Agad itong napahinto ng marinig ang aking tanong. Kung pagbabasehan ang kanyang kilos ay sa tingin ko ay may alam ang lalaking nasa aking harapan.
"Sinong nakapagsabi sa iyo tungkol sa mga bagay na iyan binibini?"
Bago paman ako makasagot ay agad na itong napatayo sa aking harapan habang nakaabot sa akin ang kanyang kamay na parang nag-aasang tanggapin ko ito. Nang mapansing hindi pa ako kumikilos ay agad nitong inabot ang aking kamay at dahan-dahan akong hinatak papalayo aking kinauupuan.
Ilang lakad lang ay narating namin ang may bandang likuran ng kanilang panuluyan. Sa gilid nito ay may pintuan na kung hindi pamilyar sa lugar ay hindi mapagkakamalang pintuan lalo na't marami itong mga halamang nakatabon.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay unti-unting humahakbang paatras. Nang mapansin nito ang aking ginawa ay natawa lamang ito.
"Gusto mong malaman ang katotohanan, hindi ba binibini?" Sabay sa kanyang pagtanong ay sya namang pagbukas ng pintuan.
Mapagkakatiwalaan ko ba ang taong ito? Paano kung hinahanap na ako ni Alfonso? O hindi kaya'y iniwan na ako nun? Iyon lang ba ang ikinakatakot ko? O natatakot lang akong malaman ang totoo?
Kung pagbabasehan ang aking iniisip ay nasisiguro kong kanina pa ako naglakad palayo sa lugar na ito at sa lalaking naghihintay sa aking pagpasok. Ngunit may gusto akong malaman para maintindihan ang lahat.
Limang hakbang ay nakapasok na ako sa loob ng pintuan. Nang maisara ni Augustus ang pintuan sa aming likuran ay bumalot sa amin ang matinding kadiliman. Agad akong napakapit sa kanyang braso dahil sa matinding takot sa kung ano mang nakatago sa dilim.
Hinawakan ni Augustus ang aking kamay habang naglalakad. Ilang hakbang lang ay unti-unti na akong nakasagap ng maliliit na butil ng liwanag na nanggagaling kong saan. Sa dulo ng sa tingin ko'y pasilyo ng kadiliman ay may malakas na liwanag. Nang marating namin ang dulo ay agad akong napatakip ng mata dahil sa isang nakabubulag na liwanag.
Ilang segundo ay unti-unting nakiayon ang aking mga mata sa liwanag na nasa aming harapan. Nang masilayan ang isang kumikinang na bagay na nakapatong sa isang magarang mesa na may naka-ukit na gintong kulay sa bawat mabusising detalye nito ay agad akong namangha.
"Ano yan?" Tanong ko sa lalaking katulad ko ay nakatingin lang din sa maliit na bagay na kumikinang sa aming harapan.
"Ang singsing ng dyosang si Amerah. Ang dyosang nagpataw ng sumpa sa mundong ito." Seryoso nitong saad bago napatingin sa isang larawan na nakakabit may dingding ng maliit na kwartong ito.
"Anong sumpa at bakit?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay naupo sa sahig habang muling pinagpatuloy ang pag-inom sa binong hindi pa rin pala naubos.
"Ilang libong daan ang nakalipas ay napadpad sa mundong ito si Amerah na nagbabalat-kayong normal na tao. Kahit ang kanyang kaakit-akit na mukha'y pinalitan nito ng isang kahindik-hindik na itsura na agad nagdulot sa kanya ng matinding pangungutya ng mga tao. Ngunit hindi mga ito ang ipinunta niya sa mundo kundi ang kanyang taong iniwan dito, ang nagtaguyod ng konseho, isang Sullivan.
Isinumpa silang dalawa nang malaman ang kanilang bawal na pag-iibigan; isang mortal at isang dyosa. Sa kanilang sumpa ay ipinagbabawal na magkita ang dalawa dahil isa sa kanila ay tuluyang mawawala sa mundo ngunit nakahanap ng paraan si Amerah para masilayan ang lalaki. Sa pagbabalat-kayo ay nahanap ni Amerah ang rason upang makasama ulit ang lalaki matapos ng ilang taong pagkabilanggo at pagdurusa.
Ngunit ang kanyang iniwan ay nagmahal na palang muli ng isang normal na taong kagaya nito. Dahil sa kanyang matinding hinagpis ay nagawa nitong isumpa ang buong mundo."
Mahabang salaysay ng lalaki sabay lagok ng alak. Agad tumama sa akin ang kanyang mga mata na halatang nahihirapan sa hindi malamang dahilan. Tumabi ako sa kanyang umupo sabay kinuha ang bote ng bino sa kanyang kamay at inubos ito.
"Isinumpa niyang sa pagpatak ng eklipse ay babalik sa umpisa ang lahat. Mamamatay ang lahat ng nandito at lahat ng ating mga nakikita ngayon ay babalik sa umpisa. Ang mga dating nabubuhay sa panahon na buhay pa ang dating Sullivan ay mabubuhay, kasama na ang aming ninuno. Babalik sa umpisa kaya't ang aming angkan ay hanggang sa unang ninunong Sullivan lamang.
Ngunit nalaman ito ni Casius, isang dyos rin. Nagawa man nitong agapan ang sumpa ngunit sa tingin ko'y mas lalong nagpalala lamang.
Kailangan mag-imbak ng mga Sullivan ng tuni-toniladang dugo hanggang sa pagdating eklipse. Para ialay sa dyosa ng panahon, ang kapatid ni Amerah na hindi rin nagustuhan ang pagsumpa nito sa mundo. Isang nilalang ng kadiliman ang kapatid ni Amerah ngunit nabigyan ng katungkulan bilang dyosa dahil isang dyos ang ama nina Amerah.
Matatapos lamang ang sumpa at lahat ng mga ito kung mahahanap ang angkan ng babaeng minahal ng unang Sullivan."
Agad napakunot ang aking noo sa narinig, kung kaya't nag-iimbak ng dugo ang mga Sullivan ay para sa kapatid ni Amerah, ang dyosa ng panahon.
"Ngunit bakit kailangan pang hanapin ang angkan ng unang babaeng minahal ng Sullivan?" Agad kong tanong kay Augustus na ngayon ay nakapikit na ang mga mata at nakahilig na sa dingding.
"Para patayin ito sa ganoong paraan makakapag-higanti na ito sa ilang taong pagdurusa sa loob ng kulungan para sa pagmamahalan na pilit nitong ipinaglalaban. Walang nakakaalam kong saan itinago ng kauna-unahang Sullivan ang babae kaya't mas lalong nagalit si Amerah." Sagot nito na nakapikit pa rin. Agad nabaling ang aking tingin sa bagay na umiilaw sa aming harapan.
"Ano namang kinalaman ng singsing na iyan sa sumpa ni Amerah?"
"Sa pagkakaalam ko'y binigay iyan ni Casius sa kauna-unahang Sullivan bilang proteksyon kung sakaling bumalik si Amerah." Sagot nito.
"Bakit singsing?"
Agad lamang nagkibit-balikat ang lalaki sa aking sumunod na tanong. Muling pumasok sa akinh isipan ang mga sinabi ni Antonious.
Kung ganoon ang kwento, ano naman ang dapat gawin ni Antonious na hindi nito maiwan-iwan ang mundong ito? Kung bakit hindi nito maiwan ang isinumpang mundo na ito kasama ko para makapagsimula ng bago?
Totoo nga bang para lang sa kanyang dapat gawin ang pananatili o hindi kaya'y natutunan na nitong mahalin ang kanyang asawa na ngayon ay pinagbubuntis na ang kanilang magiging anak?
Ako ba ang babaeng isinumpa na minahal niya ayon sa pagkakasabi ng kanyang mga kasama, kung kaya't hindi niya maiwan-iwan ang mundong ito? O buong akala ko lang na ako ngunit hindi pala.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...