She's here,your in-law...
Napangiti si Prinsesa Arsha Jade ng pagbuksan ng pintuan si Paula.
"Morning,Ate Arsha!" masigla nitong pagbati sa kanya.
"Morning,wala kang pasok?"
Ang ngiti sa labi nito ay nauwi sa pagngiwi. "Ahm,papasok ako..mamaya," anito.
Napabuga siya ng hangin. "We have deal,right?"
Napapahiyang tumango agad ito.
"Okay,ihahatid kita sa school ," aniya na kinaangat nito ng mukha.
"Sorry,Ate Arsha! Ahm,naiexcite lang kasi ko kaya dumaan muna ko rito," anito.
Iginiya niya ito papasok sa loob ng bahay niya.
"Okay?"
"Ahm,sa sabado kasi,wedding anniversary nina Mommy at Tito Gary,ahm..nasabi ko kay Mommy na..friends tayo at sobrang natuwa siya dun. Gusto ka din niya kaya...ahm..sabi ko ikaw sana gusto ko kumanta ng paboritong kanta ni mommy sa anniversary nila," pahayag nito.
Ohh..makikita natin dun si Mate sunget na wala bilib sayo..
Agad na napangisi si Arsha ng may maisip.
"Gusto mo ako kumanta sa anniversary ng parents mo?"
Umaasang tumango ang dalaga.
Wala bilib si mate sayo..
"Alright,payag ako," aniya na kinatuwa ng dalaga.
"Talaga po?!"nanlalaki ang mga mata nito saad.
"Yes," aniya.
Agad na dinamba siya nito ng mahigpit na yakap. Natatawang niyakap niya din ito.
Npabuntong-hininga siya. Masarap sa pakiramdam na may malapit sayo isang tao tulad ni Paula. Nakakatuwa.
Ipinarada niya ang kotse sa tapat ng gate ng school na pinapasukan ni Paula.
Tinted naman ang mga bintana ng kotse kaya hindi sila makikita sa loob na nasa labas. May ilan mga istudyante ang papasok pa lang.
"Salamat ng sobra,Ate Jade!"
"Basta mag-aral ng mabuti,okay?"
"Opo,promise!"
"Sige na,late ka na,"aniya.
Hinalikan muna siya sa pisngi ng dalaga bago ito masayang-masaya bumaba ng sasakyan.
Hindi pa man nakakalayo sa gate na yun ang kotse niya ng may bigla naman humarang sa harapan niya.
Muntik na yun!
Naipikit niya ng mariin ang mga mata. Kung hindi lang siya maliksi nunca mabundol na niya ang sumulpot na tao sa daanan niya.
"Lagot ako nito," kagat ang pang-ibaba labi na usal niya.
Kinatok ang bintana na nasa kaliwang pintuan niya.
Natigilan siya ng makilala kung sino iyun. Nakauklo ito at sinusubukan sumilip sa loob ng kotse.
Si mate pala yun!
"Open this door,whoever you are!" galit at madiin nitong sabi.
Hala,bakit kaya?
Muli ito kumatok sa bintana niya. Mabuti na lang wala ng mga istudyante sa kinaroroonan nila kaya dahan-dahan niya ibinaba ang bintana. Mabilis na dinampot niya ang sunglass niya at inabot ang bullcap na kulay green na nasa backseat lang in case na kakailanganin niya iyun.
Umuklo pa ang binata ng tuluyan ng bumukas ang bintana niya.
"Sino ka? Bakit kasama mo ang kapatid ko? Bumaba ka dyan!"galit nitong bungad sa kanya.
He's scaring me!
Kalmante na ngumiti siya na nag-angat siya ng mukha rito.
Masyado natatakpan ang mukha niya at ng sumbrero niya kaya nanlilisik ang mga mata nito na pilit na inaaninag ang mukha niya.
"Manliligaw ka ba niya?! Bumaba ka dyan!"
Naku...napagkamalan ata niya tayo lalaki!
"Ano? Gusto mo basagin ko salamin ng kotse mo?!" pagbabanta nito.
Prinsesa! Magpakilala ka na!
Inalis niya ang suot na salamin pero hindi ang cap niya. Nag-angat siya ng mukha rito para lang makitang natigilan ang lalaki at napaawang ang mga labi. Ngumiti siya rito na lalong nagpamaang rito.
Kinabahan ako dun!
"Magandang umaga,Sir..pasensya na,kaibigan ako ni Paula.." aniya.
Nakatitig lang ito sa kanya at dahiL dun pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso niya at nagsisimula na rin mag-init ang katawan niya.
No..no..no! Not now!
"Sir..?" untag niya rito.
Saka lang natauhan ang binata. Napatayo ito at tumikhim.
"Pasensya na,Miss..."
Hindi ka niya kilala? Di ba sabi ni Paula kilala ka niya?
Nginitian niya ito ng ubod ng tamis,well...may halong pang-aakit nga lang.
Grr,pinapalala mo lang nararamdaman natin eh!
"Ayos lang. Hinatid ko lang siya kasi pinuntahan niya ko kanina sa...bahay," aniya.
Nangunot ang nuo nito.
"Ganun ba.."
Namukhaan ka naman niya di ba?
Hindi na nila namamalayan na magkatitig sila sa isa't-isa. Naputol lamang iyun ng biglang magring ng phone nito.
Bago pa man niya ngitian muli ito ng bigla na lang ito tumalikod na sa kanya at sagutin ang tumatawag rito.
Pangalawang beses na niya ginagawa yun ah..
May kaunting pagkadismaya na umusbong sa dibdib niya. Napabuga na lang siya ng hangin.
"Atleast..mukha naman nakilala niya ko," alo niya sa wolf niya na alam niyang nadismaya din.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
LobisomemPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...