Kitang-kita ni Phillip ang excitement at kasiyahan ng pamilya niya sa pagpapakasal nila ni Arsha at ngayon nga habang nag-aalmusal sila ay mismo madrasta ang personal na mag-aasikaso sa magiging gown ng kasintahan.
Natapos ang umagahan iyun at nakapagsolo na sila sa may Hardin dahil may mga pasok ang mga ito at sila na lamang ang naiwan sa bahay.
"Are you sure na gusto mo si Tita ang mamili ng designer para sa gown mo?"
"Why not? Nakakatuwa nga si Tita kasi mas excited pa siya sakin eh!" natatawa nitong sabi.
Hinapit niya ang dalaga upang makasandig ito sa kanya. Suminghap siya sa mabango nitong buhok.
"Saan mo gusto tumira?"
Natigilan ang kasintahan. Alam niya na kailangan nilang pag-usapan ang bagay na yun.
Dahan-dahan na nilingon siya ng dalaga. Kahit sya hindi pa niya alam ang magiging sagot. Nahahati ang isip niya. Kung sasama siya rito paano ang mga magulang niya. Si Paula. Ang mga fans ng kasintahan? Marami sila maiiwanan.
Pero...alam niya marami na rin sinakripisyo ang dalaga para lang sa kanya. Iniwan nito ang mundo para sa kanya. Hindi ba dapat siya naman ngayon ang magsakripisyo?
"Ayokong iwan mo ang mga tao nagmamahal sayo,si Tita,si Tito at si Paula," pukaw nito sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi nito. "What do you mean?"
"Nakapagdesisyon na ko na dito sa mundo mo tayo mamumuhay ng masaya!"
Napaawang ang mga labi niya. "P-pero...p-paano ang mundo mo? Your parents?"
"Maiintindihan nila dahiL iyun ang choice ng prinsesa nila...na makasama ang mate niya sa mundo nito," nakangiti tugon nito.
Napailing siya. Dismayado para sa sarili niya.
"Pero..gusto ko naman, ako naman ang magsakrispisyo satin dalawa,Arsha," aniya at mahigpit na niyakap ang dalaga.
"Hindi na kailangan,mahal kong prinsipe..ipangako mo na lang sakin na mamahalin at aalagaan mo kami ng magiging anak natin," tugon nito.
Napahigpit ang yakap niya muli rito. "Isa ako walang kwenta prinsipe..pakiramdam ko ang hina-hina ko,Ikaw na lang nagsasaksripisyo satin dalawa," dismayado niyang saad.
Pabirong tinapik nito ang braso niya. "Tumigil ka! hindi yan totoo...ang mahalaga ang pagmamahalan natin hindi usapin dito ang sakripisyo na gusto mo gawin. Sakripisyo na ang pagtanggap mo sa tunay kong pagkatao at makasama ako habam-buhay,Phillip...at ganito kami magmahal mga tulad namin lobo,okay?" madamdamin nitong sabi.
Ikinulong niya sa pagitan ng mga palad niya ang mukha nito at pinakatitigan ang pinakamagandang babae na nakita at tinitibok ng puso niya.
"I promise...I will love you and our children hanggang sa huling hininga ko,prinsesa ko," masuyo niyang saad.
Matamis na nginitian siya ng dalaga. "Yan ang gusto ko marinig,thank you and I love you so much,my prince!"
Sinalubong niya agad ang paglapat ng mga labi nito sa kanya.
Ang pinakamatamis na halik na natikman niya sa habam-buhay.
"I love you so much,my naughty princess.."
Natawa ito at muling hinalikan siya nito.
Napakaswerte niya dahil itinakda sa kanya ang katulad nito na isang napakapambihirang babae sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
WerewolfPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...