Kabanata 27

143 11 0
                                    

"Mag-iingat ka, Claudette. Alam kong alam mo ang patakaran tuwing kabilugan ng buwan. Sana'y makinig ka sa akin at huwag ng umalis ngayong araw." Mabilis na saad ni Mattias habang isa-isang isinasakay sa karawahe ni Enoc ang kanyang mga kagamitan.









"Ano ba Mattias? Ang dami mong habilin, bakit wala ka na bang planong balikan ako dito?" Nagtatawa kong saad na ikinakunot ng kanyang noo.







"Seryoso ako Odette! Huwag na huwag kang gagawa ng bagay na maaaring ikapahamak mo. Maliwanag?"






Kitang-kita sa kanyang mga mata na hindi ito kumbinsido sa aking mga pagtango sa kanyang mga habilin. Siguro ay sa ilang buwan naming pagsasama'y alam na niya sa kung anong bagay ako makikinig at sa anong bagay, hindi.








"Oh, ngayon pala ang alis mo, Mattias. Huwag kang mag-aalala at babantayan ko itong kaibigan mo." Saad ni Alfonso na hindi ko na namalayang nakalapit na pala sa aming kinalalagyan.








Ilang magkakasunod na tango lang ang isinagot nito bago ilagay ang kanyang huling bagahe sa loob ng karawahe.










"Aasahan ko iyan, Ginoong Alfonso." Saad nito sa kanya bago napatingin sa akin.











"Mag-ingat ka." Saad nito bago ako niyakap ng mahigpit at sumakay sa loob ng karawahe. Tahimik kong tinanaw ang karawahe habang unti-unting lumalayo sa aking kinalalagyan.










"Sana'y kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa ni Mattias ay hindi higit pa sa pagkakaibigan, binibini. Alam mong ipinagbabawal ang mga bagay na iyan sa loob ng bahay-aliwan." Saad ni Alfonso na buong akala ko'y nakaalis na.









"Huwag kayong mag-aalala, ginoo at kapatid lang ang turing ko kay Mattias. Wala nang iba. Wala na ho ba kayong bilin at ako'y aalis na ginoo."









Ilang magkakasunod na iling ang kanyang naging tugon. Tahimik kong tinahak ang daan palabas ng bahay-aliwan. Sa loob ng dalawang buwan ay hindi ako naglalabas tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan ngunit iba ngayon dahil may usapan kami. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay namataan ko ang isang bulto ng tao na abot-abot ang ngiti ng makita ang aking pagdating.










Herodes.







Nang makalapit ay bahagya akong yumuko sa kanyang harapan para magbigay-galang dahil kahit papaano'y may katungkulan rin ang lalaki sa syudad.










"Akala ko'y di ka na darating binibini." Saad nito ng may malalagkit na tingin sa aking dibdib na hapit na hapit sa aking kasuotan ngayon. Agad umikot ang aking mata sa aking nasaksihan.









"Sino ba naman ako para tumanggi sa inyong kagustuhan ginoo." Mahinahon kong saad na ikinatawa lamang nito.










Buong araw kaming namasyal sa loob ng syudad. Patungo sa iilang mga pamilihan ng kasuotan, mga kainan, at iilang mga magagandang pamilihan ng mga kung anu-anong kagamitan. Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng mapahinto ito sa isang pamilyar na kanto.









"Nakikita mo ba ang nakasarang pamilihan na iyan." Turo nito sa isang pamilihan na kilalang kilala ko buong buhay ko. Bilang sagot sa kanya ay agad akong napailing.









"Anong pamilihan ba iyan, ginoo?"










"Ang sabi sa akin ay maganda ang mga likhang sapatos ng dating may-ari niyan." Salaysay nito habang minamasdan ang kabuuan ng pamilihan.









TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon