Kabanata 16

178 14 0
                                    

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago muling tahimik na tinatanaw ang gasuklay na buwan. Hindi ko lubos maisip kong kailan pa ako naging ganoon ka baloyenteng tao. Hindi ko man pinagsisihan ang paraan ng pagtrato sa lalaki'y alam ko namang maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa mga susunod pa na kaganapan sa bahay-aliwan.




Ito na siguro ang klase ng buhay na sinasabi ni Sara. Isang klase ng buhay na hindi ko minsan nakasalamuha sa loob ng paggawaan, na ni minsan hindi ko pinangarap, ang buhay na kasing gulo kagaya nito. Buhay na kaya mong abutin ang lahat ng iyong kagustuhan ngunit kailangan mong magtapang-tapangan para manatili sa tuktok. Isang paraan ng pamumuhay na kailangan kung gampanan kahit pa ang kaakibat nito'y pagtalikod ko sa aking kaligayahan.






Dis-oras na ng gabi ngunit buhay na buhay pa rin ang bahay-aliwan. Maraming nagkakasiyahan kahit sa labas ng mismong bulwagan. May mga babaeng nakalingkis na sa bewang ng iilang lalaki na sa tingin ko'y wala na rin sa saktong pag-iisip. Ng mapadako ang aking mata sa aking mga palad ay bahagya akong nagulat sa aking mga nakita. May iilang mantsa ng dugo na nananalantay sa aking mga palad. Siguro nga'y napasobra ang aking pagpapanggap kanina.








Mabilis kong tinungo ang isang gripo sa may gilid ng iilang bulaklak na nagsisilbing daluyan ng tubig sa tuwing nagdidilig ng mga halaman. Tahimik kong kinukusot ang aking mga kamay ng biglang lumamig ang ihip ng hangin.







"Sa tingin ko ay hindi nga ikaw ang babaeng nakilala ko minsan."




Napatigil ako sa aking ginagawa ng biglang may nagsalita sa aking likuran. Sa boses pa lamang ay alam kong si Antonious ito. Kinakabahan man ngunit hindi ako nagpakita ng ganoong klase ng emosyon na maaaring maging mitsa ng aking kapahamakan.







"Babae?"





Isang nakakalokong ngisi ang aking iginawad sa kanya ng matapos na ang aking paghuhugas ng kamay at mapadako ang aking titig sa lalaking sanhi ng aking matinding kaba.





"Isang babae na sa tingin ko ay hindi si Ingrid Sullivan, tama ba?"





Isang tango lang ang kanyang isinagot bago ko siya iwan sa kanyang kinatatayuan at bumalik sa aking pagkakaupo sa silya na nasa gitna ng hardin. Ilang hakbang lang ay nakaupo na rin ang lalaki sa silyang nasa aking harapan habang walang salitang nakatitig sa akin na nagpaasiwa sa aking kinauupuan.





"Sa tingin ko ay namamalikmata lang ho kayo, senyor." Mahina kung saad na sa tingin ko ay tama lang para marinig naming dalawa.









"Hindi ko nga alam kong bakit pa kailangang magpanggap ng babaeng iyon sa lahat ng tao."








Agad sumikip ang aking dibdib sa kanyang sinabi. Sa paraan ng pananamit, sa mga kolorete sa mukha, sa kilos, pananalita. Alam kong malayong- malayo na ito sa dating Odette ngunit bakit sa tono ng kanyang pananalita'y sigurado siyang nababalakat-kayo lamang ako bilang ibang tao.







"Ipagpaumanhin ho ninyo ngunit hindi ko ho kayo maintindihan, senyor."










Isang pagak na tawa lang ang kanyang isinagot bago tahimik na inilapag sa aking harapan ang isang kayumangging tapis na aking ginagawang pamatong sa aking kasuotan tuwing gumagawa ng sapatos na agad nagpabalik sa aking memorya at walang pasabing nagpakabog sa aking dibdib. Gustuhin ko mang kunin ito at yakapin dahil sa matinding pangungulila sa buhay na aking minimithi ay pinilit kong pigilin ang sarili.








"Ipagpaumahin ho ninyo, senyor ngunit napakamumurahin ho ng kasuotang iyan." May halong pandidiri na saad ko habang hindi halos idinidikit ang aking mga kamay sa tapis.










Agad naman itong napailing at mahinang menamasahe ang kanyang sentido na parang may masakit sa parteng iyon. Agad akong nag-isip ng dahilan para maiwasan ang kanyang mga karagdagang tanong at kanyang mga titig.








"Sa tingin ko ay kailangan ninyo ng magmamasahe sa inyo, senyor. Huwag kayong mag-aalala at ipapadala ko rito ang pinakamagaling sa larangan pagmamasahe, teka lang ho."









Akmang aalis na sana ako ng mahagilap nito ang aking mga kamay na agad kong ikinalingon dito. Gamit ang kanyang mga maiinit na palad na nakahawak sa aking palapulsuhan ay tahimik nitong iginaya ang aking mga kamay sa kanyang sentido at nang makalapat ang aking dalawang kamay ay saka nito binitawan at ipinikit ang kanyang mga mata.









"Ngunit wala ho akong alam sa pagmamasahe...."









Hindi na ko na naipagpatuloy ang aking sasabihin dahil payapa na itong nakapikit habang naghihintay sa pagdiin ng aking mga kamay.









Sana hindi ka nalang nag-isip ng masahe, masahe na iyan, Odette! Nako! Agad akong napailing sa aking iniisip. Siguro kong may mapadpad man sa dako na ito'y wala naman sigurong mag-iisip ng masama lalo na't wala naman kaming ginagawang masama, tama?










"Huwag kang mag-alala, walang makakakita sa atin." Pagsisiguro nito at muling bumalik sa pagpikit.








Ilang minuto na ang lumipas ay pabagal ng pabagal ang kanyang paghinga na sa tingin ko ay tinangay na ito ng antok. Hindi ko alam kong bakit nito nagustuhan ang aking masahe na sa pagkakaalala ko'y araw-araw na inirereklamo ni Sara tuwing maisipan nitong magpamasahe dahil daw masakit daw ang paraan ng pagdidiin ng aking mga kamay sa kanyang balat.










Tahimik kong tinungo ang aking silid at doon ay naghanap ng karagdagang unan at kumot sa kabinet ngunit ng walang mahanap ay dinala ko nalang ang sariling kumot at unan pababa ng hardin para kahit papaano'y hindi sasakit ang katawan nito pag inumaga sa upuan kung sakali. Mabuti nalang at wala nang tao sa paligid dahil siguro'y nasa kanya-kanya na itong silid o di kaya'y bumalik sa bulwagan kaya ay nagkaroon ako ng pagkakataong maipuslit ang kumot at unan ng walang tanong.









Nang marating ang hardin ay agad akong natigilan ng wala na ito sa kanyang kinalalagyan kanina bagkus ay walang ni kahit anong bakas na makapagsasabing may tao dito kanina.










"Odette Aguirre."










Agad akong napalingon ng may biglang tumawag sa aking pangalan ngunit huli na ng mapagtanto ko ang maling nagawa. Mabuti nalang at mukha ni Mattias ang bulto ng lalaki na lumabas mula sa may isang sulok ng hardin may nakataas na kilay at bakas sa kanyang pagkagat-labi ang pinipigilang tawa habang nakatingin sa unan at kumot na nasa aking kamay.











"At saan mo planong matulog, Claudette?"

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon