"CRISTINA!" Buong lakas kong tawag na agad ikinalingon ng babae sa aming kinalalagyan ng makita ako'y halos namutla ito't nanginig sa takot sa kung anong maaaring isambit na katotohanan sa aking bibig.
Bago pa kami makalapit ay isang malakas na pwersa ang pumagitna sa amin na agad naming ikinatumba. Mabuti nalang at maagap ang mga kamay ni Augustus na agad akong nahawakan bago tuluyang matumba.
"Ayos ka lang, Odette?" Nag-aalalang tanong ni Augustus habang hawak hawak ang aking mga balikat na pilit akong pinapabalik sa ulirat.
Ilang magkakasunod na tango ang aking ginawa bago napatingin sa malalaking butas ng panuluyan. Mabilis na lumapit sa aming kinalalagyan si Antonious na agad kong tinulak palayo.
"Hindi ito ang tamang oras, Antonious. Alagaan mo ang iyong mag-iina." Saad ko bago hinarap si Augustus na nakalahad ang kamay sa aking harapan habang ang isa'y may hawak na ng espada. Nang matanggap ko ito'y mabilis naming nilisan ang daan papalayo sa kanilang dalawa na tumakbo rin sa kabilang direksyon.
Walang ni isang tao kaming nakita ng mapadpad sa may bulwagan ng panuluyan. Lahat ng mga kawal ay nasa labas habang ang mga katiwala nama'y kanina pa nagsialisan ng magsimula ang kaguluhan.
"Saan tayo pupunta?" Hindi ko mapigilang itanong lalo pa't hindi naman talaga ito ang inaasahan ko sa pagpunta dito.
"Itatakas kita sa kaguluhan." Saad nito sabay mabilis akong hinatak patungo sa bandang likuran ng panuluyan. Ngunit bago pa kami makalabas ay may isang nakabalabal na lalaking mabilis na lumapit sa aming kinalalagyan. Nang mahawakan ang braso ni Augustus ay pabalya itong inihampas sa isang pader ilang hakbang ang layo mula sa aming kinalalagyan.
Nang papalapit na ang lalaki ay agad akong naghanap ng pupwedeng ipanghampas sa kanya. Alam kong wala akong kalaban-laban sa tikas at lakas nito pero kahit papaano'y masasabi kong lumaban ako. Nang ilang hakbang na ang lapit nito'y handa na sana akong ihampas sa kanyang ang napulot na bakal ng agad itong tinangay ng malakas na pwersa ng hangin papalayo sa aking kinalalagyan.
Agad napakunot ang aking noo sa nangyari ngunit ng makita ang iilang nakatayo sa bawat sulok ng panuluyan ay hindi na ako nagtaka. Lahat sila'y magaling sa pakikidigma lalo pa't may kalamangan sila sa labanan. Agad nilapitan ng lalaking sa pagkakaalala ko'y Geoff ang pangalan si Augustus at tinulungan itong makatayo na agad kong ikinalapit dito. Bahagyang napatingin ang babaeng may taglay ng kapangyarihan ng hangin sa aking kinalalagyan habang nakakunot ang noo.
"Nasaan si Antonious?" Madiin na saad nito na batid ko ang galit sa kanyang mga tono na agad kong bahagyang ikinatago sa malapad na likuran ni Augustus. Nakakatakot ang mga paraan ng pagtitig nito, isang malaking taliwas sa kung gaano kaganda ang pagkakahubog ng kanyang mukha at matingkad na mala-kahel nitong buhok.
Nang mapansin ni Geoff ang aking takot ay agad nitong sinenyasan ang babae na bahagya lamang napairap at walang anu-ano'y nawala kasabay ng malakas na hangin na agarang naglaho matapos itong umalis.
"Alam niyo ba kung nasaan si Antonious? Kasi ilang linggo na rin kaming walang narinig mula sa kanya." Matiwasay na saad nito, taliwas sa kung paano nagtanong ang babae kanina.
"Nagkahiwalay kami ng daanan, sa may kanluran na pasilyo sila nagtungo ng kanyang asawa." Sagot ko sa kanya na napatango na lamang at ngumiti ngunit ng akma na itong nagpapaalam ay agaran kong hinawakan ang kanyang braso na ikinataka nito at ng aking kasama.
"Kaya ba hinahanap ninyo si Antonious ay dahil hindi na ito nakikipag-ugnayan sa inyong angkan matapos malamang si Binibining Sullivan ang babaeng inyong pinaghahanap?"
Bahagya itong natawa sa aking sinabi ngunit ilang saglit lang ay bumalik sa kanyang nakangiting mukha. Isang bagay na mas lalong nakakatakot sa kanya dahil hindi mo malalaman kong nagagalit na ba ito o pinapaikot ka lang sa kanyang mga nakangiting mukha.
"Oo, eh. Sa tingin ko'y itinatago na ni Antonious ang kanyang asawa matapos malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi ko naman kasi masisisi ang tao lalo pa't dala nito ang kanyang anak kaya hangga't maari ay ilalayo niya ito sa kapahamakan. Sige, mauuna na ako. Mag-ingat kayo." Saad nito at katulad ng babae kanina ay naglaho ito sa aming harapan na parang bula.
Unti-unting bumabalik sa akin ang sakit ng aking mga nasaksihan kanina. Kung paano pinagtanggol ni Antonious si Ingrid at ang magiging anak nito'y siya namang kabaliktaran sa kung anong aming pinagdadaanan ng aking magiging supling.
"Halika na, Odette." Agad akong hinatak ng paika-ikang si Augustus papalayo sa lahat ng mga nangyayari. Nang tuluyang makalabas ay bumungad sa amin ang kaguluhan sa labas. Iilan na lang ang makikitang kawal ngunit ang pinaka nakakagulat ay ang pakikipagtagisan ng kapangyarihan ng mga katulad nina Remus at Sara laban sa mas mabilis na kilos at lakas ng angkan na pinagmulan ni Antonious.
Kabi-kabilang sigawan at pagsabog ang makikita sa paligid kaya't mas minabuti naming takbuhin at harapin ang kaguluhan sa kabila ng kinakaharap na panganib lalo pa't ang tungo ni Augustus ay sa isang malaking gubat na sa tingin ko'y mas delikado lalo pa't ilang daang beses na ako muntikang mamatay sa mga gubat na nakapalibot sa buong syudad ngunit dahil nagmamadali ay hindi na ako nagreklamo at hinayaang hatakin ako nito papalayo sa kaguluhan.
Nang marating ang gubat ay agad nitong kinuha ang itinagong karwahe sa likod ng napakayabong na damuhan. Handa na ang lahat, sa mga nakalagay na gamit sa likuran at iba pang pangangailangan. Agad akong napalingon sa kanyang kinalalagyan ng mapatingin ako sa taong siyang kutsero ng aming sasakyan, sina Ginoong Alfonso at si Rio.
"Alam niyo na kung saan dapat dumaan na hindi kayo dudumugin ng tao para makisakay, ginoo. Mahaba-haba ang inying magiging paglalakbay kaya't marami-rami ang mga pagkain na inilagay ko na sa may likuran. Sa paghinto ninyo sa Blenheim ay may lalapit sa inyo para magbigay ng inyong mga kailangan para makapasok sa kanilang pader. Ligtas kayo sa kanilang pangangalaga dahil sakop ito ng teritoryo ng mga tao." Mahaba nitong salaysay kina Rio at Ginoong Alfonso na kapwa tahimik na nakikinig sa sinasabi nito.
"Bakit hindi ka ba sasama, Augustus?"
Agad itong napatigil sa pagbibigay ng mga ibinibilin sa dalawa at mapungay ang mga matang napatingin sa aking kinalalagyan.
"Hindi ko kayang iwan ulit ang aking angkan, Odette. Patawarin mo ako." Saad nito habang mahinang pinipisil ang aking mga kamay.
Nang hindi namalayan ay agad akong napahikbi sa hindi malamang dahilan. Siguro nga'y sa dinarami ng mga nang-iwan, nagsinungaling, nangloko sa akin, tanging siya lamang ang nanatiling totoo at parating inuuna ang aking kaligtasan. Agad itong napaluhod at idinikit ang tenga nito sa aking tiyan na mas lalong nagpaluha sa akin.
"Maging mabait kang bata at alagaan ang iyong ina." Saad nito na alam kong pilit pinapatatag ang boses sa kabila ng palihim nitong pagpahid ng kanyang luha. Isang bagay na ninanais kong sana'y gawin rin ni Antonious sa aming mag-ina.
Agad binuksan ni Augustus ang karwahe at pinilit akong ipasok sa loob ngunit batid kong hindi kayang tumapak ang aking mga paa sa kaligtasan habang ang taong walang ibang ginawa kong hindi ay tulungan ako'y magpapaiwan sa bingit ng kamatayan.
"May paparating! Sumakay ka na Odette. Isipin mo ang anak mo." Saad nito habang nakahawak sa aking dalawang pisngi at unti-unting ipinapaalala sa aking hindi lang buhay ko ang nakataya sa pag-alis kong ito kundi pati na rin magiging anak ko.
Labag man sa aking loob ay sumakay na ako sa karwahe na agad ring pinatakbo ng dalawa ng makapasok ako. Napuno ng hikbi at pagdadalamhati ang aking pagtakas sa digmaang alam kong ako ang totoong pinaghahanap.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...