Chapter 2

2.6K 104 8
                                    

"Bakit ngayon ka lang?" istrikto bungad ni Phillip sa nakakabatang kapatid na si Paula,ang anak ng pangalawang asawa ng kanyang ama.

Pabulong ito napamura habang dahan-dahan ito tumitingkayad paakyat sa pangalawang bahay nila at nasa puno naman siya ng hagdanan nakahalukipkip at nakatunghay sa stepsister niya.

"Good evening,Kuya..gising ka pa pala?" painosente nitong tugon ng makabawi mula sa pagkagulat.

"Kanina ka pa hinihintay ni Tita Joana..sinabi ko ako na lang ang maghihintay sayo,"istrikto pa rin ang boses niyang turan rito.

Agad na malambing na yumakap ito sa braso niya. "Kuya,love mo naman ako hindi ba kahit hindi tayo magkadugo? Baka naman pwedeng sabihin mo kay mommy na alas dies ako umuwi," pacute nitong sabi.

Pasado ala una na ng madaling araw at alam niya kung saan ito lagi nagpupunta kapag nasa ganun oras ang uwi nito.

"Please?" pagmamakaawa nito na sinamahan pa ng pagsalikop ng mga palad.

"This is the last chance na pagtatakpan kita,Paula," aniya.

"Talaga?! Yehey,da best ka talaga Kuya!" tuwang-tuwa nito saad pero agad din natigilan.

"Pero bakit parang may ibang meaning yung sinabi mo?"

Hinarap niya ito at seryoso ang anyo.

"Lilipat na ko ng bahay," aniya.

Bigla nalungkot ang anyo nito. "Hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo nagkakaayos ni Tito Gary? Bakit kailangan pang umalis ka?"

"I have to and this is not all about what happen to between me and dad," paliwanag niya rito.

Malungkot na napabuntong-hininga ito. "Paano na ko? Kapag umalis ka baka hindi na ko makapunta sa mga concert ni Arsha!"

Napabuga siya ng hangin. Kinababaliwan nito ang singer na yun kung kaya madalas ito napapagalitan at minsan pa umaabot sa punto na lumiliban ito sa klase kung kaya hindi niya maintindihan kung ano nakita nito sa singer na yun?

Yes,Arsha Jade is a good singer and yet beautiful pero...para sa kanya ginagamit lang nito ang charming na meron ito para kabaliwan ng lahat!

But not him,anyway!

Napukaw siya ng yakapin siya nito. "Isama mo na lang ako,kuya. Malulungkot na naman ako kasi wala na naman ako kasama dito maliban kina mommy at Tito," naiiyak na nitong saad.

"Pwede mo naman ako puntahan,tawagan mo lang ako para sunduin ka,"alo niya rito.

Buo na ang desisyon niya na humiwalay ng tirahan. Mamimiss rin naman niya ang bahay na kinalakhan niya at mga alaala noong nabubuhay pa ang kanyang ina pero..nawawalan na rin siya ng kalayaan.

Kalayaan kung sino ang dapat niya pakasalan na palagi ginigiit ng kanyang ama.

He respect and love his father pero may hangganan din naman kung pati ang pagdidesisyon niya sa buhay ay kokontrolin ng kanyang ama.

Hindi siya makakapayag roon.

Sapat na hinayaan niya ito sundin ang kagustuhan nitong mamahala sa kompanya nila kaysa sa sariling kagustuhan niya na maging isang photographer.

Nagagamit pa naman niya ang skills niyang iyun kahit hindi siya nagtake ng course niyun mas binigyan niya ng pansin ang pag-aaral tungkol sa negosyo.

But now,matanda na siya at may sarili naman pag-iisip. Hindi na saklaw ng ama ang pagpipilit nito magpakasal sa babae na hindi naman niya mahal.

Hihintayin niya ang pagtatagpo nila ng babaeng bubuo sa pagkatao niya na hindi pinapakielaman ng iba.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon