"Is that true? Is cheating you?" pukaw sa kanya ni Kristine. Pinuntahan siya nito sa opisina niya at pinakita sa kanya ang kumakalat na larawan ng kasintahan na may kayakap itong lalaki.
Nanatili nakatitig ang mga mata niya sa screen ng ipad ng babae. Hindi pa niya malalaman ang tungkol dun kung hindi nito pinakita sa kanya iyun dahiL inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho. Mahigit isang Linggo na hindi sila nagkikita ng kasintahan pagkatapos may ganito na...?
Paano na niya iintindihin ang bagay na ito? Ano ba kailangan niya maunawaan ngayon sa sitwasyon nila ng dalaga? Kung may kayakap na itong iba ibig bang sabihin wala na sila?
Hindi ba ito magpapaliwanag sa kanya?
Naikuyom niya ang mga palad. Binigyan niya ito ng time pero...bakit ganito?
"Well,she's artist ..hindi talaga maiiwasan na may ibang malink sa isang tulad niya,"komento nito.
Malamig ang mga mata na tinitigan niya ang babae. Hindi niya nakakalimutan ang kasalanan nito sa kanila.
Matamis na nginitian siya nito. " Dapat mag-explain siya sayo mukha kasi two timer ang Arsha yun,"anito.
"You don't know her,Kristine..kaya Huwag ka magsasalita sa kanya ng ganyan," malamig at mariin niyang sabi na kinatigagal ng dalaga.
"B-but...It has a proof. Kita muna yan hindi ba?" tukoy nito sa larawan.
Nanatili matigas at malamig ang anyo. "Sa kanya lang ako maniniwala kung ano ang totoo sa isyung yan,Kristine.."
Hindi nakakibo ang babae. Awang ang mga labi nito.
"I'm still mad at you what have you done to Arsha," mariin niyang saad.
Namutla ang dalaga.
"You can leave now,"saad niya na puno ng pinalidad.
"Uh,Sir Phillip..may naghahanap po sa inyo pero wala po siya appointment sa inyo," pagdungaw ng sekretarya niya sa pintuan ng buksan nito iyun.
Napabuga siya ng hangin. Sinulyapan niya ang natameme dalaga.
"Sino?"
"Uh,Ariel Urillio daw po pangalan niya?"
Napakunot siya ng nuo. Hindi niya kilala iyun.
"I don't know him.."
Bumukas ang pintuan at tila Hari na pumasok na lang basta ang isang lalaki. Matangkad ito at hindi nalalayo ang edad sa kanya.
Sinulyapan niya ang naunang bisita at pamartsa na lumabas ng opisina niya. Sinundan iyun ng tingin ng bagong tingin.
"Iwan mo na kami," untag niya sa sekretarya na nabigla sa ginawa ng lalaki.
Inilibot nito ang mga mata sa kabuoan ng silid niya.
"Do I know you?" untag niya rito habang tinatantiya niya ang bawat kilos nito.
Huminto ang mga mata nito sa kanya. Those eyes looks so familiar to him.
"Phillip Helmer,Arsha's boyfriend," saad nito.
Nangunot lalo ang nuo niya.
"Who are you?"
Ngumisi ito at humalukipkip. Mariin na pinagmamasdan siya.
"Ako yung kayakap ng girlfriend mo sa larawan na kumakalat ngayon," anito.
Natigilan siya sa sinabi nito.
What the hell?!
Napatiimbagang siya. "What do you want?" seryoso niyang tanong rito.
Nanatiling cool lang ang inaakto nito. Hindi man lang nababahala sa pinapakita niyang intimidasyon rito.
"Kung ayaw mo sagutin ang tanong ko makakaalis ka na. Wala akong oras sa taong hindi ko naman kilala," mariin niyang sabi rito.
Naaasar na siya sa inaakto nito na parang manghuhula siya na malalaman niya agad kung ano ang iniisip nito!
Lalapit na sana siya sa pintuan ng bigla naman iyun bumukas.
Natigilan siya ng makita ang kasintahan.
"Ama..."
Lalo lang siya natigilan sa narinig niyang iyun.
Ama?
Nilingon niya ang lalaki na nanatiling nakangisi.
"Paano mo nalaman pupunta ako rito,mahal kong anak?"
Marahas siyang napalingon sa kasintahan.
"A-ano ba pinagsasabi niyo?"gulantang niyang usal.
" Ahm,Can we talk?"
"Oo...we need to talk," mabilis at mariin niyang tugon agad sa dalaga.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
WerewolfPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...