Sabay sa pagbaba ng aking mga paa sa karwahe ay ang pagbungad ng isang napakagarang panuluyan sa aking harapan. Maraming mga may magagarang damit ang katulad naming dalawa ni Alfonso na naglalakad patungo sa may pintuan. Nang tuluyang makapasok ay bumungad sa akin ang napakalaking bulwagan na puno ng makikinang na bagay.
Maraming mga pagkain ang nakahain sa bawat gilid. Iba-iba at nakakalula sa dami. Maraming mga alak at bino na kasalukuyang naging atraksyon sa mga kalalakihan habang ang ibang mga kababaihan nama'y abala sa pagkikipagkwentuhan habang mahinang humahagikgik.
"Ginoong Alfonso, Binibining Cartajenas. Dito ho kayo."
Sumunod kami sa kung saan patungo ang lalaki hanggang mahinto ito sa isang may kalakihang lamesa na napapalibutan ng magagarang kasangkapan.
"Kung mamarapatin ho ninyo, ginoo. Ano ho ang ipinunta natin dito?"
Ngunit bago pa makapagsalita si Alfonso ay agad nagsipalakpakan ang iilang mga panauhin sa panuluyan ng mga Sullivan. Bumababa mula sa engrandeng hagdan si Ingrid Sullivan akay-akay ni Antonious habang nakasunod sa kanila ang nakakatandang kapatid nitong si Augustus.
Magkasing-tangkad lang ang dalawa ngunit kung pagbabasehan ang awra ay mas nakakatakot tingnan si Antonious habang si Augustus nama'y sa unang tingin mo pa lang ay agad na makaka-gaananan mo na ng loob.
Agad akong napatingin sa mukha ni Antonious kahit nung nakaraang-araw lang kaming magkasama ay hindi ko mapigilan ang aking sariling hanap-hanapin ito. Halatang nagulat ito ng mapadako ang kanyang tingin sa aking kinauupuan. Bakas sa mga mata nito ang gulat at kaba sa hindi malamang dahilan. Siguro nga'y natuto na rin ako kung ano talaga ang kanyang totoong emosyon sa likod ng mga malamig na titig.
Sa harap ng maraming panauhin ay tumayo ang tatlo na parang pag-aari nila ang mundo at nasa kamay nila ang buhay mga taong nandirito. Nang mahinto ang mga ito sa harapan ay siya namang paglapit ng isang may katandaang lalaki. Hawak nito ang isang kopita ng bino habang nagbibigay-galang sa tatlo.
"Ikinakasaya ho ng aming angkan ang inyong pagtugon sa aming imbitasyon. Isang malaking pasasalamat namin sa mga nag-ayos ng aming munting piging kahit sa napakalimitadong oras. Bilang pangalawang nakakabatang kapatid ni Senyor Sullivan ay inatasan akong isiwalat ang panibagong yugto ng aming angkan."
Ngumiti ang lalaki kay Binibining Ingrid at agad naman itong lumapit sa kanyang kinatatayuan ng may mga ngiti sa labi.
"Ikinagagalak ko hong ipaalam na ang angkan ng Sullivan ay magkakaroon ng panibago at kauna-unahang meyembro sa ika-siyam na henerasyon. Nagdadalang-tao na ang aking mahal na pamangkin sa kanyang asawang si Senyor Bardough."
Sabay-sabay na pumalakpak ang mga panauhin, malalakas na ingay ng pagdiriwang na mistulang naging matinding katahimikan sa aking pandinig. Nang magpang-abot ang aming tingin ay tumagal lamang ito ng ilang segundo bago niya ito naunang putulin sabay sa pakikipagkamay ng iilang mga panauhin na lumalapit sa kanilang dalawa para bumati.
"Halika, binibini at bumati tayo sa mag-asawa." Saad ni Alfonso na naunang ng lumapit sa dalawa. Alam kong magiging iba ang pahiwatig nito sa iilang panauhin kung hindi ako bumati sa dalawa kaya't kahit na labag sa aking kalooban ay minabuti kong lumapit.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay biglang naubos ang aking tiwala sa sarili na parang lahat ng mga sinabi ni Mattias ay isinampal na sa akin ngayon ng ilang libong beses, na wala akong ni katiting na karapatan sa pagmamahal na pilit kong ipinaglalaban.
"Ako'y nagagalak sa aking narinig na balita, binibini. Sana'y maisilang mo ng mabuti at maayos ang kauna-unahang meyembro ng ika-siyam na henerasyon ng mga Sullivan." Saad ni Alfonso na halatang masayang-masaya sa kanyang nabalitaan.
"Maraming salamat, Ginoong Alfonso sa inyong pagbati." Saad ng binibini na may matatamis na ngiti. Nang mapadako ang tingin nito sa akin ay bahagyang kumirot ang aking puso ngunit pinilit kong ipakitang masaya ako sa nabalitaan. "Kasama niyo ho pala si Binibining Cartajenas."
Agad akong yumuko sa kanilang harapan para magbigay-galang. Batid ko ang tingin ni Antonious sa akin ngunit pinilit kong hindi ito tingnan dahil alam kong pag ginawa ko ito'y maaaring lumabas na ang mga luhang pilit kong kinikimkim ng mag-isa.
"Masaya ako sa aking nabalitaan binibini, senyor. Sana'y lumaking masayahin at masigla ang inyong ipinagbubuntis. Ipagpaumanhin ho ninyo ngunit kailangan kong pumunta sa palikuran."
Hindi na ako naghintay ng kanilang sasabihin at madaling tinungo ang palikuran. Nang makapasok ay agad kong isinara ang pinto ngunit alam kong pag-inilabas ko ang aking hinagpis ay maaaring may makahalata lalo na't marami-rami pa ang mga bisita ng mga Sullivan.
Nakaupo lamang ako sa loob habang unti-unting tinatanggap ang lahat ng aking nabalitaan. Anong mukha ang ihaharap ko kay Mattias pag nalaman nito ang nangyari sa pagmamahalan na pilit kong ipinaglalaban. Nang lumapas ang ilang minuto ay pinilit kong ayusin ang aking sarili.
Nang lumabas ako'y puno pa rin ang buong bulwagan ng mga nagkakasiyahang panauhin ng Sullivan. Kita mula sa aking kinalalagyan ang pag-alalay ni Antonious sa kanyang nagdadalang-taong asawa sa gitna ng panauhin na pilit silang kinakausap para batiin. Nang mapansing patungo na sila sa aking kinatatayuan ay agad akong naghanap ng ibang mapupuntahan. Nang walang ibang mapuntahan na malayo sa kanilang paningin ay pumasok ako sa isang pintuan.
Agad akong napabuntong-hininga ng tuluyan ng makapasok. Malamig ang ihip ng hangin sa aking likuran na agad kong ikinatingin dito. Mabuti nga't sa isang magandang hardin patungo ang pintong aking pinasukan dahil sa tingin ko'y kahit papaano'y aayos ang aking pakiramdam.
"Anong ginagawa mo dito?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang magsalita sa aking likuran. Nang tuluyan na itong maabot ng liwanag ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Augustus na halatang nasiyahan sa kanyang ginawa. Nang mapatingin ako sa kanyang kamay ay may dala itong isang bote ng bino. Habang ang kaninang naka-ayos na kasuotan nito'y nakalubay na, na parang hindi na alintana ng lalaki kung parte pa ba siya pagdiriwang sa kanilang panuluyan.
"Magpapahangin lang." Sagot ko sa kanya sabag naupo sa isang pahabang silya na gawa sa kahoy.
Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang pagtabi nito sa aking gilid habang unti-unting inuubos ang isang bote ng bino na nasa kanyang kamay. Nang maisipan nitong ialay sa akin ang bote ay agad ko naman itong tinanggap ng walang pag-aalinlangan at agad na ininom. Batid ko ang titig ng lalaki ngunit alam kong ito ang kailangan ko para pansamantalang makalimot.
"Sa sinabi mo noon ay inukol mo ang buong buhay mo sa pag-iikot sa mga bayan malayo sa syudad, tama?"
Ilang magkakasunod na tango ang kanyang isinagot bago ininom ang nangangalahating bino. Hindi ko na namalayan ang oras lalo na't masayang kausap ang lalaki. Magaan ito sa pakiramdam at alam kong sinsero ito sa kanyang mga sinasabi.
"Kung ganoon ay may alam ka ba sa mundong isinumpa ng panahon?"
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...