Huling Kabanata

272 17 8
                                    

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay bumalik sa akin ang mga katagang sinabi ni Mattias. Kung kaya ba akong panindigan ng pagmamahal na pilit kong ipinaglalaban?
Siguro nga'y hindi. Siguro nga ay tama siya. Siguro nga'y mali ako. Mali ang naging umpisa kaya't mali rin ang magiging pagtatapos.



Sa may hindi kalayuan ay tanaw ko ang mukha ni Casius na nakangiti sa akin. Alam kong siya ang nagpabalik sa akin sa lugar na ito. Alam kong ang pagtakas ay hindi magiging solusyon sa pagharap sa katotohanan na pinilit kong ibinabaon sa limot.



"Ano na, Antonious!! MAMILI KA!!" Kasabay sa sigaw ni Remus ay ang mas pagdiin nito sa palaso na nasa aking balikat ngunit hindi na ako sumigaw kahit na umiyak ay hindi ko na nagawa. Siguro'y unti-unti na rin akong nasanay sa kung gaano kasakit mamuhay sa mundong ito. Nang tuluyan ng tumagos ang dulo ng palaso sa aking balikat ay alam kong napangiwi ang mga taong saksi sa hirap na aking pinagdaraanan. Pero ang nakakatawa ay wala na akong nararamdamang sakit sa lahat ng mga nangyayari sa akin. Tanging awa at lungkot para sa aking sarili, siguro'y iyon ang pinaka mas masakit.




Siguro nga'y ito ang totoong realidad sa mundo. Hangga't hindi ka nila kailangan kahit mamatay ka pa sa kanilang harapan ay wala silang maitutulong sa iyo maliban nalang sa manood, makisimpatya at maawa.


Nang hindi pa nakuntento si Remus ay naglabas ito ng matalim na punyal at ipwenisto ito sa may bandang puso. Siguro'y sa pagkakataong ito'y mamamatay na talaga ako ngunit ang lahat ng mangyayari ay nasa kamay ni Antonious, sa kung saan nito handang ipaglaban ang pag-ibig na sinasabi nitong walang hangganan.





"Ano na Antonious?" Saad ni Remus na halatang naiinip sa kung anong magiging desisyon nito. Ngunit ng hindi nito mamalayan ay agaran kong kinuha sa kanya ang punyal at mabilis na naghakbang ng ilang beses sa pinakagitna. Buong lakas kong inipon ang natitirang tiwala sa sarili para kusang ilagay sa bandang puso ang punyal na kanina lang ay hawak-hawak ni Remus.




"Ibaba mo iyan, Odette. Please!! Ibaba mo iyan! Mag-usap tayo!" Pagmamakaawa ni Antonious na sa tuwing pilit na lumalapit ay kusa kong idinidiin ang punyal na agaran nitong iniatras papalayo.


Abala man sa nangyayari sa aming dalawa ni Antonious ay batid ko ang usapan ng babae at ni Geoff na ini-engganyo ito na kunin mula sa akin ang punyal na nasa aking kamay.

"Huwag kang makialam, Geoff. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay napupunta sa iyo ang gusto mo. May mga bagay na kailangan mong talikuran hindi para sa iyo o para sa kanya ngunit para sa inyong dalawa."


Nang matapos ang usapan ng dalawa ay muling bumalik sa aking ang mga pagsusumamo ni Antonious habang si Ingrid nama'y nakahawak sa kanyang mga braso upang pigilan itong lumapit sa akin ngunit ni isang sulyap ay hindi nito magawang tumingin sa aking kinalalagyan.





"Sa huling pagkakataon Antonious? Sino ang pipiliin mo?" Hindi ko alam kung ako na lamang ba ang nakakarinig ng aking tanong dahil sa hina ng aking boses o sadyang napapagod na rin akong ipagpilitan ang aking sarili sa taong alam kong hindi ako ipaglalaban.





Siguro'y ang pinakamasakit na sagot ay ang ilang segundong katahimikan nito dahil alam kong hindi ako ang pinipili nito.

"Sana'y maging masaya ka, Antonious." Mahina kong saad ngunit tama lang para marinig nito ang matinding hinagpis.

Ngunit nang hindi na makayanan ang sakit ay agad akong natawa na alam kong ikinagulat nito at lahat ng nakatingin sa aming dalawa. Kasabay nito ay ang biglang pagtabong ng buwan sa araw na ikinadilim ng buong paligid. Lumakas ang hangin at umalog ang lupa na kanilang kinatatayuan maliban sa akin na alam kong ikinagulat nila kahit na ako.



"SA MUNDONG ISINUMPA NG PANAHON! AKO SI INGRID MARGARETTE NOVASCO SULLIVAN! ANG UNA AT HULING BABAE SA ANGKAN NG MGA NOVASCO!" Ang aking malakas na sigaw ang mas lalong nagpayanig ng buong syudad na sa tantya ko'y wala ni isang nagawang tumayo sa lakas ng pagkakayanig. Sa kalagitnaan nito'y ang paglabas ng isang malakas na liwanag na nanggaling sa mga ulap hanggang sa bumaba ito sa aking harapan na sa tingin ko'y si Amerah kasama ang isang magandang babae ngunit batid ko ang nakakatakot na titig nito na sa tingin ko'y ang dyosa ng panahon.


"Ipagpaumanhin mo kapatid ngunit wala ka nang maitutulong sa mundong ito. Wala rito ang bariles na sana'y alay sa iyo ng mga tao dito bilang proteksyon sa kanila mula sa akin." Mahinahon nitong saad ngunit batid kong may galit sa paraan nito ng pagkakasabi sa kapatid na ngayon ay agad lamang natawa at walang anu-ano'y ikinumpas ang kanyang kamay at ang pagyanig ng lupa ay agarang natigil. Mabilis na nagsitayuan ang mga nasa gilid ngunit alam ko ang takot nito sa babaeng nasa aking harapan kaya ay ni paghakbang ay hindi nila magawa at kabilang na doon si Antonious na halatang naguguluhan sa nangyayari.

"At dahil kakaiba ang iyong pamamaraan ng iyong pagsuko na malugod kong ikinakatuwa ay maaari bang malaman kung kaninong lahi ang nagdala sa iyo sa akin?" Saad ni Amerah bago lumapit sa aking kinalalagyan na agarang napatigil ng mapadako ang tingin nito sa aking sinapupunan at agad napatingin sa akin nang naguguluhan.




"Walang angkan o lahi ang naglahad sa akin sa iyong harapan, Amerah. Ako ang nagdala ng aking sarili sa iyo kaya't may isang kahilingan ko bago tuluyang mawala sa mundong ito."


Batid ko ang gulat sa mga mata nito ngunit agad itong napangiti sa aking sinabi at bahagyang napatango bilang pagpayag sa aking sinabi.



"Hayaan mong magpatuloy ang oras sa panahong ito at ni minsan ay huwag niyo na akong ibalik muli sa lugar na ito. Hayaan niyo akong lumutang sa kawalan malayo sa matinding sakit na dulot ng mundong mapagbintang ng kasalanang hindi naman akin." Matigas kong saad kay Amerah na agaran kong nakakitaan ng pagkunot ng noo sa aking sinabi.



"Bakit hindi mo hilinging, magpatuloy ang lahat sa dati na kasama ang iyong minamahal at ang nasa iyong sinapupunan?" Tanong nito na batid kong katulad ng mga nasa gilid nito'y naguguluhan sa aming pinagsasabi.




Agad nagtama ang aming tingin ni Antonious matapos ng naging tanong ni Amerah. Nang hindi namalayan ay kapwa kami umiiyak. Siguro nga'y kapwa kami nasasaktan at hindi dapat ito ang aming maramdaman pagkatapos marinig na magkakaroon kami ng supling. Sabay sa pagputol ng aming titig ay ang aking agarang pagpunas ng aking mga luha. Nang mapatingin sa kinalalagyan ni Amerah ay tahimik lamang itong napatango dahil alam kong kahit hindi ko man naihayag ang aking mga saloobin ay nababasa naman nito sa nakapaloob sa aking isipan.




Agad nitong ikumpas ang kanyang kamay patungo sa may kaliwang banda ng aking dibdib. Sa sobrang bilis ay nag-iwan lamang ito ng isang mabilis na kumpas ng hangin na ikinawagayway ng aking nakalugay na buhok sa ere. Walang nakapagsalita sa nangyari, ni ang aking pagkurap ay hindi ko nagawa. Sabay sa pagtusok nito ng punyal sa aking puso ay ang dahan-dahan kong pagtumba sa aking kinatatayuan.




Hanggang sa wala na akong nakikita kundi kadiliman at tanging mga hindi malinaw na ingay na nagmumula sa mga nagsisigawang tao ang naging musika sa aking pandinig. Dahan-dahan at paunti-unti akong tinangay ng matinding kadiliman, patungo sa kawalan, patungo sa lugar kung saan unti-unting nabubura lahat ng mga alaala, kahit ang mga alaalang nagpapasaya o nagdulot ng matinding hinagpis ay unti-unting nabubura sa pagpasok ko sa matinding kadiliman. Isang matinding kadiliman na alam kung ngayon ay sa pangmatagalan na.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon