Marahas na napabuga ng hangin si Prinsesa Arsha pagkatapos niya makinig sa ipad niya. Ang mga kanta na kakantahin niya mismo sa concert niya. Isang linggo na mula ng huling magkita sila ni Phillip at panay hanap ng manager niya rito.
He give you time..
Muli siya napabuga ng hangin. Malaki ang naitulong ng pamilya ni Zei para mawala ang bigat na nararamdaman niya sa pananatili niya roon ng tatlong araw..pero ng makalabas siya sa mahiwagang gubat na iyun nilukob siya agad ng pangungulila at lungkot para sa kasintahan.
Handa na nga ba siya umamin sa kasintahan?
Kaya natin..hindi dapat tinatakbuhan ito. Kapalaran natin ito...
Tinanaw niya ang kabuoan ng arena. Siya na lamang ang naiwan roon pagkatapos niya bisitahin muli ang lugar kasama ang buong staff at si Tita Mariane pero nagpaiwan siya. Nakatayo siya mismo sa dulo ng entablado. inextend iyun pahaba kung saan makakaharap niya ang nasa unahan manunuod at mas lalo siya makita ng malapitan din ng nasa gitna at dulo.
"Naalala ko nung unang nagperform ang Greenhulk kasama ang iyong ina," pukaw ng isang napakapamilyar na boses na iyun.
Marahas na napalingon siya.
"Ama?!"
"Kamusta,mahal kong prinsesa?" nakangiti nitong turan.
Mabilis na sinugod niya ng mahigpit na yakap ang Hari.
Agad na nilukob siya ng labis na pangungulila para sa ama...sa kanyang ina.
"You here..namiss ko po kayo,ama" saad niya habang mahigpit na nakayakap pa rin siya rito.
Hinalikan nito ang ulo niya. "We miss you too,mahal namin prinsesa ," puno ng pagmamahal nitong sabi.
Gusto niya umiyak habang nasa bisig ng ama pero...nahihiya siya.
"Magiging okay din ang lahat..pagkatapos ng lahat na ito," masuyo nitong saad na siyang nagpatulo na sa mga luha niya.
"I love him...but I'm scared," tila batang nagsusumbong sa ama habang nakasubsob pa rin sa dibdib ng Hari.
"I know,my princess. I'm here..we're here,your mother and your district,kung sakali man hindi ka niya matanggap,we're here," masuyo tugon ng Hari.
Nakalma niyun ang puso niya kahit papaano pero nangingibabaw pa rin ang lungkot at takot sa puso niya.
Sa hindi inaasahan na makasama ang ama ay hindi din inaasahan ang makita sa social media ang larawan nila ng ama. Mabilis na nagtrending iyun.
Ayon sa caption hiwalay na ba sila ni Phillip at may bago na siyang nobyo at iyun nga ang kanyang ama na yakap yakap niya sa larawan. Nakatalikod ang ama sa kuha iyun kaya hindi kita ang mukha ng huli.
Napabuga siya ng hangin.
"Break na ba kayo?" tanong agad ni Tita Mariane sa kanya.
"Sino naman ang isang ito? Kaya ba nagpaiwan ka kahapon dahiL magpupunta ang lalaki na yan kahapon roon?" naniningkit ang mga mata nito tanong sa kanya.
Gusto niya matawa. Hindi alam ng lahat kung sino ang lalaki iyun. Hindi niya masisisi ang mga ito kahit daan taon na ang edad ng ama nanatiling bata ang pisikal na anyo nito.
"He's...a friend," tugon niya.
"Friend? Alam ba yan at kilala ba yan ni Phillip? Where is he now?"pagdududa pa rin na pagtatanong nito sa kanya.
Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi.
Paano ba niya palulusutin ito?!
"Ate Jade?! Totoo ba? W-wala na ba kayo ni Kuya?" pagsulpot ni Paula sa studio niya.
Naipikit niya ang mga mata.
"Paula...how are you?"alanganin tanong niya sa dalagita.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
مستذئبPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...