Kabanata 46

134 12 0
                                    

3RD PERSON'S VIEW


Mabilis na tinakbo ng mag-asawa ang daan palabas ng panuluyan ngunit agad ring napatigil ng masilayan ang malademonyong ngiti ni Mattias na kanina pa naghihintay sa kanila.



"Mabubuhay ka, Antonious kung ibibigay mo sa akin ang asawa mo." Saad ni Mattias na dala-dala ang isang mahabang latigo na nababalutan ng itim na usok, isang klase ng salamangka na ginagamit ng mga katulad niyang nasa ilalim ni Remus.




Ngunit hindi na ito nagsalita at agarang ikinumpas ang kanyang mga kamay. Lumabas mula rito ang isang matalim na espadang gawa sa magandang uri ng bato lalo pa't ang lupa ang elementong naibigay kay Antonious. Sabay sa pagkumpas nito ay ang agarang pag-atake ng itim na usok ni Mattias patungo sa kinalagyan ng dalawa na agaran naman nitong nailagan.





Sabay sa pagbukas ng kamay ni Antonious ay ang pagkahati ng lupang kinalalagyan ni Mattias na agaran nitong nailagan sabay atake kay Antonious na hindi ring hinayaang makalapit ang mga atake nito sa kanyang asawa na sinabihan niyang magtago.


Ilang beses na nagpang-abot ang kanilang mga armas na kapwa ay walang ni isang hinahayaang mabigo sa kanilang pakikipagbuno para mabuhay. Nang mahawakan ni Antonious ang braso ng katunggali ay agad nitong inihampas ang lalaki sa kung saan direksyon nito agarang maitapos sabay mabilis na atake ng kanyang dala-dalang armas.



Nang akmang itutusok na ito sa katunggali ay siya namang pagtakbo nito ilang hakbang mula sa kanya sabay hampas sa kanyang latigo na hindi agad namataan ni Antonious. Huli na ng namataan nito ang atake ng katunggali dahil isang malaki at malalim na sugat ang agad nananalantay sa kanyang likod na bahagyang ikinaluhod nito ngunit agaran ring tumayo.





"Hindi ko alam na ganito pala kahina ang isang bampirang kagaya mo." Nakangisi nitong saad sa katunggali.






Mabilis itong umatake sa kinalalagyan ni Antonious ngunit hindi nito agad napansin ang nababadyang kapahamakan. Habang handa na itong umatake sa katunggali ilang hakbang mula sa kanya ay hindi ni kakitaan ng takot sa mga mata ni Antonious na ikinataka nito. Huli na ng mapansing ng lalaking agad nabitak ang lupa na ikinalaglag nito pababa ng pababa sa isang hantungang walang nakakaalam kung saan ang hangganan.








Nang makitang wala na ang katunggali ng kanyang asawa ay patakbong tinunggo ni Ingrid ang kinalalagyan nito na agad napahinto ng maramdamang hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan. Sa may hindi kalayuan ay nakamasid ang dalawang pares ng matang kanina pa nililibang ang sarili sa panonood sa naging kaganapan.






Gamit ang kanilang bilis ay agad nitong napalibutan si Antonious na hindi man nagulat ngunit batid ang pagiging desbentaha kung sakaling manlaban ito sa kanila lalong lalo na sa kanyang reyna na pinaglilingkuran.









"You disappoint me, Antonious." Dismayadong saad ng kanilang reyna na ngayon ay nakatayo na sa harapan ni Antonious habang nasa gilid naman nito si Ingrid na hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.








Agad lumuhod si Antonious na bahagyang ikinagulat ni Geoff ngunit alam nitong talagang desperado lamang ang kaibigan lalo pa't nagdadalang-tao sa anak nito ang babaeng kanilang pakay sa pagpunta sa mundong ito.









"Patawarin mo ako ngunit hindi ko makakayang ibigay sa iyo ang buhay ng aking asawa lalo pa't pati buhay ng magiging anak ko'y nakataya sa laban na ito, Agnes." Pagmamakaawa na saad nito sa babaeng bahagyang nagbago ang timpla ng marinig ang salitang anak dahil kahit ito'y nawalan kaya't alam nito ang pakiramdam ng hindi magawang ipaglaban ang sana'y kaya naman.











"Oo nga Antonious pero hindi mo ba naisip na nakatali sa mundong ito ang asawa at magiging anak mo! Kung nanaisin mo mang madala ito palabas ay hindi mo magagawa. Babalik at babalik ito sa kung saan ito nanggaling kahit pa magpatuloy ang henerasyong ito ilang libong beses." Pagpapaliwanag ni Geoff sa kaibigan na ngayon ay nakahawak na sa balikat habang pinapantayan ang tingin nito.











"Magpapatuloy ang henerasyong ito at maibibigay ni Amerah ang hiling ng ating reyna para sa ating lahi kung tayo ang magsusuko sa kanya sa harapan ng diyosa. Maaaring mapakiusapan natin ito para sa kaligtasan ng magiging anak mo ngunit alam mo kung ano ang mangyayari pag naunahan tayo nina Remus." Dagdag ni Geoff na mas lalong nagpabigat ng loob ni Antonious. Hindi man nito mahal ang asawa ngunit batid nitong naging mabuti ito sa pakikitungo sa kanya kaya't kahit papaano'y nag-aalala siya para sa kaligtasan nito.









Ngunit bago pa ito makapagdesisyon ay pabalyang itinapon sa kanilang kinalalagyan ang isang katawan na mabuti na lamang ay agarang nasalo ni Geoff gamit ang kanyang kapangyarihan bago tuluyang tumama ang katawan nito sa malapad na pader.







Bumungad sa kanilang harapan ang humihingang si Augustus ngunit batid ng lahat na bahagyang humihina na ang pulso nito dahil sa mga bugbog na natamo sa mga katunggali nitong gumagamit ng salamangka.









"Ano ba naman iyan Remus kahit mahihina pinapatulan mo?" Pang-aasar ni Agnes lalo pa't alam nitong sa likod ng mga ngiti nito'y mabilis itong magalit.








Ngunit hindi kakitaan ng galit o hindi kaya'y pag-aalinlangan sa mga mata nito kahit pa paubos na ang mga kasamang kanyang dinala sa labang akala niya hindi makikisali ang mga bampirang nasa kanyang harapan.





"Bakit pa kayo nag-aaksaya ng oras sa mundong ito Agnes? Sa tingin ko nama'y mas marami kayong dapat gawin lalo pa't nagkalagulo ang panig nina Lucas laban sa mga lobo, hindi ba?" Pang-aasar nito sa hanay ng mga bampira na hindi naman nito nakakitaan ng anumang reaksyon sa kanyang sinabi.







Ngunit bago pa makapagsalita ulit si Remus ay bahagya itong natigilan ng may isang tauhan ni Agnes na lumapit dito habang dala-dala sa kanang kamay ang isang pugot na ulo ng tao. Nang makalapit sa babae ay agad kinuha nito ang dala ng kanyang tauhan at walang anu-ano'y hinarap kay Remus ang pugot na ulo ng babae habang nakangisi.









"Hindi ba't kapatid mo ito, Remus?" Mapang-asar na saad nito na ng matapos sabihin ay itinapon sa kinalalagyan ni Remus ang napakabrutal na sinapit ng minamahal nitong kapatid.







Agad naglabas ng itim na usok si Remus na agarang inatake kay Agnes at ilang bampirang nakapalibot. Ngunit nasa kalagitnaan pa ito ng pag-atake ng may biglang umilaw ng pagkalakas-lakas ilang pulgada ang layo mula sa kanilang kinalalagyan. Nang mawala ang matinding ilaw ay isang karwahe ang nakatayo sa may gitna na may nakasakay na dalawang lalaki sa unahan na siyang nagsisilbing kutsero.









Nang bumukas ang maliit na pinto sa may likuran ay bumaba ang isang babaeng kagagaling lang sa tulog matapos makatulugan na ang matinding pag-iyak. Nang mapagtagpi-tagpi ang kaguluhan at bawat sulok na nakikita ay bumalik ang matinding takot at pangamba sa kanya.






"Odette." Mahinang saad ni Antonious ng makita ang babaeng nakatayo sa may hindi kalayuan na halatang naguguluhan sa nangyayari.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon