Kabanata 29

138 9 0
                                    

"Hayaan mo siyang makaalis, Agnes. Wala siyang alam sa mundo at sa gulong kinalalagyan natin." Malakas na sigaw na Remus habang tahimik lamang ang babae na nakikinig sa kanyang sinasabi.







"Tsk. Remus, Remus. Sa pagkakaalala ko'y mahilig ka ring mandamay ng buhay ng iba. I'm simply returning the favor." Saad ng babae na dahan-dahang lumalapit sa aking kinalalagyan. Habang ako nama'y dahan-dahan ring napapaatras patungo sa gilid ng bangin.








"Nasa inyo na ang libro, Agnes. Ano pa bang kailangan ninyo?" Saas ni Remus na ngayon ay dahan-dahang lumalapit sa aming kinalalagyan.







"I know you and your darkness, Remus. Anong kailangan mo sa isinumpang ito? Alam kong may tinatrabaho si Ophelia sa Empyrean. Bakit kayo magkakaroon ng interes sa mundong isinumpa ng panahon?" Saad ng babae habang unti-unting lumalabas sa kanyang kamay ang isang punyal.








Isinumpa? Paulit-ulit ko nalang naririnig ang katagang iyan sa bibig ng mga tinuturing kong halimaw. Anong meron ba sa lugar na aking kinalakihan at lahat nalang ng mga nilalang na aking nakakasalamuha ay sinasabing isinumpa ng panahon ang lugar na ito?







Ngunit bago pa magsalita si Remus ay agad na inatake ng babae ang walang kamuwang-muwang na si Remus. Gamit ang kanyang majika at bilis ay naitarak nito sa dibdib ni Remus ang punyal na nasa kanyang kamay. Huli na para ako'y makasigaw, dahan-dahang bumagsak ang katawan ni Remus sa kanyang kinatatayuan habang ang babae nama'y may mga ngiti lamang sa labi na parang nasayahan pa ito sa kanyang ginawa.






"Illusion." Mahinang saad ng babae sa bangkay na nakahiga sa kanyang paanan. Kasabay nito ay ang biglang paglitaw ng mga nakabalabal sa bawat sulok ng kagubatan. Hindi mabilang ang kanilang dami at kapwa nakatago ang mukha sa kanilang mga suot.




Agad lumapit ang isa nito sa babae at bahagyang yumuko. "He escaped."







Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ng babae bago sinipa ang bangkay ni Remus ng buong lakas. Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon na rin ako ng lakas na lapitan ang bangkay ni Remus at dalhin ito sa aking mga bisig na bahagyang ikinataka sa lalaking lumapit kanina sa babae.





"Mga walang awa! Mga halimaw! Anong ginawa sa inyo nung tao? Kuya Remus! Kuya! Gumising ka! Kuya!" Sigaw ako ng sigaw sa bangkay na nasa aking bisig. Ano nalang ang sasabihin ni Sara pag nalaman nitong namatay ang kanyang kapatid sa pagliligtas sa akin. Alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaki at kung paano niya inukol ang kanyang buhay para hanapin ang kapatid.








"Tsk. Amateurs." Saad lamang ng babae bago lumapit sa lalaki kanina.






"Geoff, when will this illusion lasts?"






Agad natawa ang lalaki habang pasimpleng sumusulyap sa aking kinalalagyan. "Don't know." Mas lalo lamang akong nagalit sa paraan ng kanilang mga titig na parang ang saya-saya nila sa aking pighati sa pagpatay nila kay Remus.






"Mga halimaw! Demonyo! Mga demoyo kayo!"






Walang tigil ang aking pag-iyak at sigaw habang yakap-yakap ang bangkay ni Remus ng biglang may mga malalaki at malalambot na bisig ang kumuha sa akin papalayo sa bangkay. Nang iangat ko ang aking tingin ay bumungad sa akin ang mukha ni Antonious na may mga pasa sa gilid ng kilay at labi. Kahit na galit ako sa kanya'y hindi ko naiwasang yakapin siya ng mahigpit dahil sa matinding takot. Sa kanyang pagdating ay sa tingin ko'y may kakampi na ako laban sa mga halimaw na ito.







"Good thing you're here. Please make her stop whinning over an illusion." Saad nung lalaki na nagngangalang Geoff  kay Antonious na nakatitig lamang sa akin habang nakayakap sa kanyang bisig.








Ngunit ang kaninang pag-asa ay agad nawala ng yumuko ito sa harap ng babaeng pumatay kay Remus para magbigay-galang. Bakit hindi ko naisip na magkasama sila? Bakit ako nagpadala sa bugso ng aking damdamin? Bakit pa ako naninawala sa kanya? Agad napakuyom ang aking kamao habang unti-unting lumalayo sa kanya at sa kanyang kumpol ng demonyo.







"Katulad ka rin nila. Katulad ka rin nilang halimaw, Antonious. Bakit hindi ko nakita agad. Mga halimaw!" Sigaw ko sa kanya na alam kong hindi nagustuhan ang aking paratang lalo na't nakuyom rin ang mga kamao nito at halatang nagtitimpi lamang.








Bago paman siya makapagsalita ay agad siyang tinapik ng lalaking nagngangalang Geoff sa balikat.




"Goodluck brother. Hahaha."





Natawa lamang ang kanilang mga kasamahan bago isa-isang nawala sa kadiliman. Ang kaninang babae naman ay hindi ko na nahagilap kung saan kasama ang lalaking nagngangalang Geoff. Ang mas lalo kung ikinataka ay ang pagkawala ng bangkay ni Remus sa kaninang kinalalagyan nito.







"Saan ninyo dinala ang bangkay ni Remus? Saan?" Sigaw ko sa kanya na ngayon ay may matalim na titig sa akin.





"Walang bangkay, Odette! Ang lalaking nakita mo kanina ay isang ilusyon lamang. Isang majika na gawa ng taong kanyang pinaglilingkuran." Saad nito sa mahinahon ngunit madiin na paraan.






"Hindi ako naniniwala." Pagkukumbinsi ko sa aking sarili. Kitang kita ko ang pagbagsak ng kanyang katawan sa lupa kaya't paano naging ilusyon ang kanyang pagkamatay? Alam kong ginagawa lamang nila itong dahilan para pagtakpan ang kanilang mga kasalanan.





"Hanggang dito ba naman ay magsisinungaling ka, Antonious." Saad ko sa kanya na ngayon ay halatang nauubusan na ng pasensya.







"Oh sige! Gusto mo ng sumbatan kong sino ang nagsisinungaling! Bakit nagpanggap kang ibang tao, Odette? Anong gusto mong malaman para pumasok ka sa klase ng mundong hindi para sa iyo?" Saad nito na mas lalong ikinainit ng aking ulo.






"Mundong hindi para sa akin? Bakit? dahil ba mahina ako? Walang kaalam-alam sa mundong ginagalawan ninyo? Dahil ba isa lamang akong hamak na manggagawa ng sapatos?" Agad akong pumiyok sa huling katagang aking sinabi.





Siguro nga'y tama rin naman siya. Hindi naman talaga para sa akin ang mundong ginagalawan ko. Bakit ko nga ba pinagpipilitang malaman ang lahat ng sikreto ng syudad? Kung malaman ko ba lahat may magagawa ba ang isang mahinang kagaya ko? Ngayong alam kong nasa mabuting kalagayan si Sara, mananatili pa ba akong si Claudette para isugal ang buhay ko sa kung ano mang hinahanap ko? O babalik ako sa dating si Odette at mamumuhay ng malayo sa gulo ng mundong pinagkakait sa akin ng lalaking nasa harapan ko.





Kung hindi ako nararapat dito, saan pala dapat ako?



TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon