Gamit ang maninipis na tela na nakabalot sa kanilang katawan at ang mga malalambot na inadayog ng kanilang bewang sa mapang-akit na saliw ng musika ay nagawa nilang mapanatiling ukupado ang bawat sulok ng bahay-aliwan.
Tahimik akong nakamasid sa mga kalalakihang hindi maputol ang malalagkit na tingin sa mga mananayaw ng bahay-aliwan.
Mga matang gahaman sa laman at kapusukan. Tahimik akong napabuntong-hininga sa aking naisip. Gusto ko mang ipagsigawan sa ilan na may mga anak at asawa silang naiwan sa kanilang mga tahanan habang walang kamuwang-muwang sa kanilang pinaggagawa ay wala akong karapatang maghimasok.
Habang tahimik na nakamasid sa paligid ay hindi ko naiwasang mapadako ang tingin sa bulto ng isang lalaking nakaupo sa pinakaunahan. Nasa pinaka-marangyang klase ng upuan habang tahimik na nakamasid sa babaeng sumasayaw sa kanyang harapan.
Antonious.
Hindi katulad noong mga nakaraang punta niya sa bahay-aliwan, mag-isa lamang siya at walang mga galamay na nakasunod sa bawat tapak ng kanyang paa ngunit ilang segundo lamang ay agad ko ring napatunayan na nagkakamali ako. Sa may hindi kalayuan ay pumasok si Mattias na nakatuon ang titig sa lalaking nakaupo sa may harapan.
"Binibining Claudette, may problema ho tayo sa isang mananayaw." Natatarantang saad ni Rio ng makalapit sa aking kinalalagyan.
May pagmamadali naming tinungo ang pinto palabas habang nakasunod rin ang iilang kawal na agad na sumunod sa aming dalawa ng mapansin ang pagkakabahala sa reaksyon ni Rio. Nang marating namin ang labasan ay bumungad sa amin ang naghihisterikal na mananayaw habang pilit na hinahatak palabas ng isang lalaking sa tingin ko'y hindi parokyano ng bahay-aliwan.
"Anong kaguluhan ito!"
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa paligid ng marinig ang aking sigaw. Kahit nga ako'y nagulat sa lakas ng aking tinig ngunit kailan kong ipakitang maaasahan ako sa mga bagay-bagay bilang tagapangasiwa ng mga mananayaw ng aliwan para makuha ang loob ng iilang mananayaw at ang tiwala ni Ginoong Alfonso.
Ngunit ang mga sumunod na eksena ay mas lalong nagpagulat sa akin, agarang lumuhod ang lalaki sa aming harapan habang nakayuko ang mga ulo at nakapatong ang dalawang palad nito sa mga hita. Mabilis na hinawakan naman ng mga kawal ang mananayaw na tinangkang tumakas matapos bitawan ng lalaki.
"Ipagpatawad ho ninyo ang aking kapangahasan binibini ngunit ang babaeng aking tinangkang itakas ay ina ng aking tatlong anak." Mahinang saad nito na mas lalong nagpatahimik sa paligid. Kahit ang panaka-nakang hikbi ng babae ay hindi ko na marinig dahil mas tumagos sa aking isipan ang pangungulila ng kanyang mga anak sa isang ina.
"Anong pangalan mo babae?" Agad nabaling ang aking atensyon sa babaeng sa kasalukuyan ay nahimasmasan na at tahimik na nakatayo lamang sa gilid ng kawal.
"Angela Eñores ho, Binibini." Mahina nitong saad.
Ilang segundo lang ay patakbong tinungo ni Rio ang aking kinalalagyan dala ang paniklop na ibinigay ni Giorgio noong nakaraang araw. Nang marating ang aking kinalalagyan ay agad nitong binigay sa aking nakalahad na palad ang paniklop na agad ko ring tahimik na binasa. Nang mapadako ang aking tingin sa kanyang personal na pagkakakilanlan ay agad napakunot ang aking noo.
"Bakit ang sabi mo'y wala kang asawa't anak dito, Angela Eñores?"
Agad napaiyak ang babae sa aking tanong bago tahimik na tinitigan ang lalaking hanggang ngayon ay nakayuko at nakaluhod pa rin sa aming harapan.
"Ipagpatawad ho ninyo binibini ngunit sa kasamaang-palad ay ang lalaking nagsasabing aking asawa ay siya mismong nagpasok sa akin sa bahay-aliwan. Hindi ho ako sang-ayon ngunit dahil sa kanyang mga bisyo at ka walang hanapbuhay ay ipinasok ho niya ako sa bahay-aliwan ng lingid sa aking kaalaman!" Pasigaw na saad ng babae habang dinuduro ang lalaking tahimik na umiiyak habang nakatitig sa kanyang mga nakakuyom na mga kamao.
Pilit kong tinitimbang kong sino ba talaga ang may sala. Si Angela na iniwan ang kanyang mga anak para magtrabaho sa bahay-aliwan o ang kanyang asawa na nagpasok sa kanya sa bahay-aliwan ng lingid sa kanyang kaalaman?
Ngunit kahit na alam kong mas malaki ang kasalanan ng kanyang asawa'y kailangan kong pumanig sa kong ano ang dapat panigan ng isang tagapangasiwa lalo na't may mga mata at tengang nag-aabang sa aking kapalpakan para matanggal ako sa aking katungkulan.
"Sa tingin ko lalaki ay wala ka ng karapatang pumasok pa sa buhay ni Angela lalo na't ikaw mismo ang nagpaalis sa kanya sa tahanang inyong binuo." Madiin kong saad sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.
Nang marinig ang aking saloobin sa sitwasyon ay agad itong napatayo at akmang hahawakan si Angela ngunit mabilis na naharang ng mga kawal.
"Ngunit may mga anak kami na nangangailangan ng kanyang kilinga?" May halong diin at pasigaw na saad ng lalaki na agad ikinaalerto ng mga kawal na kanina pa nakamasid sa bawat sulok.
"Sa tingin ko'y iyon sana ang dapat mong inisip bago mo ipinasok ang iyong walang kamuwang-muwang na asawa sa bahay-aliwan para maging gatasan ng iyong mga bisyo. Baka nakakalimutan mong walang kinikilalang asawa ang mga nagtatrabaho sa bahay-aliwan kaya wala silang pananagutan sa kong sino kung sakaling sumama man sila sa kanilang mga parokyano." Mahinahon ngunit madiin na saad ko sa lalaki na ngayon ay kitang-kita na ang galit nito matapos marinig ang aking mga sinabi.
"Ngunit may mga anak kami!" Walang sawang pagpipilit nito na agad ko nalang ikina-iling.
"Huwag kang mag-aalala at may uutusan ako para magtungo sa inyo, bukas na bukas para magbigay ayuda sa pangangailangan ng mga bata. Walumpung porsyento ng kita ng asawa mo'y mapupunta sa iyo at inyong mga pangangailangan mag-anak. Ang mga bata'y linggo-linggong bibisitahin ng taga bahay-aliwan kung sakaling napatunayan na sa kung saan mo lang ginagasta ang pera'y maaaring kunin ang pangangalaga ng mga bata mula sayo." Mahaba kong salaysay na ikinatahimik ng lalaki.
"Sige ho binibini, kesa naman ho wala kaming makuha mag-anak sa kanyang mga pagpapasarap dito sa bahay-aliwan." Walang pagpipigil na saad nito na ikinasakit ng aking ulo.
Isang nakakalokong ngiti ang bahagyang nagpa-init ng aking dugo kaya ay hindi ko na napigilan ang aking sariling hawakan siya sa leeg na alam kong ikinagulat ng aking mga kasama. Damang-dama ko ang ilang butil ng likido na dumadaloy sa aking mga kuko lalo na't matataas ang aking mga kuko at madiin ang aking pagkakahawak sa kanyang leeg.
"Sa isang kondisyon, huwag na huwag ko ng makita ang pagmumukha mo dito sa bahay-aliwan at pagnangyari iyon matapos ng usapang ito ay baka hindi mo magustuhan ang maaaring kahihinatnan ng susunod nating pagkikita, maliwanag?"
Ilang magkakasunod na tango ang aking natanggap mula sa kanya bago ko siya pabalyang itinulak sa sahig na ikinasalampak nito sa may paanan ng isang kawal. Patakbo nitong tinungo ang pintuan ng bahay-aliwan na hindi ni minsan lumingon pabalik.
"Bumalik na kayo sa bulwagan." Mahinahon kung saad bago mabilis na tinungo ang daan pababa ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FantasyOdette Aguire who lived half her life in the four corners of her shoe factory did not know the world outside her vicinity. She only knew how to live her life in daily basis and did not once wonder an enchanted world outside. Hanggang sa biglang nagl...