Mundong-Colai

3.2K 120 7
                                    

Nagkakagulo ang buong distrito na nasasakupan ni Haring Ariel ng marating niya ang kinaroroonan ng prinsesa. Napailing siya ng makita din ang Reyna na sinasabayan ang prinsesa nila sa hilig nito sa pagtugtog. Gamit ang instrumento na paboritong tugtugin ng kanyang mag-ina. Mabuti na lamang at hindi sila nakakagambala sa ibang karatig-distrito nila.

Manghang-mangha ang mga kadistrito nila sa Reyna at Prinsesa. Bawat hampas ng hawak ng mga ito ng drumstick ay talaga naman nagbibigay ng sigla at buhay sa lahat.

"Nakakamanghang panuorin ang mahal na Reyna at mahal na prinsesa,hindi ba,mahal na Hari?" untag sa kanya ng Anda ng kanilang distrito.

Agad na napangiwi siya ng makita may banner na nakasampay sa balikat nito. Nakasulat na  Lady in Green.

Napapahiyang tumikhim ang Anda.

"Ang mahal na prinsesa," anito.

Natawa na lang siya pagkaraan. Tama nga siya. Ang makulit at pasaway na Prinsesa ang may pakana niyun kung kaya pati ang nanahimik na Anda ay napasali.

"Talaga po,ama?" mulagat ng prinsesa ng ipaalam niya rito ang tungkol sa propesiya.

"Oo..gaya kung saan ko natagpuan ang iyong ina,mahal na prinsesa," masuyo niyang saad habang hinahaplos ang mahaba nitong buhok.

Nakasandig ang ulo nito sa balikat niya habang tinatanaw nila ang makulay na distrito nila.

Umayos ito ng pagkakaupo pagkaraan ng ilang sandali. Napangiti siya ng matitigan ang kulay Berde nitong mga mata.

Kumikinang ang kulay berde nitong mga mata kapag masaya ito at tila naman walang buhay naman kapag malungkot .

"Mahahanap ko po ba kaagad ang mate ko kapag nandun na ko?"

Hinaplos niya ang pisngi ng prinsesa. "Patatagpuin kayo ng oras,panahon at ng tadhana,mahal na prinsesa," tugon niya.

"Hmm..paano ko naman po malalaman?"

"Ikaw lang ang makakaalam niyun,mahal na prinsesa," aniya. Hindi siya sigurado lalo pa at baka hindi gaya noon ng matagpuan niya ang kanyang mate ang mangyari ngayon sa prinsesa nila.

Tumango-tango ito.

"Magagawa ko pa din po ba ang pagtugtog dun,ama?"

"Oo naman. Si zei,siya ang bahala sa lahat.."

Ngumisi ang prinsesa. "Ah,ang dating panginoon. Sabi ni Ina gwapo daw si Zei?!"

Napailing siya. "Totoo naman yun..pero ikaw,Huwag ka pasaway dun," aniya sabay pingot sa dulo ng matangos nitong ilong.

"Huwag kayo mag-alala,ama..magpapakabait po ako dun!"

"Sana nga,sana nga.."

Napangisi ang prinsesa at niyakap siya nito ng mahigpit. Mamimiss ko po kayo ni ina.

"Mamimiss ka rin namin,mahal namin prinsesa.."

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon