Chapter 21

2.9K 109 6
                                    

Natawa ng mahina si Prinsesa Arsha ng makita ang hindi makapaniwalang reaksyon ni Pihllip habang nakamaang na nakatanaw sa lugar kung saan maraming tao at may mga iba't-ibang klaseng rides.

Ito ang nagmaneho pero itinuro niya rito ang lokasyon na pinagtataka nito dahil kahit papaano alam nito kung saan may mga pasyalan na ayon sa gusto niya.

Ang tinatawag nilang Perya. Ang pangmasang pasyalan na aktibo tuwing sasapit ang gabi. Natagpuan niya ang lugar na iyun sa tuwing nag-aanyong lobo siya para magpalipas ng oras.

"So..?"

Saka lang natauhan ang binata at bumaling ito sa kanya. "Seryoso ka na dito ang gusto mo mamasyal?"

"Date.." pagtatama niya rito.

Napakurap-kurap ito sa sinabi niya.

"Bakit? Ayaw mo ba?"nilakipan niya ng may pagtatampo.

" No..I mean..I'm just..nagulat lang ako dahil sa estado na meron ka bakit dito pa sa lugar na ito gusto mong mamasyal.."may pagkamangha tanong nito.

Nagkibit siya ng balikat. "Mababaw lang ang kasiyahan ko..masaya na ko sa simpleng bagay lang gaya na lang ganitong lugar! Mas enjoyable sa ganito kaysa dun sa mamahalin," aniya.

Tinitigan siya ng mariin ng binata at maya-maya ay napailing.

"I know you are very humble but..I didn't know na madali ka rin pala pasiyahin,"usal nito.

Ba yan..kikiligin na ba ko?

"Eh ikaw lang naman ang wala bilib sakin eh!" tudyo niya rito.

Nalukot ang matangos nitong ilong na kinatawa niya.

"Let's go there na!" Pag-aya na niya rito.

Bago pa man siya makahakbang pinigilan siya nito sa siko at napaharap siya rito.

"Nakalimutan mo kilala ka ng lahat kahit hindi mo tagahanga," anito sabay suot nito ng kulay itim na sumbrero sa ulo niya.

Oo nga naman..pero sweet.

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa pisngi niya.

"There you go..just keep low your head para hindi makaagaw ng pansin yung mukha mo," anito.

"Hmm..kasi kaakit-akit ang mukha ko?"

"Tsk,"panunuplado nito na kinatawa niya.

Walang hiya-hiya na inabot niya ang kamay nito na kinabaling nito sa kanya.

" We're couple,right? Date natin ito kaya dapat holding hands tayo while walking!"Aniya sabay kindat rito at hinila na ang binata na nakatitig lang sa kanya.

Ako nahihiya sa da moves mo,prinsesa!

Natutuwa naman si Prinsesa Arsha dahil nag enjoy ang binata gaya niya. Lahat sinakyan nila pati na rin mga games sinubukan nila kaya ngayon may kipkipkip siyang kulay green na crocodile na napalunan ng binata sa isang games.

Naiwan siya saglit dahil nagpaalam na gagamit ng banyo ang binata kaya naman inabala niya ang sarili sa patingin-tingin sa paligid. Iilan na lang ang mga tao dahil malalim na ang gabi kaya hindi na ganun kaabala ang paligid.

Napalingon siya ng makarinig siya ng pag-meow ng isang pusa.

Cute...pero mas cute naman ako dyan.

Napailing siya sa sinabi ng wolf niya. Pinagmamasdan niya ito habang abala ang pusa sa pagkain nito pero ganun na lang kabilis ang pangyayari ng mababagsakan ito ng isang poste.

Bago pa man tuluyan tamaan niyun ang pusa dinampot niya ang pusa pero nahagip siya ng poste.

Gumuhit ang sugat sa may braso niya pero hindi niya iyun ininda.

"There..you're safe now,"pagbaba niya mula sa pagbuhat niya sa pusa.

" Arsha,"pagtawag sa kanya ng binata.

May ngiti sa mga labi na nilingon niya ito.

Titig na titig ito sa kanya at saglit na sumulyap sa braso niya na binalewala naman niya.

Hawak nito ang crocodile stuff toys.

"Nabitawan ko kasi nacute-tan ako dun sa pusa," aniya.

Tumango ito pero nanatili mariin ang titig sa kanya.

Kinakabahan na ko sa titig niya ha..

"Let's go..malalim na ang gabi," pag-aya na nito sa kanya.

"Okay po!"

May kakaiba sa tingin niya ha. Baka nakita niya tayo kanina!?

Nakita man niya,mainam na din para unti-unting niya tayo makilala.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon