"Maupo ho kayo."
Nang maupo na ang lehislador ay naupo na rin ako sa isang bakanteng upuan sa kanyang tapat.
"Bakit ho bawal pag-usapan ang pagkawala ng aking kaibigan?" Tanong ko sa lehislador ng mapansing seryoso na itong nakatingin sa mga papel na inilapag nito sa mesang nakapwesto malapit sa kanyang kinauupuan.
Ngunit hindi nito sinagot ang aking tanong bagkus ay inilahad nito sa aking harapan ang ilang papel na agad ko rin namang tinanggap. Nang isa-isa ko itong basahin ay bahagya akong nagulat sa aking nasaksihan. Laman ng papel ang ilang detalye ng mga nawawalang babae na mananayaw ng bahay aliwan.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng mapahinto ako sa isang pahina.
Adeliah "Delia" Muñez
Delia?
Nang ipagpatuloy ko ang aking pagbabasa ay napag-alaman kong siya ang mananayaw ng bahay-aliwan na natagpuang patay malapit sa may pamilihan.
"Siya lang ang nakitang bangkay sa lahat ng mga nawawalang mananayaw ng bahay-aliwan." Saad nito habang seryosong nakatingin sa akin.
Nang marinig ang kanyang sinabi ay biglang tumulo ang ilang butil ng luha sa aking mga mata. Kung totoo nga ang sinasabi ng lehislador, maaaring hindi na namin kailanman mahanap si Sara. Paano nalang si Nana Maria na hanggang ngayon ay inaasahan pa rin ang pagbabalik ni Remus?
"Sa tingin ko'y may kinalaman ang bahay aliwan sa mga nawawalang babae sa syudad." Saad nito.
"Bahay aliwan? Bakit naman itatago nito ang mga pangyayaring kagaya niyan? Hindi ba't ipinagbabawal ang pagtatago ng mga impormasyon lalo na't nakapaloob sa batas ng syudad na dapat alam ng tao ang kaganapan sa bawat gusali na nasasakupan nito?"
Nang marinig ang aking paliwanag ay bahagya lamang siyang natawa.
"Anong taon kaba ipinanganak at hindi mo alam na hindi lahat ng pamumuno ay perpekto?"
Agad akong natigilan sa kanyang sinabi. Totoo nga ang sinasabi ni Sara napasobra ang mga panahon na iginugol ko sa loob ng paggawaan na marami na ring bagay akong nakakaligtaan.
"Ngunit kailangan kong mahanap ang aking kaibigang si Sara. Napaka-imposible man ayon sa iyong salaysay ay kailangan ko pa ring magbakasakali. Siya nalang at si Nana Maria ang pamilyang kinakapitan ko sa panahon ng kagipitan. Kaya kailangan kong mahanap si Sara."
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang ginawa bago tumayo sabay ligpit sa kanyang mga papeles. Nang akmang aalis na siya palabas ng pagawaan ay agad kong hinawakan ang kanyang siko at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mabilis nag-unahan ang aking mga luha sa pagpatak dulot ng matinding paghihinagpis.
"Kayo lang ho ang alam kong maaaring tumulong sa akin. Wala na ho akong kakilalang mapag-kakatiwalaan sa paghahanap kay Sara."
Isang malalim na buntong-hininga ang naging sagot ng lehislador bago humarap sa aking puwesto.
"Maari kitang tulungan sa paghahanap sa iyong kaibigan, sa isang kondisyon."
Nang marinig ang kanyang sinabi ay agad akong nabuhayan ng loob.
"Ano ho ang maaari kong itulong sa iyo?"
"Maging espeya kita sa loob ng bahay-aliwan."
Agad akong natigilan sa mga salitang narinig mula sa kanya. Ako? Magtatrabaho sa bahay-aliwan?
"Bilang isang mananayaw ng bahay-aliwan? Iyon ho ba ang gusto ninyong sabihin?"
Ilang magkakasunod na tango ang naging sagot ko sa lahat ng mga namumuong tanong sa aking isipan. Nang mapansin ang aking pagdadalawang-isip ay agad siyang napatawa ng pilit bago tuluyang umalis sa paggawaan. Habang ako nama'y naiwang nakatulala at pilit na isiniksik sa aking isipan ang kanyang sinabi.
Nang sumapit na ang takipsilim na ay hindi pa rin ako nakakaalis ng paggawaan. Kung pumayag ba ako at iwan ang paggawaan ay mahahanap ko nga ba si Sara?
Nasa kalagitnaan na ako ng pagmumuni-muni ng biglang pumasok ang isang babaeng hinihingal. Nang tumayo ito'y agad kong nakilala ang babae. Isa siya sa mga kapitbahay nina Nana Maria.
"Odette, tumayo kana diyan at ang Nana Maria mo ay inatake sa puso."
Hindi pa naisasarado ang paggawaan ay mabilis kong tinakbo ang bahay ni Nana Maria. Naabutan kong isinasakay na si Nana sa isang kamilya ng pagamutan habang napapalibutan ng tao.
"Nana!"
Agad akong binigyan ng mga tao ng madadaan, nang makaraan ay agad akong lumapit sa kanyang kinahihigaan. Hanggang sa marating namin ang bahay-pagamutan ay hindi na muling tumugon si Nana sa aking mga tawag. Huli na nga ng marating namin ang bahay-pagamutan dahil walang ng buhay si Nana.
"Tulungan ho ninyo si Nana! Maawa ho kayo!" Sigaw ako ng sigaw ngunit lahat sila ay nakayuko lamang at walang imik.
"Ahhhhhhhhh...!"
Sa kauna-unahang beses nagalit ako, galit na galit. Isang matinding galit na ni minsan hindi ko naisip na kaya kung maramdaman sa buong buhay ko. Galit ako sa mga kumuha kay Sara. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko natulungan si Nana sa paghahanap kay Sara. Galit ako sa pagiging inosente ko sa kasamaan ng mundo.
"Odette? Odette Aguirre?"
Agad akong napabangon ng may maramdaman akong mahihinang tapik sa aking balikat. Bumungad sa akin ang mukha ng babaeng manggagamot na siyang tumulong kanina kay Nana Maria kahit huli na.
Ngunit ang ikinataka ko ay nakahiga ako sa isang kama sa loob ng bahay-pagamutan. "Ano hong ginagawa ko dito?"
"Nahimatay ka kanina iha habang umiiyak."
Nang sinabi niya iyon ay bigla kong naalala si Nana Maria. Tatayo na sana ako ng may humawak sa aking mga balikat at itinulak ako pabalik sa higaan. Nang maaninag ko ang lalaki ay agad napakunot ang aking noo.
"Magpahinga ka muna. Mamaya, sasamahan kita sa libing ng nanay mo." Saad nito habang nakaupo sa gilid ng kama ngunit hindi nakatuon ang kanyang tingin sa akin kundi sa librong kanyang binabasa.
Tahimik akong napahikbi habang iniisip si Nana Maria. Kung paano siya pumanaw dahil sa matinding kalungkutan. Kung paano ako ka walang kwenta bilang isang anak. Agad akong napatingin sa lalaking kanina pa nagbabasa sa may gilid.
"Papayag na ako sa gusto mo."
Agad nitong ibinaba ang kanyang binabasa sabay tingin sa akin ng may nakataas na kilay.
Isang malalim na buntong-hininga aking ginawa bago napatingin sa kisame. Alam kong simula sa araw na ito'y hindi na babalik sa dati ang lahat ngunit kung sa ganitong paraan ko mahanap si Sara at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Nana ay susugal ako. Kahit pa sariling buhay at kalayaan ay kaya kong itaya para sa pamilyang minsan ko ng naging sandigan sa dalawampu't isang taon.
"Papayag na akong maging mananayaw ng bahay-aliwan."
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...