"Sa tingin ko'y alam ng tagapangasiwa ng bahay-pagamutan ang kalakaran sa bahay na ito, Odette. Huwag kang mag-aalala, ako na ang bahalang mag-imbestiga sa labas. Magmanman ka lang dito sa loob, alam kong may mas mahalagang impormasyon pa silang tinatago dito." Seryosong saad ni Mattias.
Ilang magkakasunod na tango lang ang aking naging sagot sa kanya. Alam kong mabuting tao si Mattias at siguradong maaasahan ito ngunit kung bakit hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoong pagkakakilanlan ni Antonious ay hindi ko alam. Siguro'y natatakot lang akong mapagkamalang baliw o hindi kaya'y mas may malalim na dahilan.
"Sige mauuna na ako, Odette. Alam kong naghihintay na ang aking mga kasama. Mag-ingat ka."
Nang akmang lalabas na sana ito ay agad kong hinawakan ang kanyang braso. Nang mapatingin sa akin ay isang nakakalokong ngiti ang aking nasilayan kaya ay agad kong binitawan ang kanyang braso.
"Gaano mo kakilala si Enoc?"
Agad napakunot ang kanyang noo sa narinig. Halata sa kanyang mga mata ang pagdududa sa aking tanong ngunit agad rin itong napalitan ng isang mahinang halakhak sabay hawak sa likod ng kanyang leeg na parang nahihiya siyang sabihin.
"Minsan ko rin kasing naging kaagaw si Enoc sa puso ng isang babaeng dayo ngunit matagal na panahon na ang lumipas at wala rin namang pinili sa aming dalawa kaya ay naging magkaibigan nalang kami." Sagot nito na halatang nasisiyahan na maalala ang kanilang pinagdaanan.
"O sige at ako'y aalis na, Odette." Ang huling sinabi nito bago tinungo palabas ang pinto. Napagdesisyunan ko nalang na hindi na bumalik sa bulwagan lalo na't andoon naman si Alfonso. Nang akmang isasarado na ang pinto ay siya namang pagpasok ng isang bulto ng taong agad nagpakaba sa aking dibdib.
"Antonious."
Ngunit hindi ito nagsalita bagkus ay matatalim na titig lamang ang naging sagot nito sabay masid sa kabuuan ng aking silid.
"Hindi ko alam na ganito na pala kababa ang niliparan mo, Claudette." Saad nito sa isang paraan na agad nagpainit ng aking ulo.
Ilang hakbang mula sa aking kinalalagyan ay tinungo ko ang kanyang kinatatayuan at agad siyang binigyan ng isang malutong na sampal na sana'y gumising sa kanya.
"Ano bang alam mo sa buhay ko, Antonious? Ano bang alam mo sa pinagdadaanan ko? Ano bang alam mo para manghimasok ka ng ganito?"
Halata ang pagkabigla sa kanyang mukha ngunit agad rin itong napalitan ng mala-demonyong ngiti na nagpakaba sa akin. Gamit ang kanyang lakas ay agad niyang hinawakan ng mahigpit ang aking braso sabay kaladkad sa akin patungo sa kama. Kahit na anong sipa at suntok na aking naging tugon ay hindi niya ito iniinda bagkus ay mas lalong lumalim ang kanyang mga halik sa kung saang parte ng aking katawan.
"Tama na, Antonious! Tama na! Tulong!"
Kahit anong sigaw at pagmamakaawa ay naging bingi si Antonious. Nang mapunit na lahat ng mga telang nakabalot sa aking katawan ay hindi pa rin natauhan si Antonious bagkus ay mas naging marahas ang paraan nito sa paghawak sa ilang maseselang parte ng aking katawan.
Lahat aking natitirang paghanga sa lalaki ay agarang naglaho na parang bula. Hanggang sa ngayon ay humahanga pa rin ako sa kanya ng palihim dahil alam kong may asawa na siyang tao ngunit sa mga nangyayari ngayon sa tingin ko'y wala ni katiting na respeto ang dapat matanggap ng lalaking ito mula sa akin.
Nang maramdaman ang matinding sakit na dulot ng kung ano sa aking pagkababae ay napasigaw ako ng napakalakas ngunit hindi ito natinag bagkus ay mas binilisan pa nito ang mga kababuyan na pinaggagawa sa aking katawan.
Nang mapabaling ang tingin ko dito'y nakapikit pa ito na halatang dinadama ang lahat ng kasamaan na pinaggagawa niya. Tagaktak ang mga pawis nito habang pilit na inaabot ang rurok ng kanyang kapusukan.
Ilang mahihinang hikbi ang kumawala sa aking bibig. Ilang buwan ko na ring pinaghahandaan ang mga bagay na ito lalo na't pag nagkaipitan kung saka-sakali ay maaaring mangyari ito sa loob ng bahay-aliwan na bukod tangi naming iniiwasan ni Mattias. Ngunit sa kasamaang-palad ay nangyari nga ito sa kamay ng isang taong hindi ko inaasahan.
Hindi ko alam kung sa mga iyak o sa kung anong narinig o nakita ni Antonious dahil mabilis itong tumayo mula sa kama habang napatingin sa aking kahubaran na puno ng awa at sakit sa kanyang mga mata. Gamit ang aking natitirang lakas ay agad kong tinakpan ang aking sarili at pinahid ang ilang butil ng luha na pilit na kumakawala sa aking mga mata dahil sa matinding galit sa lalaking hindi na ako binigyan nang ni katiting na respeto.
Masakit ang aking katawan ngunit pinilit kung tumayo sa kanyang harapan habang nakahawak sa kumot na nakatakip sa aking katawan. Agad kong kinagat ang ibabang labi para hindi na muling lumabas ang hikbi na pilit kumakawala sa aking bibig.
"Sa tingin ko'y naibigay ko na sa iyo ginoo ang gusto mo. Makakaalis ka na." Pilit kong kinakalma ang aking sarili habang sinasabi sa kanya ang mga katagang unti-unting dumudurog sa aking pagkatao.
"Odette..I...I.."
Hindi ko alam kong anong gustong ipahiwatig ng lalaki lalo na sa kanyang mga tingin na puno ng awa at galit. Matinding galit sa kanyang sarili ngunit ano bang pakialam ko? Nagawa ba niyang makinig sa mga naging hinaing ko?
"UMALIS KA NA!"
Agad kong tinungo ang pinto ng palikuran sabay padabog na isinara ang pinto. Hindi ko alam kong saang banda ako nasasaktan, sa pagkuha niya ng aking pagkababae na lingid sa aking kagustuhan? O ang masakit na katotohanang nakikita niya lang akong isa sa mga babaeng nagtatrabaho sa bahay-aliwan?
"Odette."
Agad kusang tumigil ang aking luha. Hindi ako nagkakamali tinawag niya ako sa aking pangalan ngunit buong pag-aakala ko'y kaming tatlo lang nina Enoc at Mattias ang nakakaalam sa aking totoong pagkatao.
"Si Enoc! ano pa nga ba ang inaasahan mo Odette! Maaaring narinig niya mula kay Enoc ang totoong pagkakakilanlan mo."
Kung alam niya ang totoong pagkatao ko'y mas lalong napakawalang-hiya niyang klase ng halimaw. Kung nasabi sa kanya ni Enoc ang aking pagkakakilanlan ay maaaring alam na rin niya ang rason ng aking pagiging tagapangasiwa sa bahay-aliwan.
Ngunit sa kabilang banda siguro'y tama na rin ang nangyari sa aming dalawa. Sa paraan ng kanyang pagsisi sa kanyang sarili ay mahihiya na itong lumapit sa akin o hindi kaya ay humarang sa aking daraanan. Sa tingin ko ay tama na iyon bilang kabayaran ng kanyang pananahimik sa aking totoong pagkakakilanlan.
"Tama ka Odette. Kung gusto mong makamit ang iyong inaasam ay kailangan mong isakripisyo ang iilang mahalagang bagay sa iyong pagkatao."
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...