Sabay sa huling kumpas ng aking kamay ay ang masigabong palakpakan ng mga manonood na halatang nasayahan sa kanilang nasaksihan. Sabay sa paglisan ko sa entablado ay ang iilang paglapit ng mga kalalakihan na may kanya-kanyang papuri sa aking pagtatanghal.
Ngunit mas nakaagaw ng aking pansin ang lalaking nakatayo sa dulo ng bulwagan. Halatang tinatago nito ang sarili sa kadiliman, na parang may matinding takot na mailantad ang totoong katauhan. Nang akmang tutungo na sana ako sa kinalalagyan ng lalaki ay siya namang pagharang ng isang nakangising mukha sa aking harapan.
"At sa buong akala ko ay ibang tao ang nasa likod ng pagtatanghal na pinag-usapan ng lahat. Hindi ko akalaing ikaw pala iyon, Binibining Odette." Saad ni Alfonso habang may nakakadiring ngiti sa labi na sa tingin ko ay alam ko na ang gustong mangyari ng lalaki.
"Kung ang gusto ninyong ipahiwatig ginoo, ay ang pagkakagusto ng matandang Sullivan sa babaeng nasa likod ng pagtatanghal ay wala sa plano kung patulan ang inyong mga pahiwatig." Walang pag-aalinlangan kong saad sabay tinakbo ang daan palabas ng bulwagan patungon sa kung saan nakatayo ang pigura kanina sa kadiliman.
Ngunit wala akong naabutang tao sa kung saan ko huling nasilayan ang pigura. Nang akmang aalis na ako'y siya namang pagharang ng nakangiting mukha ni Ginoong Herodes sa aking harapan habang may dala-dalang baso na may lamang bino. Nang ilahad ito ng lalaki sa aking harapan ay walang pag-aalilangan ko itong tinanggap.
"Nag-abala pa ho kayo, Ginoong Herodes."
Isang pagak na tawa lamang ang isinagot ng lalaki bago napatingin sa aking likuran na bahagyang umagaw rin ng aking atensyon. Papalapit sa aming kinalalagyan ang matandang Sullivan habang akay-akay ni Binibining Ingrid.
"Nakakatuwa at ikaw pala ang babaeng nasa likod ng napakagandang pagtatanghal, binibini. Kaaya-aya sa paningin ang iyong kilos, binibini." Pang-uuto nito habang may nakakadiring ngiti sa mga labi.
"Ikinagagalak ko hong malaman na nagustuhan ninyo ang pagtatanghal. Ngunit maaari ho bang magtanong? Bakit ho kayo andito, senyor? Kayo ho ba'y aalis na?"
"May pag-uusapan lang sana kami ni Ginoong Buencamino kung mamarapatin mo, Binibini." Sagot ni Ingrid na siyang humarap sa akin.
Isang mahinang tango lamang ang aking naging sagot bago tahimik na lumakad papalayo sa kanilang kinatatayuan. Nang makalayo ay agad akong pumasok sa loob ng bulwagan ngunit kita pa rin mula sa aking kinatatayuan ang pagpasok ng tatlo sa opisina ni Alfonso na sa tingin ko'y naghihintay rin sa kanila sa loob.
Tahimik kong ininom ang bino na inilagay ni Heros sa aking harapan habang mabilis ang kilos na ginagawa rin ang mga utos ng iilang parokyano sa loob ng bulwagan.
"Matagal ka nang nagtatrabaho dito, Heros?"
"Matagal-tagal na rin ho, binibini."
Ilang magkakasunod na tango lamang ang aking naging sagot. Kahit na gustong-gusto kong dagdagan ang aking mga tanong ay kailangan kong pigilan ang aking sarili lalo na't tanging si Mattias lamang ang aking mapagkakatiwalaan sa loob ng bulwagan.
"Nga pala, hindi ko na nakikita si Rio ah."
Ilang magkakasunod na iling ang naging sagot nito bago muling nilagyan ng bino ang aking walang laman na baso.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...