tangkad ni Antonious. Ngunit hindi ako nagpakita ng takot sa paraan ng kanyang pagtitig bagkus ay sinabayan ko ang paraan ng kanyang tingin. Puno ng kasiguraduhan at walang pag-aalinlangan lalo na't malakas ang kagustuhan kong malaman ang buong katotohanan.










Ngunit ang mga sumunod na nangyari ay sadyang nagpabuwag sa torreng aking pinaka-iingatan. Isang mataas na torreng binuo ko para sa sariling kaligtasan, para sa sariling kapakanan at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsimula na itong gumuho.










Hindi ko alam kung paano ako tutugon sa kanyang mga halik ngunit kusang humawak ang aking mga kamay sa kanyang leeg na siyang naging hudyat para sa kanya na laliman ang kanyang mga halik. Ilang minuto ngunit hindi pa rin namin iniiwan ang isa't isang kagustuhang punuin ang sariling pantasya na tahimik na nakatago sa kaibuturan ng aming mga pagkatao.







Madilim ang paligid dahil sa mayayabong na punong nagsisilbing bubong sa aming dalawa. Ngunit hindi ito naging hadlang para putulin namin ang isang bagay na alam naming nagpapasaya sa aming pagkatao.







Gamit ang aking mga kamay ay hinayaan ko itong maglakbay sa kung saang parte ng kanyang katawan na sinabayan naman niya habang hindi napuputol ang aming halikan. Nang mapunta ang kanyang mga halik sa aking leeg ay bahagya akong napaungol na mas lalong diniinan niya ang pagkakahalik. Nakapikit ang aking mata habang dinadama ang kanyang mga kamay na hinahawakan ang bawat parte ng aking katawan ng biglang pumasok sa aking isipan ang mukha niya kasama si Binibining Ingrid.








May asawang tao na siya, Odette!

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon