Special Chapter

3.2K 115 16
                                    

Agad na nginitian ni Prinsesa Arsha Jade ang kanyang espesyal na bisita. Mula pa ito sa pilipinas at personal na binisita siya para lamang ibigay nito ang munti nitong regalo para sa kanila ng kanyang asawa.

"Kamusta?" magiliw niya pukaw rito habang abala ito sa pagtanaw sa buong paligid na namumuti pa rin sa nyebe.

Agad na nilingon siya nito. Unang tingin mo pa lang alam mo na kung saan nakuha nito ang angkin nito kaguwapuhan. Lalo na ang kulay brown nitong mga mata.

Ubod gwapo naman talaga ang dating panginoon kaya hindi na nakapagtataka na sobrang gwapo din ng kambal!

"Mabuti...kayo? Kamusta dito?" anito sa seryosong anyo.

Hindi mahirap mapagsino ang anak na kambal ng dating panginoon. Ang isa sa kambal na nasa harapan niya ngayon ay napakatahimik ng aura,misteryoso at tila hindi marunong ngumiti kabaliktaran ng kakambal nito.

"Ayos naman kami dito. Masaya,sobra..Zeil," tugon niya na may kakuntentuhan sa buhay.

Tumango ito. "Mabuti naman po kung ganun," anito.

Bumaling ito sa may gilid nito at kinuha ang isang malaki na malapad na bagay na nakasandal sa gilid ng pintuan.

Kinuha nito iyun at nilapit sa kanya.

"Pasensya na,ngayon ko lang naibigay. Medyo naging busy sa school," anito.

Masuyo niya ito nginitian. "Walang problema. Natutuwa nga ko dahiL hindi ko inaasahan na may regalo ka para samin," aniya.

Agad na binalingan ang bagay na nasa harapan niya at pinunit ang nakabalot na kulay berdeng wrapper.

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkamangha. "Woah..."

Titig na titig siya sa larawan nila ng asawa. Kuha iyun ng ikasal sila ni Phillip sa pribadong Hardin at sobrang nakakamangha ang pagkakapinta niyun. Para sila nasa mundong-Colai dahil buhay na buhay at matingkad ang bawat kulay!

"Napakaganda! Tila sa mundong-Colai kami ikinasal. Nakakamangha ka,Zeil!"

Natawa siya ng makita kung paano napapahiyang napayuko ang binata.

"Salamat,"anas nito na nanatili nakayuko pa din.

Manghang-mangha pa din na pinagmasdan niya ang painting.

"Dumating na ba si Zeil?!" pagsulpot ni Phillip mula sa loob ng bahay.

Agad na napabaling ito sa painting nila. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkamangha.

"Ang husay niya hindi ba? Nakakabilib!" turan niya sa asawa.

"Kahit alam ko na kakaiba kayo. Nagugulat pa din ako sa kakayahan niyo. Wow. Nakakabilib lang," Mangha saad ng asawa na ngayon ay nakaakbay na sa kanya.

Pareho nila pinagmamasdan ang painting nila mag-asawa.

"Natutuwa po ako na nagustuhan niyo ang simpleng regalo ko sa inyo,Mahal na prinsesa at mahal na prinsipe," malugod na saad ni Zeil.

"Maraming Salamat din,Zeil.." malugod din niya pasasalamat din sa binata.

Kumislap ang kulay brown nitong mga mata...sa kasiyahan.

He's so handsome and cute at the same time..

Alam niya na marami itong paiiyakin na babae at maswerte ang babae na iibig at iibigin nito.

May nasisiyahan ngiti na nakapagkit sa mga labi nila ng asawa habang nakatitig sa painting.

Ang painting na siya sobrang makulay at tingkad gaya ng kanilang pagmamahalan ni Phillip.

Ang kanya mate.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon