Kabanata 37

115 10 3
                                    

Tahimik akong nakatingin sa kanya habang gumagawa ng apoy, gamit ang mga panggatong na kahoy na nahanap niya sa kung saang lupalop ng gubat. Kanina pa ako nangangalaiti sa galit ngunit alam kong wala itong tenga para makinig sa aking mga hinaing kaya't nanahimik nalang ako. Ngunit ng hindi makapagtimpi ay pabagsak kong inilagay sa lababong gawa sa kawayan ang mga muwebles ng matapos kumain.






"Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?"







Agad itong napahinto sa kanyang ginagawa bago napabuntong-hininga. Nang umapoy na ito'y bumalik naman ito sa pagsisibak ng kahoy sa labas ng maliit na kubong aming tinutuluyan sa gitna ng kung saang gubat ako dinala ng taong ito.









Agad kong sinundan ito sa labas habang nakapameywang na nakatingin sa kanyang nagsisibak ng kahoy na parang bingi sa aking mga sinasabi sa loob ng tatlong araw.






"Anong utak ang mayroon ka, Antonious? Tinangay mo ako ng lingid sa aking kagustuhan sa kung saan lupalop ng mundo ito habang iniwan mo ang minamahal mong asawang nagdadalang-tao sa syudad. Ano bang problema mo? Hindi ba dapat ako ang galit sa iyo't lahat para sa mga sumpa mong walang kwenta!"










Ngunit katulad nung mga nakaraang araw ay wala akong narining na ni katiting na paliwanag mula dito o hindi kaya'y ni katiting na salita mula sa kanyang bibig.





Nung unang araw ng magising ako sa kubong ito ay pilit kong isinisiksik sa kanyang isipan ang mali sa kanyang pamamaraan kung ninanais man nitong makipag-usap. Ngunit ang pakiusap at pagpapaliwanag na ninanais ko't lahat-lahat ay hindi ko narinig mula sa kanya kaya't nanahimik nalang ako habang tinitingnan itong gawin ang lahat ng gawain sa kubo; paglalaba ng aming mga damit, paghuhugas ng mga pinagkainan, pagluluto, pagsisibak ng kahoy, pagwawalis, at kung anu't ano pa.






Nang walang marinig sa kanya ay padabong kong tinungo ang looban ng kubo at pasalampak na humiga sa matigas na kamang gawa sa kahoy. Nang dalhin sa biglaang paghiga sa matigas na bagay ay bahagyang nauntog ang aking ulo sa may ulunan ng kama. Agad kong hinamas ang aking ulo bago tuluyang sumigaw sa matinding pangangalaiti sa galit.







Kasunod nun ay patakbong pumasok sa loob ng kubo si Antonious na pawis na pawis at nag-aalalang napatingin sa aking nakahawak sa aking ulo.





"Anong nangyari?" Saad nito na agad akong nilapitan at idiin ang kanyang palad sa parte kung saan tumama sa ulunan ng kama. Dahan-dahan niya itong minasahe na inaamin kong unti-unting bumuti.







Sa hindi inaasahan ay nagsiunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Unti-unting bumalik sa aking isipan ang kanyang mga ngiti ng inanunsyo ang pagdadalang-tao ng binibini. Agad ko siyang niyakap ng napakahigpit. Siguro nga'y ito ang pilit kong tinatago sa loob ng tatlong araw. Siguro nga'y pilit kong tinatago sa kanyang nasasaktan na ako't lahat.






"Bakit Antonious? Bakit?"







Agad kong pinahid ang aking luha sabay tulak sa kanya palayo. Kahit na anong pilit kong isiksik sa aking utak ang katotohanang wala akong karapatang magtanong ngunit hindi ko maiwawaksi ang mga panahong nangako ito ng panghabang-buhay kasama ako.









"Hindi ko sinasadya, Odette. Maniwala ka ikaw ang mahal ko. Ngunit ginigipit na ako ng nakakatandang Sullivan para sa tagapagmana na hinahanap nila, kailangan kong gawin iyon Odette." Pagpapaliwanag nito habang pilit na lumalapit sa aking kinalalagyan. Nang nakalapit ay muli ko itong itinulak papalayo.









"Wala ka bang boses para magsalita Antonious?"









"Limitado ang kaya kong gawin at sabihin sa loob ng panuluyan na iyon Odette. Sana'y maintindihan mo." Pagpapaliwag nito na ngayon ay nakaupo na sa kama habang magkahawak ang dalawang kamay na nakayuko.









"Totoo bang para sa mga nilalang na kagaya mo ang ginawa mo o mahal mo lang talaga ang binibini, Antonious. Malaki ang kaibahan nun! Malaking-malaki!" Madiin kong saad habang tahimik lang itong nakayuko.









"Bakit Antonious? Bakit mo ako ginaganito?"







Kahit pala gaano katapang ang mga pananalita kung tumulo ang luha'y unti-unti nitong pinapakita ang pagiging mahina. Nakakatakot pala ang magmahal ng sobra na kung biglang nawala ay hindi mo maiwasang magdalawang-isip kong kakayanin mo pa ba ang susunod na araw ng wala siya't nasa bisig ng iba.







"Bago pumatak ang eklipse ay kailangan kong mahanap ang natitirang angkan ng babaeng unang minahal ng unang Sullivan. Iyon ang kailangan ni Amerah para ibigay ang kahilingan ng aming hari't reyna. Ang pagbubuntis ni Ingrid ang susi para mapalapit ako sa nakatatandang Sullivan dahil siya lamang ang nakakaalam sa totoong pagkatao ng huling membro ng angkan ng babaeng hinanahanap ni Amerah, Odette." Mahabang pagpapaliwag nito habang nakatingin sa kung anong magiging reaksyon ko sa kanyang paghayag ng kanyang totoong pakay sa pagtungo sa mundong ito. Mundong malayo sa kanyang kinagisnan at nakasanayan.








Kung hindi ko pa alam ang kasaysayan sa mundong isinumpa, siguro'y kahit ang mga salita niya'y hindi ko maiintindihan. Ngunit dahil maayos ang pagpapaliwag ni Augustus ay unti-unti kong napagtagpi-tagpi ang lahat.










"Ngunit bakit hindi kayo humingi ng tulong kay Casius? Hindi ba't siya naman ang rason para magtagal ng ilang daang taon ang syudad ng hindi naaabot ni Amerah? Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa kanya kesa ialay ang buhay ng isang walang kamuwang-muwang na babae para sa kasalanang hindi nito ginawa?"







Nang marinig ang aking paliwanag ay halatang nagulat ito sa narinig. Siguro'y hindi nito inaasahan na alam ko ang kwento ng mundong isinumpa ng panahon. Ngunit agad rin itong nakabawi at napabuntong-hininga.






"Hindi maaaring hingan ng tulong si Casius lalo na't ang kanyang mga pagtulong ay may lihim na intensyon." Saad nito bago lumabas na sa silid.








Ngunit dahil hindi ako sang-ayon sa aming pag-uusap ay muli ko itong sinundan palabas ng kubo kung saan ay bumalik ito sa pagsisibak ng kahoy.






"Kaya ito ang plano mo ngayon, Antonious? Ang ikulong ako sa gubat na ito dahil pinagkakatiwalaan ka na ng mga Sullivan? Hindi mo ba alam na may kanya-kanya tayong dapat gawin sa buhay? Paano nalang si Alfonso? Alam kong ilang araw na akong pinaghahanap doon."






Buong akala ko'y hindi nito narinig ang aking hinaing lalo na't malakas ang pagkakahampas nito sa mga kahoy ngunit ng matapos ang aking sinabi ay pabagsak inilayo ang kakasibak na kahoy at ang ginamit nitong panaga habang may nakakunot na noong nakatingin sa aking kinalalagyan.








"Hindi ka na babalik doon lalo na't dadalaw si Augustus, Odette!"








Agad akong natawa sa kanyang sinabi. Isang nakakalokong ngiti ang lumabas sa aking bibig na mas lalong ikinakunot ng kanyang noo.




"Wala kang karapatang magselos, Antonious. May nagdadalang-taong asawa ka at ako nama'y malaya pa. Anong karapatan mo para manghimasok? Hindi ba pupwedeng pantay tayo sa bagay-bagay?" Saad ko sa kanya na agad kong ikinataranta ng agad nitong hablutin ang aking braso. Masakit ngunit mas gusto ko ito kesa sa binging Antonious na pilit kong pinakikisamahan sa loob ng tatlong araw. Ramdam ko ang nangangalaiting galit nito ngunit huli na ng masabi ko ang huling mga salita na agad pumigtas sa kanyang natitirang pasensya.









"Siguro nga'y pag dumalaw si Augutus ulit sa bahay-aliwan ay baka maisipan kong magbuntis na siya ang ama, para kahit papaano'y patas naman tayo."











Agad akong kinaladkad nito papasok ng kubo, nang makapasok sa loob ng silid ay agad nitong isinarado ang pinto. Madilim ang mukha nito at batid ko ang matinding galit nito sa aking huling sinabi.







"Hindi ba't sinabi mong gusto mong magbuntis, Odette?"

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon