Wala sa sarili si Phillip na nilingon niya ang kabilang bahay. Patay ang ilaw. Napabuga siya ng hangin. Bakit ba ginugulo ng babaeng iyun ang isip niya?
Huwag mo din ako kalimutan,aniya ng puso niya.
Shit.
Natigilan siya ng bigla bumukas ang pintuan ng bahay niya.
"Paula?"
"Hi,Kuya!" masaya nitong bati sa kanya sabay halik sa pisngi niya at kumapit sa braso niya.
"Paano ka nakapasok sa loob? Kanina ka pa ba dito?"
Nakangisi na tiningala siya nito at pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"Yung susi mo nasa ilalim ng paso,di ba?"
"How did you know that?"
"Kay Ate Jade," mabilis nitong tugon na agad na kinakunot ng nuo niya.
"Who's Jade?"
"Kapitbahay mo,Kuya! Ikaw ha,di mo sinabi sakin na may maganda ka pala kapitbahay kaya siguro gusto mo lumipat dito!" nanunudyo nitong sabi.
"Anong pinagsasabi mo? I don't know her,Paula, And why do I care to tell you about her?" panunungit niya rito at humakbang na papasok ng bahay niya.
Her name is Jade.
"Ang sunget mo naman kapitbahay!"
Naiinis na hinarap niya ito. "Nagpaalam ka ba sa bahay?"
Napangiwi ito. "Hindi.."
Napahilot siya sa sintido niya.
"Dito na ko matulog,Kuya,please?" pagmamakaawa effect pa nitong sabi.
Dinukot niya ang celpon sa bulsa na suot niyang itim na slacks.
"I call your mom that you here," aniya.
"Yehey! Doon muna ko sa kabila ah!"
"What? Wait!" agad na pigil niya rito.
"Anong sa kabila?"
"Sabi ni Ate Jade,pwede ako pumasok sa bahay niya. Binigyan niya sakin yung duplicate keys niya sakin !" anito sabay wagayway ng susi sa harapan niya.
Maang na napatitig siya rito. "Ano naman ang gagawin mo dun?"
"Titingnan ko lang mga gifts sa kanya ng mga fans niya! Saka baka nandun sakin eh!" anito sabay mabilis na lumabas ng bahay ang dalaga.
Hindi makapaniwala tinanaw na lang niya ito sa bintana kung saan kita ang pagpasok ni Paula sa kabilang bahay.
"Ngayon lang sila nagkakilala pero pinagkatiwala na niya agad ang bahay sa iba? Wala ba siyang pakielam sa safety niya?" anas niya.
Nang makapagpalit na siya ng damit pinuntahan na niya si Paula sa kabilang bahay. Kalahating oras na ito roon. Nawili ang bata sa hindi naman nito pag-aaari!
Tinulak niya pabukas ang pintuan. Bukas ang ilaw at agad na sumalubong sa kanya ang isang drums set.
He knew..that girl,ah,Jade know how to play that kind of instrument.
May kung ano paghanga siya naramdaman sa kaalaman iyun. Iilan lang ang babae na marunong sa ganun isntrumento.
Yeah ,She's very familiar,her face..but not their eyes.
May kakambal kaya ang Arsha Jade na yun?
Agad na natigilan siya. Jade?
"Good evening," pukaw sa kanya ng boses na yun na agad na kinapihit niya sa pinagmulan ng boses na iyun.
Agad na tumambol ang puso niya ng makita ang babae na nakangiti.
Napatitig siya sa mga mata nito. Her green eyes.
"NakatuLog si Paula,nasa kwarto ko," anito na kinabalik niya sa sarili.
Tumikhim siya. "Pasensya na...kung pumasok ako,susunduin ko sana siya," aniya.
Tumango ito at humakbang palapit sa kanya. Lalo kumabog ang dibdib niya. Sinundan ng mga mata niya ang paggalaw nito.
Simpleng T-shirt at pantalon ang suot nito pero tila isa itong modelo dahil kahit simple kitang-kita na magaling ito magdala ng kasuotan. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na medyo messy pero...damn,she looks so sexy and...seductive.
Napalunok tuloy siya ng wala sa oras.
"Ayos lang,huwag mo na siya gisingin," anito.
"Where do you sleep ?"
"Uuwi ako,ah,every weekend lang naman ako dito saka may nakalimutan lang ako rito kaya bumalik ako," anito.
Bigla may umusbong na pagkadismaya sa kaloob-looban niya.
Tumikhim siya muli at napakuyom ng mga palad.
"Hindi ka dapat basta-basta nagtitiwala sa ibang tao na kakakilala mo pa lang,you just met her today but you let her to enter your house," sita niya rito.
Nagkibit ito ng balikat na may ngiti sa labi.
"I like her. She's very bubbly and friendly. Saka wala ako masyado kaibigan at saka magaan ang loob ko sa kanya," tugon nito.
"Kahit na.."
"Don't worry,Mr.Helmer,I don't trust easily lalo na sa mga lalaki but not Paula,she's like a sister to me," anito.
Hindi siya nakaimik. Mr.Helmer?
So Formal,dude!
"Jade,right?"
"Yes,and you are..Phillip," nakangiti nitong sabi.
Tila nahigit niya ang hininga ng banggitin nito ang pangalan niya
Damn,ano ba nangyayari sa kanya? Bakit ba ganito na lang epekto sa kanya ng babae?
Ni Jade.
"I'll take her in my house...Jade. Pasensya na but...I don't let her to stay here,ayoko lang masanay siya rito.." pormal niyang turan rito.
"Ganun ba,okay.."
Agad na iniiwas niya ang paningin sa maganda nitong mukha.
"Where's your room?"
"That way," turo nito sa kaliwang bahagi ng bahay. "Ihatid kita sa room ko," anito.
Bigla nagulo ang buo niyang sistema sa sinabi nito. Bigla nilukob siya ng mainit na pakiramdam.
Damn!
What the hell is this?!
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
WerewolfPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...