Mabigat na pakiramdam ang unang bumungad sa akin ng magising. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid at nang mapagtantong nasa bahay-aliwan pa rin ako'y mas lalong sumakit ang aking ulo sa pag-iisip. Isa lang ang nasisiguro ko kung sakaling makaalis man ako sa lugar na ito'y baon ko ang ilang daang sakit ng aking pisikal na katawan, ng aking utak, ng aking dibdib.
Dahan-dahan kong tinahak ang tahimik na pasilyo pababa ng hagdan. Kung pagbabasehan ang tahimik na pasilyo ay sa tingin ko'y ako lamang ang gising sa loob ng bahay-aliwan maliban nalang sa mga kawal na nasa bawat sulok. Sa may hindi kalayuan ay tanaw ko ang isang kawal na nakabantay sa isang pinto na aking pakay sa aga ng aking paggising.
Nang makalapit ay mabilis na yumuko ang kawal habang halata ang pagtataka nito sa aking paglapit sa kanyang kinatatayuan.
"Ano ho ang sadya ninyo dito, Binibining Claudette?" Tanong nito na sa tingin ko'y nagsisimula ng mag-usisa para malaman ang aking pakay.
"Gusto ko sanang tulungan mong magbuhat ang iilang kawal sa mga bino at alak na ilalagay sa bulwagan. Tulog pa ang lahat ng mga trabahante sa bulwagan lalo na't matagal silang nakapagpahinga dahil sa dami ng parokyano. Maari mo ba akong tulungan?" Mahaba kong salaysay na inaasahan kong sana'y kagatin ng kawal.
Halata man ang pagdadalawang-isip ay wala siyang nagawa kundi ay maglakad patungo sa pintungan kong saan nakalagay ang mga bagong dating na bino at alak. Dahil nasa silong ang pintungan ay alam kong matatagal-tagalan ang kawal sa kanyang pagbalik. Mabilis kong pinihit ang seradura ng pinto ng mabuksan ito'y agad na pumasok ng walang kahit na anong bakas ng aking labag sa batas na pagpasok.
Tumambad sa akin ang mabaho at masangsang na amoy ng kung anong nabubulok sa loob ng silid. Sa may hindi kalayuan ay nakita ko na rin ang aking hinahanap. Tadtad ng mga pasa at galos ay halos wala ng buhay ang babaeng nakagapos ang paa at kamay habang nakahiga sa malamig na semento.
Nag-aalangan man ay kailangan ko siyang malapitan at matanong tungkol sa isang mahalagang bagay. Alam kong pag nakita ako dito'y maaaring magduda o di kaya'y mapatawan ako ng kaparusahan. Ngunit sa ngayong pagkakataon ko lamang maaaring simulan ang aking plano habang wala si Alfonso.
"Gising Jessa! Gising!" Mahina ngunit madiin kung saad sa kanya habang mahinang tinatapik tapik ang kanyang balikat para magising ito. Nang magsimula na itong kumilos ay agad akong nabuhayan ng loob.
"Bini...binibing...Clau..Claudettee?"
Sunud-sunod na tango lang ang aking isinagot sa kanya bago siya dahan-dahang tinulungang makaupo. Nang makapwesto na ito ay nagtatakang mga reaksyon na nakarehistro sa kanyang mukha ang unang bumungad sa akin.
"Alam kong may alam ka sa pagkawala ng mga kababaihan dito sa bahay-aliwan ilang buwan na ang nakakaraan, Jessa. Ikaw lang ang huling mananayaw na kasamahan ni Sara na natitira sa bahay na ito. Alam kong kilala mo si Sara, Jessa."
Isang nakakunot na noo lamang ang ginawa nito habang tumitig sa sahig. Pilit kong tinatagan ang sarilisa kanyang mga susunod na sasabihin. Kung hindi sana sa mga personal na talaan na ibinigay ni Giorgio at bibig ni Rio ay hindi ko sana malalamang si Jessa lang pala ang unang hakbang ko sa paghahanap kay Sara.
"Sara? Oo, kilala ko siya, binibini. Ngunit bigla lang ho siyang nawala bago magpalit ng liderato ang bahay-aliwan. Bago ho nagsimulang makialam ang konseho sa pagpapatakbo ng bahay."
Agad napakunot ang aking noo, sa pagkakaalam ko'y mabuti ang pamamalakad ng dating tagapamahala ng bahay-aliwan. Iyon nga lang ay nabahiran ng kontrobersyal at haka-haka matapos ng mawala ang iilang mananayaw o hindi kaya'y natatagpuang patay sa kung saan-saan.
"Salamat sa impormasyon, Jessa. Huwag kang mag-alala, ilang araw nalang ay makakalaya kana. Magtiis ka nalang ng konti." Paninigurado ko sa kanya habang nakahawak ang aking palad sa kanyang balikat.
Ayon sa pagkakarinig ko minsan ka'y Rio ay ilang araw nalang ay makakaalis na si Jessa sa bodega na pinalalagyan ni Alfonso sa mga babaeng kanyang pinaparusahan. Kaya ko nahanap ang lugar na ito'y dahil rin sa tabil ng dila ni Rio na mabuti nalang ay ni minsan ay hindi ako ipinahamak sa aking mga sekretong paghahanap ng mga implikasyon sa paligid.
"Binibining Claudette!"
Agad akong napalingon ng marinig ang kanyang tawag. Nang magkasalubong ang aming mga mata'y kita ang matinding pagdadalawang-isip nito.
"Hindi ko ho nasisiguro kung buhay pa ako paglabas ng bodegang ito ngunit huwag ho ninyong ipagsasabi sa iba." Natatarantang saad nito bago iwinagayway ang kamay para ipahiwatig ang aking paglapit. Nang makalapit ay agad nitong idinikit ang kanyang bibig sa aking tenga.
"Kada kabilugan ng buwan ay pinipilit na magpakuha ng dugo ang mga kakabaihan..."
"Para saad daw?" Hindi ko mapigilang sabat sa kanyang sinabi.
"Ayon sa namumuno ay para masigurong maayos ang kalusugan ng mga mananayaw ng bahay-aliwan. Ngunit hindi ho ako naniniwala lalo na't saksi ako sa mga dugong nakatago sa pintungan na nakalagay sa malalaking lalagyan." Dagdag nito habang unti-unting umaatras, kita ang matinding takot sa kanyang mukha bago matalim na napatingin sa akin.
"Hindi ko ho kasintahan ang lalaking sinasabi ng mga kawal. Kapatid ko ho siya sa ama at pinlano ho namin ang pagtakas ng araw na iyon ngunit sa kasamaang palad ay nahuli kami ng mga kawal. Wala hong ibang nakakaalam sa mga detalye na sinabi ko sa inyo." Dagdag nito habang bumalik sa kanyang pagkakaupo sa may sulok.
"Ano namang kinalaman ng mga nakaimbak na dugo kay Sara?"
Isang pagak na tawa ang aking narinig sa kanya bago pumasok sa aking isipan ang isang kalunos-lunos na itsura ni Sara na nababalot sa dugo. Agad akong napailing sa aking makasalanang iniisip. Hindi naman siguro nila pinatay si Sara para ilagay ang kanyang dugo sa pintungan.
Hindi ba? Bago pa magsimulang tumulo ang nagbabadyang luha ay agad kong pinigil ang aking sarili. Alam kong buhay si Sara hangga't wala akong bangkay na pinaglalamayan ay buhay si Sara.
Nasa kalagitnaan na ako ng malalim na pag-iisip ng hindi ko na namalayang nakalabas na pala ako sa pinto ng bodega. Tamang-tama rin sa dating ng kawal na nagbabantay sa bodega. Tagaktak ang pawis nito na sa tingin ko'y nahirapan rin sa panaog at pag-akyat ng mga bino at alak galing sa pintungan.
Anong malagim na sekreto ang nasa bahay na ito? Hindi ko mapigilang itanong sa sarili habang paakyat patungo sa bulwagan. Ngunit alam kong darating rin ang oras na malalaman ko ang lahat ng dapat hindi lang para sa aking paghahanap kay Sara kundi para rin sa mga inosenteng naiipit sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...