Kabanata 44

119 11 0
                                    

Nakayuko akong umiiyak sa panaginip na alam hindi lamang isang kathang-isip ngunit siyang parte na ng aking nakaraan. Siguro'y sa paglipas ng panahon ay unti-unting bumabalik ang mga alaalang ako lamang ang nakasaksi at nakakaalam kahit pa ang mga taong naging parte ng aking katauhan.




Kung kaya't ako pala talaga ang pinaghahanap nina Antonious at Amerah? At sa aking angkan nagsimula ang gulong ito.





Nakakatawa dahil ngayon lang bumabalik sa akin ang mga salitang binitawan ni Casius. "Ang isang pag-ibig ni Antonious sa babaeng isinumpa ay siyang nagpapatagal sa kanya sa mundong isinumpa ng panahon." agad akong napahawak sa aking tiyan habang pilit na iniisip ang posibilidad na totoo ngang mahal ako ni Antonious.




"Pinapasundo ka na ni Mattias dahil ngayong araw ang pagsalakay nito sa buong syudad." Saad ng isang nakabalabal na lalaki na hinayaang bukas ang pinto ng makaalis. Alam kong maaaring mas marami sila sa labas ngunit kailangan kong makaalis para masabi kay Antonious ang buong katotohanan. Nang akmang aalis ay agad akong napapikit ng may matingkad na kulay ang biglang lumitaw sa aking harapan.





"Ipagpatawad mo ang aking nakakasilaw na anyo, Claudette ay este Odette o di kaya'y Ingrid." Nakangiting saad ni Casius na hindi na kamukha ng Eros na aking nakilala.






"Bakit hindi mo sinabi kay Antonious na ako si Ingrid?" Hindi ko mapigilang sabihin ang aking nararamdaman lalo pa't alam niya ang lahat-lahat ngunit hindi ito nagsasalita.



"Katulad nalang sa hindi ko pagsabing dinadala mo ang anak nito, Odette?"




Nagulat man ako'y hindi na ako nagtanong pa. Alam kong siya ang rason kung bakit bumalik sa akin ang memoryang ilang taon ko nang nilimot.


"Hindi ako pupwedeng makialam sa mga desisyon ninyo sa buhay. Ang tanging magagawa ko lang ay tulungan kayo sa pagtuklas sa katotohanan ngunit ang pagtanggap nito'y nasa inyo."




Bahagya akong natahimik sa kanyang sinabi, siguro nga'y nasa amin pa rin talaga ang desisyon kung magpapatuloy pa ba o hihinto na lang. Ngunit sa puntong ito, kung magkade letche-letche man ang mundong ito, kahit isang sulyap lang ay tanggap ko.


"Paaalalahanan lang kita, Odette. Ang supling na nasa iyong sinapupunan ay mahina ang kapit sa iyo. Sana'y ang magiging desisyon mo ay para sa mas nakakabuti sa nakararami." Saad nito bago tuluyan akong dinala sa kung kaninong silid. Alam nito ang minimithi ng aking puso kahit pa hindi na ako magsalita kaya siguro'y sa panuluyan ng Sullivan ako nito dinala.






Agad akong nagpalinga-linga sa paligid, walang tao sa loob ng silid na sa tingin ko'y ang tanggapan ng mga panauhin ng mga Sullivan. Hindi ito ang silid na aking inaasam, kung hindi kay Antonious ay kay Augustus sana dahil batid kong makikinig ito sa aking mga isisiwalat para sa nalalapit na digmaan.



Ngunit bago ko pa mapihit ang seradura ay siya namang pagtulak nito papasok ng kung sino. Agad kong itinago ang aking sarili sa naglalakihan at nagtataasang kurtina sa loob ng silid na ngayon ay sa tingin ko ay hindi na tanggapan bagkus ay silid para sa pag-aaral ng matandang Sullivan na agarang naupo sa kanyang mesa kasunod sina Augustus at Ingrid.





"Hindi ko mapapayagan ang paglagay mo sa piitan ng aking asawa, ama." Saad ni Ingrid na agarang ikinataas ng kilay ng matandang Sullivan.






"Hindi pa ba klaro sa iyo, Ingrid ang katotohanang nasa iyong harapan? Ipinagpalit ka ng iyong asawa sa isang basahan at higit pa doon mahal niya ito kumpara sa iyo. Pinalaki kitang matapang at mautak sa lahat ng bagay, Ingrid." Matigas na saad nito na ikinatango lamang ng binibini at mabilis na naglakad palayo habang naiwan si Augustus sa silid kasama ang kanyang ama.




"Hindi na siya ang Ingrid na pinalaki ko, Augustus. Mahina na siya, NAPAKAHINA!" Saad nito na halatang galit sa kanyang mga nasaksihan.



"Ipagpaumanhin na ho ninyo ang aking kapatid. Siguro'y dala lang ng kanyang pagbubuntis o hindi kaya'y pagod lang ito sa mga nangyayari sa loob ng panuluyan at syudad." Pagpapaliwanag nito na agad ikinailing ng matanda.





"Maiba tayo, anong nangyari sa pinagawa kong paglalagay ng lason sa pagkain ng bampira sa ibaba? Tumalab ba?" Nakangising saad nito na ikinakuyom ng aking kamao.





"Hindi ho nilalapitan ni Senyor Bardough ang mga babaeng may lason kahit na ho wala na halos itong buhay." Saad ni Augustus na ikinahampas ng matandang Sullivan sa mesa at agarang napahawak sa kanyang noo upang mag-isip. Ngunit bago pa ito makapagsalita ulit ay mabilis na lumapit sa kanya ang isang kawal na agad ikinataranta nito. Patakbo nitong tinungo ang labasan habang si Augustus naman ay akma ng lalabas ng agaran ko itong hinatak patungo sa aking kinalalagyan.







"Paano ka nakapasok, Odette? Paano ka nakatakas sa kanila?" Pabulong nitong saad na parang may malaking takot sa maaaring makarinig sa amin.






"Hindi na importante yon. Nasaan si Antonious?"





Agad nagbago ang timpla ng kanyang mukha ngunit ng mapansing seryoso akong naghihintay ng sagot ay bahagya itong napakamot sa kanyang ulo.







"Magkatulad lang kayo ni Ingrid, puro Antonious na lang ang bukambibig. Maaari kitang samahan sa kanyang kinaroroonan ngunit hindi ito madali lalo pa't marami ang nakabantay sa kanya matapos malamang espeya ito." Saad nito bago binuksan ang pinto at bahagyang sinilip ang may pasilyo.







"Alam ko ang lamang ni Antonious pagdating sa pakikidigma dahil saksi ako sa pakikipagbuno nito ngunit bakit hindi ito lumaban?"







Agad lang itong napakibit-balikat bago tumingin sa akin ng seryoso. "Dahil kay Ingrid?"









Sana'y hindi nalang ako nagtanong dahil kahit alam kong mahal ako ni Antonious may pagdududa pa rin ako lalo pa't may posibilidad rin na maaaring mahalin nito si Ingrid. Alam kong maaaring magkagulo lalo pa't pinaghahanap ng kalahi ni Antonious ang angkan ng babae ng unang Sullivan ngunit hati ang magiging damdamin nito lalo pa't ang babaeng kanyang hinahanap ay ang babaeng kanyang pinakasalan at ngayon ay nagdadalang-tao sa kanyang anak.








Ngunit ako ang totoong Ingrid at dinadala ko rin ang aming magiging supling, hindi ba dapat ipaglaban rin ako nito?








Bago pa ako makapagsalita ay marahan akong hinatak nito patakbo sa kung saan. May nakakasalamuha kaming mga kawal ngunit parang wala na itong planong pigilan ang aming paglalakbay bagkus ay halatang nagmamadali ito't abala sa kung ano.










Sabay sa pagliko namin sa isang eskinita ay agad kaming napahinto ng masilayan ang hindi inaasahan. Nakahawak si Antonious sa bewang ng kanyang asawa habang nakalapat ang labi sa babae. Nakakatawa dahil buong akala ko'y isang lantang gulay ang Antonious na maaabutan namin sa piitan ng panuluyan ngunit sa tingin ko'y malaking kabaliktaran maliban nalang sa gutay-gutay nitong damit at ilang malalaking sugat sa braso at mukha ay samakatuwid, buhay pa ito.









Agad iniharang ni Augustus ang kanyang katawan sa aking kinatatayuan. Batid nitong hindi ko kakayanin ang mga nakikita. Doon siya nagkakamali. Bahagya ko itong initulak paalis bago ituon ang aking atensyon sa babaeng nasa bisig ni Antonious.








"CRISTINA!" Buong lakas kong tawag na agad ikinalingon ng babae sa aming kinalalagyan ng makita ako'y halos namutla ito't nanginig sa takot sa kung anong maaaring isambit na katotohanan sa aking bibig.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon