Kabanata 31

148 9 0
                                    

"Saan ko ho ito ilalagay, binibini?"

Nang marinig ang sinabi ni Rio ay agad kong itinuro ang sulok ng tanghalan. Kasalukuyan naming binabago ilang mga palamuti ng tanghalan. Agad kong pinunasan ang pawis na namumuo sa aking noo. Simula pa kaninang madaling-araw ay abala na ako sa pag-aayos ng bahay-aliwan para kahit papaano'y maiba naman sa paningin ng mga parokyano.




"Kung mamarapatin nyo binibini, bakit nyo ho ba naisipang maglagay ng palamuti sa bawat sulok ng bahay-aliwan?" Tanong ni Rio na kahit kanina pa ako tinutulungang maglagay ng palamuti ay nagtataka rin sa aking ginagawa.






"Hindi ko nga rin alam."





Naiwang nagtataka ang mukha ni Rio sa aking naging sagot. Nang makalabas ng bulwagan ay agad kong tinungo ang hagdan. Naabutan kong nakatingin si Ginoong Alfonso ng may nakakunot na noo sa buong sulok ng bahay-aliwan.






"Paglabas ko pa lang sa pinto, binibini ay nagdadalawang-isip na ako kung nasa bahay-aliwan pa ba ako o nasa isang mabulaklak na hardin. Anong nangyari?"






Agad na lamang akong natawa sa kanyang sinabi. Hindi ko rin alam ngunit nung mga nagdaang araw ay naisipan kong pabilhin ng mga bulaklak at mga damong gawa sa plastik si Rio sa pamilihan. At kaninang madaling-araw matapos magsialisan ang mga parokyano ay naisipan kong simulan ang pagkakabit ng mga bagong palamuti sa bahay-aliwan. Simula sa bawat sulok ng bahay-aliwan, hanggang umabot sa mga haligi, bintana, mga pintuan, kisame at hagdan.






"Ipagpaumanhin ho ninyo ngunit nagmumukhang hardin ang buong bahay-aliwan, binibini." Saad ni Giorgio na halatang hindi nagustuhan ang kanyang nakikita lalo na't ng papalapit pa ito'y nakakunot na ang kanyang noo.







"Tama ka sa sinabi mo Giorgio ngunit ano bang alam natin sa paningin ng isang babae. Isa pa, sa tingin ko'y may karapatan namang magpalit ng palamuti si Binibining Claudette lalo na't siya ang tagapangasiwa ng bahay-aliwan, hindi ba Giorgio?" Pangungumbinsi sa kanya ni Alfonso na agad ikinakunot ng aking noo ngunit agad ko ring pinalitan ng matatamis na ngiti.




Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Alfonso o may kailangan lang ito kaya pumanig sa akin ngunit kung ano man iyon ay wala siyang mahihita lalo na't hindi ko kailangan ng pahintulot ng kanino sa pag-aayos ng lugar na ito.







"Nga pala, kumusta na ang sugat mo sa tuhod?" Saad ni Alfonso na agad sinipat ang aking tuhod.









"Maayos-ayos na ginoo. Salamat."









Naglakad na paalis ang dalawa patungo sa bulwagan. Agad akong nakahinga ng maluwag ng tuluyan na itong makaalis. Kung paano ako nakabalik sa loob ng bahay-aliwan ng walang masyadong tanong tungkol sa aking galos at sugat ay hindi ko alam. Matapos ang nangyari nung nakaraang kabilugan ng buwan ay hindi na ako lumabas ulit ng sumunod na kabilugan ng buwan hanggang sa ngayon.










Nang makapasok sa aking silid ay agad kong hinubad ang aking damit at pumasok sa paliguan. Nang maibabad ang aking sarili sa tubig ay agad akong nakadama ng kaginhawaan. Sabay sa pagpikit sa aking mata ay ang pagbalik-tanaw ko sa mga nangyari. Hanggang sa hindi ko na namalayang tinangay na pala ako ng matinding antok.










Dahan-dahan akong nagising sa mga maliliit na halik sa aking labi. Nang imulat ang aking mata'y nakangiting mukha ni Antonious ang bumungad sa akin. Nakaupo lamang ito sa may gilid ng aking paliguan habang nakapantay ang tingin sa akin.






"Paano ka nakapasok?"







Natawa lang ito sa aking sagot at siniil ako ng halik. Nang hindi ko na namalayan ay nagawa na rin nitong maghubad at mababad sa tubig. Ilang linggo na ring kaming nagkikita ng patago. Hindi ko nga alam kung paano siya nakakalabas masok sa bahay-aliwan ng hindi namamalayan ng mga kawal. Kung ginagamit man niya ang kanyang majika'y hindi ko alam basta ang importante ay kapwa kami masaya kahit patago lamang.










Gamit ang aking daliri ay dahan-dahan kung dinala ang mga ito sa kanyang noo hanggang sa matangos na ilong hanggang sa kanyang mamula-mulang bibig. Napaka-payapa niyang panoorin habang natutulog sa aking tabi. Alam kong sa ganitong paraan ko lamang siya masisilayan dahil sa pagpatak ng gabi'y nasa piling na siya ng kanyang asawa. Hanggang sa hindi ko na namalayan ay tinangay na rin ako ng matinding antok sa ilalim ng kanyang mga bisig at init.







Nang magising ako'y wala na ito sa aking tabi. Agad kong hinawakan ang aking dibdib, masakit, nangungulila ngunit dahil pinili ko ito'y dapat na panindigan ko. Alam kong matatapos lang ito kung nagawa na niya ang dapat niyang gawin at sabay naming makakamtan ang kalayaan sa piling ng bawat isa.







Unang bumungad sa akin ang abalang mga mananayaw ng bulwagan, marami-rami na rin ang mga parokyano na nagsasaya at nag-iinuman. Agad kong tinungo ang kadalasan kong inuupuan sa kung saan nakahilera ang mga alak at bino ni Heros. Nang marating ang kanyang nilalagyan ay agad nitong ibinigay sa akin ang nakahandang bino na nakalagay na sa baso.










"Maayos na ho ba ang pakiramdam ninyo binibini? Sabi kasi ni Rio, matapos kayong maglagay ng palamuti kaninang madaling-araw ay nagkulong na ho kayo sa loob ng kwarto ng buong araw." Mahaba nitong salaysay na agad kong ikinatingin dito.










"Ahhh... masakit lang ang ulo ko kanina."










Agad akong nakaramdam ng ginhawa ng wala na itong masyadong tinanong. Hanggang sa sumapit ang hating-gabi ay nagsimula na ang mga pagtatanghal.








Hindi ko lubos maisip na nasanay na pala ako sa kalakalan ng bahay-aliwan. Mga inuman, mga mababastos na salita, mga mapang-akit na titig, mga hubad na katawan. Siguro ang kaibahan lang noon ay hindi ako nakakatingin sa mga babaeng mananayaw sa tuwing tinatanggal na nito ang mga maninipis na tela isa-isa.










Agad akong napatingin sa kasabay na pumasok ni Alfonso. Sa paraan ng paglibang nito sa kanyang panauhin ay sa tingin ko'y may mataas itong posisyon sa syudad. Nang mapadako ang tingin nito sa aking kinalalagyan ay ginawaran ko ito ng isang matamis na ngiti. Agad kong inilapag sa harap ni Heros ang nangangalahating bote ng bino.









"Heros, pakitago mo muna dyan. Magtatrabaho lang ako."

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon